Napahinga ako pagkatapos ng hindi gaanong kabahang usapan na iyon. Muli, magiging busy nanaman ako. It's also been weeks since the wedding of Doms and Ethan. And now, they're in somewhere for their honeymoon.

"Kailan daw, Ky?" Tanong saakin ni Ms. Rose.

"June 23 daw, e."

Humalumbaba siya sa cubicle ko. Katapat ko lang kasi siya ng cubicle.

"Kaya 'yan. May one month pa tayo para magprepare."

"Yeah, pero mukhang napakahalaga nitong event nila Daddy na 'to. I'll ask him later kung para san 'to. Curiousity suddenly hits me." Iling ko at nagsearch na ng mga connected na tao saamin na oorderan namin.

- I'm here, baby. Hindi kapa ba lalabas?

Iyan ang text sakin ni Blake. Tinignan ko ang oras at nakita kong 6:30 na. Tumayo na ako kasabay nila Elise.

"Ky, kelan babalik dito yung bestfriend mo?" Curious na tanong ni Pat saakin.

Sinara ko ang bag ko at sinukbit iyon sa balikat ko bago hawakan ang cellphone ko at ipasok ang swivel chair ko sa ilalim.

"I don't know. Busy siya ng super, e."

"Sabihin mo sakaniya namimiss ko na siya." Tawa niya at nakita ko ang pamumula sa pisngi niya.

"Makakarating." Sagot ko kaya lalong namula ang pisngi niya.

Lumabas na kami ng office at naglakad patungo sa elevator.

"Naf-fall kana ata talaga dun sa bestfriend ni Kylie, Pat!" Sabi ni Elise sakaniya habang nagsasalamin dito sa loob.

"Hindi, ah! Crush ko lang yun. Kaso masaklap! Hindi ako inaaccept sa fb kahit ang follow request ko sa twitter. Hanggang tingin na lang ako sa mga picture na tinatag sakaniya ni Ky kapag magkasama sila." Malungkot niyang sabi.

"Ibig sabihin, hindi siya interesado sayo." Iling ni Ms. Rose kaya sinamaan siya ng tingin ni Pat.

"Pwede namang sabihing I-aaccept ka din niyan. 'Wag ka ng malungkot. Kesa sa hindi siya interesado sakin. Para namang pinapamukha mong napakahopeless ko." Matalim ang tingin na ipinukol ni Pat kay Ms. Rose kaya tumawa kaming dalawa ni Elise.

"Ewan ko ba dun sa lalaking 'yun. Ilang taon ng walang girlfriend, ang dami namang nagkakagustong babae wala lang talagang matipuhan."

Nakita ko ang pagkalungkot ni Pat. Crush na crush niya nga talaga si Jules. Gwapo nga naman talaga!

"Ano bang gusto niya sa isang babae?" Tanong ni Elise at sinulyapan si Pat sa salamin.

Nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko ba. Alam ko kasing masasaktan ko si Pat sa oras na sagutin ko iyon. Pero nakita ko ang tatlong pares ng mata na nakatingin saakin. Like they really wanted to know.

Bumuntong hininga ako at tinignan ang cellphone ko na may reply na ni Blake. "Kung ano ako. 'Yun ang gusto niya." Kagat labi kong sagot bago isend kay Blake ang reply ko na pababa na kami.

Bumukas ang elevator kaya lumabas na kami. Hindi ko maiwasang hindi mapasulyap kay Pat at nakita kong nakatingin siya saakin.

"Like you? Paano? Kailangan ko din bang maging Santiago para magustuhan niya din ako? Kung matulad mo ang tipo niya, it means, gusto ka niya!"

Napailing ako habang tinatahak namin ang daan palabas. Why do people keep on pushing that Jules likes me? Hindi ako manhid at hindi ako tanga kaya alam kong wala siyang gusto saakin. Kung dahil sa mga binibitawang salita at gestures iyon ni Jules ay mali sila ng akala. Sweet lang talaga si Jules kaya ganun.

Campus QueenWhere stories live. Discover now