Chapter 48 Sparks Fly

Magsimula sa umpisa
                                    

Pumasok kami sa restau at binati kami ng waiter na Korean at wala akong alam kung anong sinabi niya. Basta may word na ‘mida’. Fan ako ng korean novella pero wala akong talent pagdating sa pag aaral ng korean words dahil ang hirap hirap at nakaka bulol.

Nasa private area kami umupo dahil may taglay talagang kaartehan at ka-konyohan etong si Ice. Siya naman magbabayad kaya pumayag nadin ako. Binagay sa amin ng waiter yung menu at dahil di naman namin maintindihan yung nakasulat pinagtuturo nalang namin yung kung ano man ang masarap.

“Dapat nag turo turo nalang tayo kung ituturo nalang din naman pala natin yung kakainin natin”. pag rereklamo niya sa akin.

“Bakit kumakain ka ba doon? Ako okay lang. Ewan ko lang sayo”.

“Kumakaen ako doon. Anong tingin mo sa akin maarte sa pagkaen?”.

“weh? Hindi ba? Mukha ka ngang conyo na ewan”.

Ginawa namin habang nag hihintay ng order namin kundi mag asaran at magpektusan. Ang lakas lakas mang pektus kala ko mamamatay na ako.

“ang hina hina lang ng pektus ko ah! Bakit ang lakas ng pektus mo!”.

“See that muscles?”. Nag flex siya ng braso. “that’s why”.

“Narcissistic much? Psh”.

Naawat lang pag aaway namin ng dumating yung food.

“Mukhang masarap”.

“masarap yan kase mahal”.

“aba nanunumbat?”.

“hindi naman. Nag sasabi lang ng totoo”.

“Whatever”. I rolled my eyes. Nagsimula ng kaming kumain at infairness ang quiet namin. “pansin mo ang daming dog stuffs dito?”. Turo ko sa mga display sa buong restau.

“Tinginan mo yun. Pang totoo yung lechon na aso”. Turo niya sa may aso sa table na mukha ngang lechon.

“kadiri ka. Panira ka ng appetite”. Nakakatakot naman asong lechon na display. Masyadong realistic naman yun.

“Ang sarap ng food. Anong klaseng meat kaya to?”.

“parang beef na pork. What do you think?”.

“Tanong natin sa waiter”.

“Good luck naman”. Tinawag niya yung waiter na korean at agad naman lumapit to.

“What kind of meat is this?” turo niya sa food namin.

“Yes”. Sagot ng waiter.

He's so hot [Complete] || She's so Hot [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon