Just The Way You Are (III)

1K 44 18
                                    


Lumipas narin ang tatlong buwan simula nung nakilala ko si Lea at iniuwi sa bahay ko. Sa 24 years na existence ko sa mundong ito, ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong saya. Hindi ko alam kung anong klaseng feeling 'yung nararamdaman ko pero kapag kasama ko si Lea, iba eh. Siguro natutuwa lang ako sakaniya dahil masaya siya kasama. Parang bata kasi, parang kapapanganak lang kahapon kaya kahit 'yung mga simpleng bagay na ginagawa ko, malaking bagay na sakaniya.

"Francis, I want to eat isaw mamayang gabi." Pacute na sabi niya. Natawa nalang ako at lumapit sakaniya sabay akbay. Naglalakad kasi kami dito ngayon sa park. Gusto daw kasing pumasyal. Tignan niyo, pati pasyalan niya pang bata!

"Ok. Pero sa isang kondisyon." Tinaas baba ko ang kilay ko. Nag-pout naman siya kaya napangiti ako.

"You always have conditions naman. What's new?" Mas lalo akong tumawa nung inirapan niya ako. Gahd, ang cute talaga ng babaeng 'to! Lalo na kapag nagsu-sungit.

"Bakit ba ang hilig mo akong irapan?" Tanong ko. Umiling nalang siya at umirap nanaman.

"Whatever. Tell me your condition and I'll do it." Mataray na sabi niya. Pinisil ko naman ilong niya, sinamaan naman niya ako ng tingin. Ayaw na ayaw talaga niyang pinipisil 'yung ilong niya.

"Wag kang mag-english ng... Hmmm. One week." Sabi ko. Gulat na tumingin siya saakin sabay sumimangot. Inalis niya 'yung kamay ko na naka-akbay sakaniya at naunang naglakad. Tumatawang sumunod naman ako sakaniya. "Oy, joke lang! I know naman na it's hard for you to speak tagalog." I mimicked her voice. Napatigil naman siya sa paglalakad at tumingin saakin.

"You. Are. Really. Getting. On. My. Nerves."

Imbis na matakot, mas lalo ko siyang tinawanan. Iiyak nanaman 'to, pustahan. Lagi siyang asar eh. Ako naman asar ng asar sakaniya kaya lagi siyang umiiyak. Ang iyakin niya, grabe! Simpleng mga bagay iniiyakan niya. Gaya nung alaga niyang pusa na napulot niya lang sa tabi. Namatay dahil may diarrhea, iniyakan niya ng ilang araw. No choice tuloy, binilhan ko siya ng aso. Para naman maiba diba? Ginamit ko 'yung talent fee ko na binayad saakin nung kasal nung pinsan ko. Medyo malaki din 'yun kaya may lahi 'yung aso na nabili ko.

"Sorry na. Osige na, bibilhan na kita ng isaw, baby ko." Bigla naman siyang namula nung sinabi ko 'yon kaya walang tigil ang pagtawa ko.

Maga-alas singko na ng hapon ng makarating kami sa bahay. Nasa kwarto lang kami ni Lea, nanonood ng TV. Nabored naman ako sa pinapanood namin kaya kinuha ko 'yung gitara ko sa gilid ng kama at nagsimulang tumugtog. Ang ganda na ng pags-strum ko ng naramdaman kong lumapit si Lea at kinuha 'yung gitara.

"Oy, akin na nga 'yan. Hindi mo naman alam gamitin 'yan eh. Tapos hindi mo din naman alam kumanta." Pangaasar ko pero nag-smirk lang siya. Umupo siya sa bed, indian sit. Nakatingin lang ako sakaniya. Alam niya humawak ng gitara. Nagulat nalang ako ng bigla siyang tumugtog. Aba, marunong pala 'to!

"Marunong ka pala. Ano 'yang tinutugtog -"

"Shut up. Just watch me." Kinindatan naman niya ako. Mukhang hinahamon ako nito ah. Natawa naman ako at mangaasar na sana ng bigla siyang kumanta.

Teka, ang familiar nito.

🎶🎵 Hold me close and hold me fast.
The magic spell you cast.

This is La Vie En rose. 🎵🎶

Napatahimik ako ng marinig ko ang boses niya. Parang anghel! She has a euphonious voice. Napa-shiver tuloy ako ng di ko inaasahan. Geez, this is unexpected. Para naman akong estatwa na nakatingin sakaniya habang tumutugtog.

🎶🎵 When you kiss me heaven sighs.

And though I close my eyes.

I see La Vie En rose.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 27, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

LeBoo One ShotsWhere stories live. Discover now