"O-okay then."




I immediately texted Clarence na pinapapunta siya ni Mama. Nasa parañaque siya ngayon at kasama niya ang bandmates niya.



From: Fuckboy

Sure babe. Makakarating ako dyan mga 8 :*



8 pa? That's late. Sinabi 'ko iyon kay Mama at aniya ay okay lang daw. Really ma? Nalinlang ka din ni Clar? Tss.





Paguwi sa bahay ay tinulungan 'ko si Mama na magluto. "Kayo na ba?" Mama asked. Napatingin ako kay Mama at tinignan niya din ako.




"H-hindi po, Ma." I bit my lip. He's my boyfriend pero hindi totohanan so why would I tell Mama?




"Mas okay ang umamin ka kesa mahuli ko kayo. Clarence is a good guy.. Sinusungitan 'ko pero magalang padin." Tumango-tango si Mama. Haaay. Ma!




"Hindi pa po talaga.."




"Pa? So nanliligaw palang?"




"P-parang ganun na nga.."




Nanahimik si Mama after nun. Pinaligo niya ako at pinagayos. I wore a spaghetti strap at maong shorts. Tutal ay nakikita na ako ni Clarence na ganito ang suot ay hindi na ako naiilang. Nagkatabi nadin kami matulog so I guess hindi na ako mahihiya.



Eksatong 8 ay dumating na siya. Si mama ang sumundo sakanya sa labas at naghihintay lang ako sa sofa habang nagsusuklay.




"Good evening!" Masayang bati ni Clar at tumabi sa akin. Sumulyap si Mama at nagiwas ng tingin agad.




"Musta practice?" I asked.




"Okay lang. Nag-away si Rayven at Dexa kaya medyo hindi chill." He shrugged. Nagkwentuhan lang kami at kinamusta niya 'din kung kamusta ako ngayong araw.




Mama called us for dinner. Magkatabi kami ni Clar at kaharap namin sina Mama at Ate.




"Grabe tita! Sobrang sarap po!" Anang Clarence habang puno pa ang bibig niya. Ngumiti si Mama at sinulyapan ako.




"Ganyan din 'ba kasarap ang luto ng anak 'ko?"




"Ehh.. Mas masarap po yung kay Marga." Humalakhak si Clarence at natawa 'don si Mama at Ate.




Napailing nalang ako. Sobrang hindi na siya nahihiya or natatakot man lang kay Mama. Open na talaga siya at naeexpress niya na sarili niya freely.




After ng dinner ay naghugas ako ng pinggan. Uuwi na sana si Clarence pero sobrang lakas ng ulan.





"Nako baka ma-stranded 'ka. For sure baha na sa bungad." Anang Mama.




"Baha talaga 'don, Ma. Baka tumirik pa ang sasakyan mo Clarence kapag sinuong mo 'yang sasakyan mo." anang Ate.




Sports car kasi ang dala ni Clar. Tss. Bakit ba niya kasi ginamit 'yung dodge challenger niya? Yabang.




Alluring I: Alluring the beautiful geekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon