"Pare! May bumulong sakin, umalis na daw tayo" tumakbo sa pintuan si Poy hawak ang camera na parang naiihi na ewan. Galing talaga nitong gumawa ng kwento para lang umuwi na sila.



"Poy, wag kang duwag dyan parang kang - huh?"



Napatigil siya sa pagsasalita nang marinig na naman ang ingay sa labas ng bintana sa tapat nila.



Lumilikha ang kung sino man ng kakaibang ingay na galing sa mabigat na paghila ng isang yero. Masakit iyon sa tainga at medyo nakakakilabot. Nakapagtataka lamang na kahit tila malapit lamang iyon ay wala siyang kahit anong maaninag na anino sa buong paligid. Ilang sandali pa ay sinundan pa iyon ng malalakas na kalabog na galing sa itaas ng bahay. Kasunod ay ang langingit ng binuksang pintuan na tila nagmumula sa likuran ng bahay.



Maya-maya'y nakaramdam siya ng kilabot nang maramdaman ang mabigat na pagdantay ng isang kamay sa kanyang balikat.



Ang bigat naman dumantay nito ni Poy, nakakahilo.



"Pare, alis na kasi tayo" nagulat siya ng bigla itong sumigaw sa gilid niya kung nasaan ang pintuan. Saka niya naalalang tumakbo nga pala ito doon kanina.



Huh? Sinong...



Sa naisip na hindi ang kaibigan ang humawak sa kanyang balikat ay hindi na siya nagpatumpik tumpik pa at tumakbo na siya papunta rito.



"ay teka yung videocam ko nai~" hindi na niya naituloy ang pagbalik nang makita niya ang isang babaeng nakatayo sa gilid ng kaniyang videocam kung saan siya nakatayo kanina.



"T-t-ted" nauutal na tawag ni Poy sa kanya.



Mahaba ang damit nitong pangkasal na sa ilalim ay punung puno ng putik. Hindi ito mukhang nakakatakot dahil sa kaputian ang kagandahang taglay pero sa umpisa lang pala iyon dahil unti unting nagbago ang kulay ng balat nito. Dahan-dahang lumalabas ang tila mga pasa nito na parang binugbog at nabulok, pati ang kulay ng mata nito'y naging kulay itim. Saka lumabas ng dahan-dahan ang dugo mula sa mga iyon. Tila ito isang rebultong lumuluha ng dugo.



"Paanong-"


 

Nagulat sila nang tumingin sa kanila ang babae saka dahan-dahang lumapit. Ramdam niya ang bigat ng bawat hakbang nito kahit hindi niya nakikita ang mga iyon dahil sa haba ng damit nito.

 


Bakit ganito ang nararamdaman ko. Para akong nahihilo na nasusuka.



"Ted! Bakit hindi ka pa tumatakbo!"



Aburido siyang hinihila ni  Poy pero hindi man lang niya naihakbang ang mga paa upang sumunod dito dahil naramdaman niyang may humawak sa isa pa niyang braso. Isang malamig at mahigpit na paghawak. Parang gustong tumigil sa pagtibok ang puso niya sa sobrang kaba.



"TED!" naiiyak na sigaw ni Poy.


Nasaksihan niyang sa isang pagdilat lamang ng babae ay tumalsik palabas ang kanyang kaibigan. Walang pasubaling lumapit ito sa kanya at masuyong hinaplos ang kanyang mukha, gamit ang magaspang at nagsurugo nitong mga kamay.



"Ben"



Iyon ang huling salitang narinig niya bago siya nilamon ng kadiliman.


BAGONG BAHAY ni MARIA - EDITING!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon