"Ate, Embrace!"

"Ate, Kiss"

"Embrace, Ate!"

Nyehehehe! Ang kulit ni Harry bawat isa sa'min nila Marian ay hinihingan niya ng kiss and embrace. Nasanay na ata talaga siyang makikita kami every week dito sa bahay nila. Gusto ko na 'tong iuwi sa bahay naming, ang bibo masiyado.

Habang nanunuod kami ng Jeepers Creepers ay tawa kami nang tawa. Grabe lang?

"Uy, nga pala, Akane, ba't 'di ka naman ma-reach kanina? Lowbat ka ba? Kaya sinundo ka namin sa room mo, eh," tanong ni Mikee.

Ha? Lowbat?

"Hindi naman ako lowbat, eh. Baka walang signal?" sagot ko naman habang hinahanap 'yung phone sa bag ko.

"Ilang beses ka kaya naming tinawagan," sabi ni Marian.

Du'n ko lang naalala na bago nga pala ako makatulog ay pinatay ko 'yung selpon ko.

"Ay, oo nga pala. Pinatay ko kanina 'yung phone ko," simpleng sabi ko sakanila.

"Bakit naman? Nahuli ka ba ni Mrs. Olifermo?" tanong ni Mikee.

"Hindi. May text kasi nang text sa'kin'di ko naman kilala, istorbo sa pagtulog ko," paliwanang ko sa kanila.

"Hmmm... Sino?" tanong ni Marian.

"'Di ko nga alam'di ba? Teh, nu'ng nagsabog ang Diyos ng kapital S at Kapital T, sinalo mo lahat ano?" tanong ko kay Marian. Kasi naman kakasabi lang tinanung ulit?

"Baliw, siya nagdonate nu'n."

Tawa kami nang tawa ni Mikee kay Marian.

"Ha? S at T? Ano 'yun?"

Ay, potek! Kahit kailan ang slow.

"S for Stupid and T for Tanga!" tatawa-tawang sabi ni Mikee.

Nga naman kasi. Linis-linis 'din 'pag may time.

7PM na and Friday naman so tumambay muna kami kina Bryn at naki-wi-fi. Ilang araw din pala akong 'di nakapag-open kasi busy sa school. Haaaayyy.Pero nakakausap ko naman si Nico sa phone kaya okay lang kahit 'di ako mag-online.

Pag-open ko ng FB ay may 68 notifs, 14 FR and 3 messages.

'Yan na namang notification na 'yan. If ever na 'di mga game request ay mga status nina Marian, Mikee, Nico at Bryn na naka-tag ako at ginawa na naman nilang chatbox ang comment box. Tssss.

In-open ko rin 'yung twitter ko. Pag-open ko ng interaction ko ay laking gulat ko!

Nakita ko kasi na may mga tweet si Miggy sa account ko, eh

"Hi Miss! @Akane_Sachiko" @Miggy_Castro

"Taga-A.S ka Miss? @Akane_Sachiko" @Miggy_Castro

Nu'ng ano 'yan bumili kami nila Marian ng book tapos may mga iba pa siyang following tweets.

"Uy, miss, nakita kita kanina sa Shop anong ginawa nyo dun@Akane_sachiko?" @Miggy_Castro

Same din siya nu'ng date sa above then kilala niya ko?

Tapos meron pa.

" Ang snob mo naman Miss. Sayang maganda ka pa naman. @Akane_Sachiko" @Miggy_Castro


Eto'yung pinakakinagulat ko...

"Ako nga pala 'yung nagtetext sa'yo nung nakaraan pati kanina @Akane_Sachiko" @Miggy_Castro

When Landi Meets Hinhin (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon