Chapter 53: Success Plan

248 6 0
                                    

*SOMEONE POINT OF VIEW* (AN: Hulaan niyo kung sino. Ang makakahula may candy! Hahahaha CHOS! Basahin niyo din po ang SECRETLY INLOVE IN MY BESTFRIEND Thankyou!)


"Ano bro okay na ba lahat?." –tanong ko sakanya.


"Oo bro okay na lahat ng plan. Ikaw nalang ang hinihintay namin."


"sige bro. papunta na ako." –pagkasabi ko sakanya binababa ko na ang tawag.


Kinakabahan na ako. Alam ko naman na hindi ako mare-reject pero hindi ko parin maiwasan kabahan. After all na mga nangyari samin ayoko na siya pakawalan pa. siya na ang gusto kong makasama. Pang habang buhay.


Nagbuga nalang ako ng hangin para kahit papaano mawala ang kaba ko. kinuha ko na yung mga gamit ko at lumabas na sa kwarto ko. sakto naman ang taksing pinakuha ko. this is it. Gusto ko maging memorable ang mga mangayayari mamaya.


*END OF VIEW*


*PAU POINT OF VIEW*


"Be gisiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiingggggggggggggg!."


Grabe ang sakit sa tengga talaga ng babaeng to!


"Bakit ba! Anong ginagawa mo dito!." –pasigaw din na sabi ko sakanya.


"Eh. Gusto ko sana magpasama sayo."


"Saan ba! Bakit ang aga mo nandito!."


"8am na po! Ang batugan mo talaga. Bangon ka nadiyan! Gusto ko kasi makasam ka magsimba ngayon eh."


Magsimba?. Oo nga pala Sunday ngayon nakalimutan ko.


"K. diyan kalang! Hintayin mo ako." –sabay tayo ko sa kama ko at pumunta sa cr.


Nagmadali lang akong naligo dahil oras na 9am ang mass, nakita ko ang bruha nakahiga sa kama ko kaya hinila ko siya ng matapos ako, kaya nakaalis kami sa bahay banda 8:40 na. malapit lang naman ang simbahan samin kaya makakadating din kami agad. Wala pa nga 15minutes nakarating nakami. Si trixia na pala ang pinagdrive ko. dahil ginising niya ako ng maaga.


"Asan sina mitch?."


"Ah. si mitch nakipag-binyag with hiro. At sina ica naman alam mo naman na iglesia na yon sumunod kay alex." –sagot niya at sinara niya ang kotse niya.


"Eh si jake?."


"Hindi ko nga matawagan eh. Malamang tulog pa yon, tulog mantika din. Hay! Gusto ko nga siya ang makasama ko magsimba eh pero wala buti na ngalang nandyan ka be eh."


"Sus! Wala lang gusto samahan ka kaya ako ang ginulo mo."


FOREVER FRIENDSHIP (COMPLETE) (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon