Chapter 56: Overnight

Start from the beginning
                                    

"Alam mo nagi-guilty nga ako minsan eh. Kasi ang swerte swerte natin. Hindi man lang tayo pinaghintay ng destiny para mameet ang isa't isa." –natawa si hiro sa sinabi ko, ang gwapo talaga ng mahal ko kapag nakangiti. "Basta hindi dapat natin kalimutan na ang dami dami natin dapat ipagpa-salamat." –dagdag ko sakanya at niyakap ko siya.


Niyakap ko siya ng sobrang higpit hindi ko alam pero parang last hug ko na sakanya yon. niyakap din ako ni hiro at hinalikan sa forehead ko. ang swerte swerte ko nga.


"Tama ka mahal. Ang swerte ng natin sa isa't isa. Maaga palaga alam ko na at alam nating dalawa na tayo ang magkakasama hanggang sa pagtanda natin."


"Mahal basta huwag mo akong iiwan ah?. hindi ko kayang mawala ka sa buhay ko mahal." –sabi ko kay hiro.


Hindi ko alam pero sa dami dami ng mga nanligaw sakin kay hiro ko naramdaman yung tinatawag na spark at hindi nga ako nagkakamali na siya ang sinagot ko, siya ang minahal ko. dahil minahal niya ako ng sobra sobra pa sa inaasahan kong pagmamahal sakanya.


"Ah mahal mag-overnight nga pala dito sina ica." –sabi ko sakanya.


"Pwedi bang pati ako mahal?. Tabi tayo."


"Mahal!."


"Joke lang naman mahal. Alam ko naman na bawal eh. At hihintayin ko ang araw na makasama kang matulog gabi gabi." –sabi niya.


Nagkwentuhan lang kami ni hiro at kumain. Hahaha! Ang takaw namin noh?. Pero hindi ako tumataba. Ang swerte ko na kahit anong trip ko sa buhay lagi sinasabayan ni hiro. Destiny nga kami. Meant to be talaga kami sa isa't isa. May hihiligin pa ba ako?. Wala na dahil sobra sobra na ang binigay niya sakin.


"Mahal una na pala ako may practice pa kami nina wendell eh." –paalam ni hiro sakin.


"Okay mahal. Hmm mahal kumusta na pala kayo ni kenneth? Okay na ba kayo?." -tanong ko sakanya.


"Mahal huwag mo na isipin yon magiging okay din kami ni kenneth."


"Pero mahal kasalanan ko kung bakit kayo nag-away eh."


"Mahal wala ka kasalanan. Sige na una na ako mahal na mahal kita mahal."


"Mahal na mahal din kita mahal." –sabi ko.


Hinatid ko si hiro sa labas ng bahay namin. parang ayoko siya umalis. Feeling ko na eto na yung last naming pagkikita. Iba nararamdaman ko pero ang baliw ko para isipin yon. maybe siguro mamimiss ko siya maghapon at bukas hindi kami magkikita dahil may tour kami. Hayyyyyy! Inlove na nga ako. Inlove na inlove na nga kay hiro.


Papasok na sana ako pero biglang nagvibrate phone ko. pagkakita ko tumatawag si ica. Ang aga naman niya ata pupunta dito? 1pm palang eh. Hindi ko pa naayos ang room ko.


"Hello be?."


[Be asan ka?.]

FOREVER FRIENDSHIP (COMPLETE) (Editing)Where stories live. Discover now