Chapter 3

1 0 0
                                    


TJ

"Anong meron? Ngiting ngiti ah?" Puna sakin ni ate nung makasalubong ko sya sa sala.

Kadadating ko lang galing kila Mikey. Di ko sya sinagot at nagpatuloy na lang sa pag akyat sa kwarto ko. Naghubad lang ako ng t-shirt at pantalon. Inamoy ko pa ang damit ko. Baka kasi mabaho. Inamoy pa naman to ni Mikey kanina. Nakakahiya. Mabango pa naman. Buti naman. Nahiga ako sa kama ko at pumikit.

Naalala ko yung mga nangyare samin nung mga nakaraang araw hanggang ngayon. Nung nagkasabay kaming lumabas ng pinto. Nung nginitian nya ko. Grabe ang saya ko talaga nun.

Tapos nung magkasabay din kaming maglakad. Nung pauwi na ko. Sobrang saya ko nung kausapin nya ko. Kaso nga lang ang tanga ko. Sa sobrang kaba ko kapag kaharap o malapit sya sakin. Hindi ako makapag isip ng magandang sasabihin. Nahihiya na rin kasi ko kaya binilisan ko na ang lakad at sumakay na sa motor ko. Sising sisi ko nung nasa motor na ko paalis. Ang tanga lang kasi ng ginawa ko.

At nung hapon ding yun inaya ako nila Jake na magbola sa court ng village namin. Nakita ko sila Kendra kaya hinanap agad ng mata ko kung kasama ba nila si Mikey. Kaya lang wala pala sya. Nagsimula na kaming maglaro. At nung di sinasadyang mapatingin ulit ako sa gawi nila Kendra. Parang nakita ko sya pero di ako sure kaya lumingon ulit ako. At dun ko nasiguro na sya ngayon. Nakatingin sya kila Kendra nun parang inaasar sya. Natawa kasi yung mga kasama nya pero sya nakasimangot. Ang cute nya kahit nakasimangot. Nung matapos naman kaming maglaro. Nagpunta na kami sa katabing bench na inuupuan nila. Nandun kasi yung mga gamit namin. Hindi ko sya tinitingnan kasi nahihiya ako. Pero nakikita ko sa gilid ng mata ko na lagi lang syang nakatingin sakin. Hanggang nung umiinom ako ng tubig. Di ko na napigilan ang sarili ko na mapatingin sa kanya. Ngumiti sya sakin bigla akong nataranta kaya tinapos ko na ang pag inom ko at tinanguan lang sya. Tapos tumalikod na ko sa kanya. Naiiling ako sa katangahan na namang nagawa ko.

At nung huli nga, kanina. Kasama kong nakatambay sila Jake sa may gym. Katatapos lang naming maglaro ng bola. Alam ng barkada na may gusto ko kay Mikey. Hindi di ko alam kung panu nila nalaman. Hindi ko naman kasi sa kanila sinasabi. Kaya nung lumapit samin si Mikey parang kinakabahan na naman ako. Dahil nandyan na naman sya sa malapit at dahil baka kung anong masabi ng barkada. Kilala ko silang mga sira ulo kaya natatakot ako pag nandyan si Mikey at pag nandyan din sila. Nagpaalam sila at iniwanan kaming dalawa ni Mikey. Napayuko ako dahil hindi ko alam ang gagawin. Baka gumawa na naman ako ng katangahan. Naramdaman ko syang naupo sa tabi ko at sinabing gusto nya ng ice cream. Nung una hindi ako pumayag nahihiya na naman kasi ko. Pero pinilit nya ulit ako kaya pumayag na din ako. Naisip ko pagkakataon ko na din tong makasama sya ng mahaba habang oras. Nagulat ako nung sumigaw sya ng yes. Gusto kong mangiti sa ka-cute-tan nya pero pinigilan ko. Pati nung makita kong mali ang pagkakakabit nya ng helmet nya. Ang cute ng kainosentihan nya. Halatang hindi pa nga nakakasakay ng motor.

Nung una sobrang kinakabahan pa rin ako nung kumapit sya sa tiyan ko. Nung umaandar na kami. Pero unti unti nasanay na din ako. Sobrang saya ko nung mga oras na yun. Bigla nga lang akong na conscious nung makita ko sya sa side mirror na inaamoy ako. Baka kasi may iba na kong amoy. Nag sorry ako pero natuwa talaga ko sa isinagot nya. Napangiti tuloy ako.

Habang kumakain naman kami. Hindi ako makatingin sa kanya. Hindi ko kasi talaga alam ang gagawin.

Naguluhan ako nung tinanong nya sakin kung sino mas maganda sa kanila ng ice cream. Pero syempre sya ang sinabi kong maganda. Totoo naman kasi. Sobrang ganda nya. At panibagong kaba na naman nung tanungin nya ko kung anong type kong babae. Dahil wala naman akong type sya na lang muna ang tinanong ko. Kaya lang mukhang na misinterpret nya yung sinabi ko. Nagulat na lang ako sa mga sinabi nya. Type daw nya ko. Sobrang saya ko talaga sa nalaman ko. Pero sobrang kinakabahan lang. Kaya nag aya na lang akong umuwi kesa sa may masabi o magawa pa kong katangahan. Parang ayaw pa nyang umuwi pero pumayag din naman.

Naabutan pa namin si kuya Harry sa may gate nila. Naisip ko kung magkaanu-ano kaya sila. Nasagot din yun nung tanungin ako ni kuya Harry kung bakit kasama ko si Mikey. Magkapatid pala sila. Liit nga naman ng mundo.

Gusto ko na sanang umalis pero nagtanong na naman si kuya Harry kung nililigawan ko daw ba si Mikey. Nagulat ako sa tanong nya. Sasagot na sana ko ng hindi pero naunahan na ko ni Mikey. Ayokong ganun ang isipin ni kuya Harry samin pero ayoko din namang mapahiya si Mikey. Kaya di na lang ako nagsalita. Isa pa may biglang tumawag kay kuya Harry. Nagpaalam na din ako kay Mikey at umalis na.

**

Mikey

"Good morning TJ." Bati ko kay TJ nung mapadaan ako sa upuan nya papunta sa upuan ko. Ngumiti lang sya sakin. Tapos naupo na ko sa pwesto ko.

"Sabihin mo. Anong nangyare kahapon?" Demanding na sabi sakin ni Kendra.

"Anong nangyare kahapon? Bakit wala akong alam?" Sabi naman ni Phoebe.

"Umalis ka na kasi nun." Sagot naman ni Kendra.

"Oh ano na ngang nangyare kahapon?" Balik na tanong sakin ni Kendra.

"It's a long long story. But to make it short. He's going to court me." Kinikilig kilig na bulong ko sa kanilang dalawa. Nagulat naman ako pati na rin yung iba naming kaklase nung sabay pa silang nagtitili.

"Ano ba! Manahimik nga kayo! Nakakahiya." Natatawang saway ko sa kanila.

Nagsorry naman sila sa mga kaklase namin.

"Totoo ba?" Di pa makapaniwalang tanong ni Phoebe.

"Oo nga. Mamayang umuwian kwento ko sa inyo yung nangyare."

"Sige sabi mo yan ha?" -Phoebe.

"Oo nga. Kulit nito." Sagot ko.

Nanahimik na din kami kasi dumating na yung prof namin at nagsimula ng magturo.

Pasimpleng nilingon ko si TJ at diretso lang ang tingin nya sa prof. Grabe kahit side view ang gwapo pa rin nya. Pointed nose!

❤❤

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 06, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Call Me BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon