Prolounge

46 2 0
                                        

Ramiah's POV

Hello world and Hello Philippines!
Oo na. Alam kong Line ni Toni G. yan sa PBB. Eh bakit ba ? Gusto ko mag ala Prinsesa eh.Good day ahead. Nag unat lang ako at tumingin sa bintana na tanaw ang dagat.

Yung feeling na pakiramdam mo Prinsesa ka ng karagatan at lulutang sa dagat Prince Charming mo! Heaven naman ano ba. Natatawa nanaman ako sa sarili ko.Hays mabuti pa bumangon na ako dito at ng makaligo,maka-kain at makapaghanda na sa pagpasok at baka ma late la ako.Hirap na noh.

Ako pala si Ramiah Xiena Cruz,17 years old at 2nd year college.
Pang mayaman yung name noh? Hindi ako mayaman magaling lang talaga mag-isip ng pangalan si Nanay at Tatay.
Nakatira ako sa malapit sa dagat and obviously and tatay ko ay isang mangingisda habang si Nanay naman ay nagtitinda lang ng napapangisda ni Tatay.
Lumaki ako sa simpleng buhay,Minsan mahirap pero wala akong magagawa Life is unfair sadyang ganito lang siguro yung buhay na napunta sa amin. Pero kahit mahirap kami biniyayaan naman ako ng masayang pamilya. Okay na din? Diba!
Meron kasing iba diyan saksakan nga ng yaman wala namnag pamilya,Minsan naman mapera nga wala namang saya.

Hindi naman lahat kayang bilihin ng pera at hindi lahat ng makakapag pasaya sa tao mabibili ng pera.

Pero hindi naman ibig sabihin non na porket masaya kami kahit mahirap eh wala na akong pangarap sa buhay.

Ako yung tipo ng tao na mahilig sa Fairytale,Kaya minsan nangarap din ako na maging prinsesa na nakatira sa isang palasyo at kukunin ng isang witch pero maililigtas ng aking Prince Charming.

Natauhan ako ng bigla akong sikuin ng aking Bestfriend na si Nathalie Yna Montes.
Siya ang bestfriend ko. Mayaman,Maganda,Sikat at higit sa lahat Mabait.
Almost perfect noh? Akala niyo lang!
Madami kaya namamatay sa maling akala. Si Yna ay lumaki na kasama ang kaniyang Yaya Linda siya yung nag-alaga sakaniya simula pa bata siya dahil busy ang magulang niya sa paga out of town at bussiness blah blah nila. Buhay mayaman nga naman.Pero hindi ko naman din maipagkakaila na masayang pamilya din naman sila,Busy lang magulang niya minsan,ay mali MADALAS pala.

"Huy bes!! Nagi-imagine ka nanaman siguro sa Prince Charming at Fairytale life mo."

Salubong nanaman ang kilay niya,Ano kaya problema nito?

"Kilay mo!"

"Kasi naman kanina pa kita kinakausap lutang ka nanaman eh.''

Naglalakad kami ngayon papunta sa Cafe ng school. Sosyal noh!
Actually scholar lang ako ng mommy ni Yna dahil pinakiusapan niya ito na gusto niya magkasama kami ng school ngayong college pero dapat hindi mawala ang pagiging dean's lister ko. Hello! Libre na nga ako lahat aabusuhin ko pa. Ang laking Jackpot na kaya nito,Syempre imbes na yung pang tuition ko eh pang kain nalang namin edi mas masaya.
Nagaaral ako dito sa Winstern University of Albay.

"Ano nga ulit yung sinasabi mo bes?"

"Ang sabi ko okay ka lang dito sa school?"

"Hindi pa masyado besty eh pero siguro soon masasanay din ako.Baka naninibago lang din ako."

Nang makarating kami sa Cafe na malapit lang sa school nain ay agad naman kaming um-order ng 2 mocha frappe.
Nagkwentuhan lang kami ni Yna tungkol sa dati kong school nung higschool,Hiwalay kasi kami ng school noon.

"Pst! Best?"

Itong ngiti ni Yna na yan,Iba yan ah! Ano nanaman kaya sasabihin nito.

"Ano yun?"

"Alam mo ba na uuwi galing US yung kaibigan ni Daddt and he want's to stay here at our province para naman daw makalanghap siya ng malinis na hangin."

"And?"

Nagtataka naman ako,Ano naman kung uuwi? Ano kinalaman ko doon!

"Naiisip mo ba ang naiisip ko besty?"

Sabay kindat nito sa akin na para bang dapat kong alamin,Para tuloy akong manghuhula na ewan.

"No! Ano ba naiisip mo?"

Hinawi niya ang kaniyang buhok at alam kong napa frustrate na siya sakin. Eh malay ko ba kung ano ibig niyang iparating. Bakit kasi hindi nalang niya deretsuhin eh.

"Hays! Ang slow talaga''

"Sabihin mo na kaya,Kung sinasabi mo na edi sana tapos na."

"Kasi ganito yan besty,So uuwi si tito Leo dito sa Province natin from US and kasama niya ang 2 niyang anak na lalaki na si Fynn at Jacob. Nage-gets mo na ba?"

At ngumiti nanaman siya ng nakakaloko,Sumenyas ako ng hindi pa din.Umirap naman siya sakin at tsaka tinuloy ang kaniysng sasabihin

"Yung 2 niyang anak ay mga hottie!"

Mygosh! This girl at ayun kinikilig na siya na parang bulate na nilagyan ng asin sakit pa sa tenga ng tili. Pinagtitinginan na nga kami dito sa Cafe sa kaingayan niya eh. Tinakpan ko agad ng kamay ko ang bibig niya at sumenyas na manahimik.
Umayos naman agad siya ng upo at inayos ang poise kuno daw niya at tsaka nag okay.

"You know what best,Umiiral nanaman yang flirty side mo ha."

"aww naman besty! You hurt my feelings ha.''

At umakto pa siya na kunwari siya'y nasasaktan talaga. Natawa naman ako tsaka siya tumingin ng masama sa akin. Minsan talaga baliw kami,Ay hindi pala minsan PALAGI.

"So ano? Tara na! Baka ma late pa ako sa next subject ko eh,Terror pa naman proffesor ko sa English."

Tumango naman siya at sabay na kaming lumabas sa cafe. Nang makapasok kami sa loob ng University agad naman akong tumakbo papunta kabilang building.
Nakarating ako doon na haggard at hingal na hingal.

"What happen to you Ms.Cruz?"

Ops! May 5mins. pa ah ?! Bakit ang aga naman nitong taong to dumating dito sa room. I did my best naman eh! Bahala na nga. Face your fears nga daw diba.

"H-hm sorry po sir kasi a-ano eh!"

Ano ba naman bakit ako nauutal? Pano kung isend niya ako sa office niya mamaya o sa dean. Oh no!!
Ayoko pa po mawalan ng scholar hindi pa ako ready.

'' lCome inside. You still have 5mins. naman,Napa-aga lang ako. Take your seat"

'' Thankyou sir!"

Woah! Akala ko talaga papagalitan na ako. Nakinig lang ako ng nakinig sakaniya hanggang sa matapos na din finally ang subjecy niya.

"Okay! Class dismissed. See you on Friday."

Wednesday ngayon at wala kaming klase sakaniya bukas dahil PE day namin.
Agad ko naman inayos ang gamit ko at naglakad palabas sa room.
Nagmadali akong bumaba ng hagdan para hanapin si Yna. Pero wala siya sa baba.

Magi-isang oras ko na din siyang hinahanap pero wala pa din siya.Napag isip-isip ko na tumambay muna sa garden sa likod ng building ng Medicine. Dahil doon tahimik,Walang masyadong pumupunta.
Naglakad ako papunta doon.

Just A DreamWhere stories live. Discover now