Kumain lang ako ng carbonara at siya naman ay tuwang- tuwang pinapanood ako. Sinamaan ko siya ng tingin pero nginitian niya lang ako.

Dahil sa pangyayaring yun ay naisip ko na kapag hindi ko naggawa ang gusto ni Eleazar ay iiyak talaga ito. Sa totoo lang, naiirita ako kapag nakikita siyang umiiyak kaya wala akong maggawa. Pagkalaunan ay hindi na siya umiiyak pag hindi ko ginagawa ang gusto niya, namimilit naman.

Kaya kanina grabe na lang ang kaba ko dahil pangunang beses ko na lang ulit siya nakitang umiyak sa matagal na panahon.

Napatingin ako sa pinto nang may kumatok. Lumapit ako doon at binuksan iyon. Bumungad sa akin ang pinsan ni Eleazar na minsan ay feeling naman niya ang pinsan niya din ako.

"Hello, ate! Ready na daw ang pagkain sabi ni Tita." Saad niya at kumindat.

Napasapo ako sa noo ko at sinabing, "Huwag mo nga akong kindatan, Isaiah."

Tumawa naman siya.

"Eto naman si Ate Luna, hindi na nasanay sa akin."

Binalewala ko na lamang siya at pumunta na sa baba. Sumunod naman siya sa akin. Umupo na ako, ganon rin siya. Naroon ang nanay ko, mga magulang ni Isaiah, ama ni Eleazar, si Eleazar at Isaiah.

Naguusap- usap sila patungkol sa sitwasyon ni Eleazar at Isaiah sa eskwelahan nila. Inilibot ko ang tingin at hinanap ang kakambal ni Isaiah.

"Hinahanap mo ata, Ate Luna, si Oliver." Pagtukoy ni Isaiah sa kakambal niya.

"Oo nga, asaan na yun?" Tanong ko sa kanya.

"Nasa puso ko," tiningnan ko siya ng masama at tumawa naman eto. "Joke lang, Ate, nasa Pilipinas siya. Nagpaiwan, ewan ko ba dun. May babae ata yun doon."

"Kung ano- ano ka, kung ako sa'yo ipupuyod ko yang mahaba mong buhok para wala hastle kumain, kulang ka ata sa kain eh." Bulong ko sa kanya.

"Pwede pwede," Sagot niya.

Kinuha niya ang pamuyod na nasa wrist ko at pinuyod ang buhok niyang abot balikat na. Sa totoo lang, gustong- gusto ko talaga ang buhok niya. Ang buhok niya kasi ay katulad ng kay Harry Styles.

Kumain na kaming lahat at syempre hindi pa rin matapos ang usapan nila tungkol sa nga success ni Eleazar sa mga contests na sinasalihan at tungkol sa palaging nasa rank one si Isaiah sa klase.

"Law student ka 'diba?" Tanong ng nanay ko kay Isaiah.

"Opo,"

"Law student din si Luna eh kaso hindi tinuloy ang pagiging abogado at nagvlog na lang. Sana ipagpatuloy mo yan ha tapos magabogado ka para may abogado na ang pamilya natin." Saad ng nanay ko.

Nainsulto ako. Ramdam ko na parang dismayado siya sa sinaad niya at ramdam ko na may kumirot sa puso ko. Naluluha ang mga mata ko. Ganon na lamang ang naramdaman ko, naiinsulto talaga ako.

"At least masaya siya, Mama, sa ginagawa niya. Mas maganda kapag ganon." Sagot ni Eleazar at tumingin sa akin.

Lalong bumigat ang damdamin ko. Masama ang ugali ko, oo. Kaya kong ipaglaban sarili ko, oo. Pero iba kapag kinumpara ka sa iba ng magulang mo.

Kumain na lang ako kahit nawalan na ako ng gana. Naiiyak ako pero pinipigilan ko. Ayokong umiyak sa harapan ng maraming tao.

Nang matapos ay nagusap- usap pa sila tungkol sa business ng pamilya nila. Napagdesisyunan ko na pumunta sa rooftop para magpahangin.

Nakakatawang isipin na kapag iba ang mood ko, pupunta ako sa mall o kaya naman dito. Umupo ako sa upuang naroroon at napaluha na talaga nang masilayan ang abot- tanaw na dagat.

Malayo- layo ang dagat na iyon pero kitang- kita pa rin. Sabi daw nila 'just go with the flow' pero huwag magpapatangay sa alon ng buhay.

May matinding epekto sa akin ang dagat. Sobrang tinding epekto.

"Anak, huwag kang lalayo. Dito ka lang." Saad ni Tatay.

"Gusto ko sa malalim, Tatay!" Saad ko at tumakbo papalayo sa pangpang.

Napatumba ako nang biglang pumalo sa akin ang malakas na alon. Napapikit ako sa sobrang sakit noon at nagpatangay na lamang sa tubig dahil sa sobrang panghihina ng katawan ko.

Naramdaman ko ang pag- angat ng katawan ko habang may taong kumakarga sa akin. Hindi ko maimulat ang mata ko, masyado akong nanghihina.

"Anak, gising. Gumising ka, Anak." Nang marinig ko ang boses ni Tatay ay napamulat ako.

Nang pagmulat ko ay biglang siyang ngumiti at sinabing,

"Mabuti't ligtas ka."

Kinarga niya ako at tumakbo papunta sa kotse namin. Kalmado lang siya at ako naman ay hindi na mapakali.

"Anak, kumalma ka." Saad niya at agaran akong kumalma nang marinig ang mga katagang mula sa kanya. "Anak, Kahit gusto mong mapalayo o pumunta sa malalim at gumawa ng bagong karanasan, kapag pinlano ng Diyos na bigyan ka ng alon ng problema, lumaban at tumayo ka. Kahit anong lakas o tapang mo kapag sumuko ka, wala ang lahat ng iyon. Huwag kang magpapatangay sa alon at gumawa ka ng sarili mong bangka na kalmadong lalayag sa pangpang ng masayang katotohanan ng buhay matapos dumaan sa maraming alon ng pagsubok."

Sana'y Sa Susunod (LADS #1) // (Completed)Where stories live. Discover now