12:51

1.3K 38 14
                                    


"Bambs? Can you pick me up? Punta tayo mall. Wala si Rob dito."

"Sure. What time?"

"Ngayon na sana. Para mas matagal tayong magkasama."

As usual, lagi namang ganito ang scenario natin kapag wala ang mga asawa natin. We're looking for a perfect timing for us to be together. Kapag wala si Rob, tatawagan kita at aayain. Pero kapag nandiyan si Cecil, lagi kang tumatanggi kasi ayaw mong magtaka siya at baka mahuli tayo. Pero wala naman akong karapatan mag-complain diba?

Because I'm just your mistress.

Ganiyan kakumplikado ang relasyon natin. Kailangan nating magingat kasi kapag nakita tayo, malalaman ng buong mundo ang nangyayari saatin. Minsan, ang unfair din ng career natin. I'm Lea Salonga and you're Bamboo Mañalac. Sino ba naman ang hindi makakakilala saating dalawa, diba?

Isa pa, alam ng lahat na may asawa tayong dalawa. Siguro nga tama 'yung sabi nila. Kung ano pang mali, 'yun pa ang masarap.

Kasi sa totoo lang? Kahit ganito tayo ka-complicated, ikaw ang bumubuo ng araw ko. Ikaw ang naglalagay ng ngiti sa mukha ko. Ikaw ang lagi kong gustong makita. Kaya nga kahit may sakit ako, kapag may taping or rehearsals tayo para sa The Voice, kinakaya ko dahil alam kong magkakasama nanaman tayo.

Lumabas tayo nung pagkatapos nating magusap. Pumunta tayo sa isang mall malapit sa bahay natin. Naiinggit ako sa mga couples na nakikita ko kasi nagho-holding hands sila, samantalang tayo naglalakad na magkalayo, parang nagp-pretend na magkaibigan lang talaga tayo. Kasi 'yun ang alam nila. We're just good friends. At wala ng ibang meaning 'yon.

Pumasok tayo sa sinehan para manood ng Star Wars. Paborito nating dalawa 'yun, kaya lagi tayong nagkakasundo noon kasi parehas tayo ng mga interest. Natuwa ako dahil madilim sa sinehan, ibig sabihin mahahawakan ko din ang kamay mo. Ang babaw ko diba? At dahil lang sa'yo 'yun. Sa simpleng mga gawain, basta ikaw ang kasama, masaya.

"Francis, I love you."

Bulong ko. Pero napangiti ako ng mapait dahil hindi mo naman ata narinig 'yun kasi busy ka sa panonood. Aalisin ko na sana ang kamay ko pero hinawakan mong muli 'yon. Napatingin tuloy ako sa'yo, nakatingin ka din pala saakin. Kahit madilim sa sinehan, kita kong nakangiti ka.

"I love you too."

Sabay nun ay hinalikan mo ang kamay ko. Napangiti naman ako dahil narinig mo naman pala. Akala ko hindi ka na sasagot dahil bihira mong sabihin saakin ang mga sweet words na 'yan.

Hapon noon ng matapos tayong manood ng sine. Kita kong nagenjoy ka sa pinanood natin, siyempre pati ako. Bukambibig natin ang Star Wars hanggang makarating tayo sa isang kainan dahil nagugutom narin tayo. May isang lumapit na fan sa'yo, tinignan niya ako na parang may mali. Halos lahat ng tao ay kilala akong matapang. Pero ngayon, parang nanliliit ako sa sarili ko dahil oo nga pala, mistress mo lang ako. At hanggang dun lang ako sa buhay mo.

"Coach B, puwede po bang pa-picture?" Sabi niya habang nakangiti.

"Oo naman." Sagot mo. Lumapit naman saakin 'yung fan at napataas ang kilay ko dahil binigay niya saakin 'yung cellphone niya.

"Ms. Lea, puwede pong ikaw nalang mag-picture saamin?"

Nairita ako at gusto ko sana siyang sagutin. Pero dahil narin sa pagmamahal ko sa'yo, ginawa ko nalang ang gusto niya dahil alam kong fan mo siya. Ayokong masira ang image mo sakanila. Nakita kong tuwang tuwa din 'yung fan mo kaya napangiti nalang din ako ng magpa-salamat siya saakin.

LeBoo One ShotsWhere stories live. Discover now