Sinuot ko ang simpleng t-shirt na may bahid ng pagka-gray and black na nakalagay sa aparador. Tinernuhan ko lang ng isang leggings na mas mahaba lang sa tuhod saka nagsuot ng itim na rubber shoes na nakahanda.
Nang maka-ready na ako ay panandalian akong humarap sa salamin na nakadikit sa aparador. Malabo ang salamin na ito at lumang luma. Pero kita ko pa rin kung gaano ako kakaiba. Ang buhok ko. Mas naemphasize sya ngayon dahil sa kasuotan kong itim.
Celestine poked me sa may tagiliran kaya halos mapatalon ako sa kiliti na may kasamang gulat. Sumenyas lang sya na humarap ako sa likod.
Pagharap ko sa likod, nakita ko si Sevanne. He's standing near the door at nakakumpol sa harap nya ang mga newbies maliban kami, kaya lumapit na din kami sakanya.
"Okay, so initiation is done. My name is Sevanne and I'm a mind controller. Now, we'll proceed to your first basic training here in our conference building." Tuloy tuloy na saad nya without any expressions.
May nagtaas ng kamay sa may harapan namin kaya napatingin ang lahat sakanya. Isa itong lalaki, "what will be the training? We ought to know, diba?" Sevanne just smirked sa tanong ng lalaki.
"What?" Tanong ng lalaking mukhang naiirita sa pagsmirk ni Sevanne.
"What? Are you scared?" Sevanne smirked wider.
Tumingin muna sa magkabila ang lalaki at mukha itong napahiya. "'Course not!" Nagwave pa sya ng kamay nya.
"Of course you're not." Sabi ni Sevanne saka napalitan ng ngiti ang naka-smirk nyang labi. "So, gusto mo na bang mauna sa first training nyo? You look excited." Pang-aasar pa nito.
Wait, are they supposed to act like this? This is not the Sevanne I know. Siguro nga ay kailangan, dahil kung hindi, mahirap silang pasunurin. And this is the Tafu group. Matira matibay.
Napalunok yung lalaki at di na uli nagsalita. Bumalik ang tingin ni Sevanne sa amin. "Is that how soldiers stand?" Napatingin ako sa mga tayo naming lahat. Hindi ito katulad ng tayo nila Leone. Baka ganon ang tamang tayo dito?
Ginaya ko kung papaano sila tumayo at ganoon din ang ginawa nila. "There."
Tumalikod na si Sevanne, "follow me." Binuksan na nya ang pintuan kasabay noon ang paglakad namin.
Sinundan lang namin sya at nang makarating sa tapat ng pintuan ay humarap sya sa amin. "This is your first training here in the building. That doesn't mean na hindi na kayo magtretrain once this is over. Hindi pa kayo tapos sa labas nito. Every single day in this school is your training. Magkakaroon na din kayo ng classes and of course practice for mastery. Good luck." With that, bumukas na ang pintuan.
Kasabay ng pagbukas ng pintuan ay ang pagbukas ng mga ilaw. Para lang syang mas maliwanag na version ng barracks na pinuntahan namin dati nila Levi. May mga weapons na nakatabi. But this time, may stage na sya which is located near the left side of the room, meaning hindi sya centralized. The stage is like 2feet or 1 1/2 feet tall. Sa buong gilid ng dingding ay napupuno ng weapons. Sa may part sa kaliwa na malapit sa stage, ay may hilera ng punching bags. Sa kanan naman ay sobrang laking free space. Mas malaki pa ata tong room na to sa apartment na tinutuluyan ko.
Saka ko lang napansin na may nakaupo pala sa gilid ng stage. Si Levi at si Irwin.
Anong ginagawa nila dito?
Napatingin sa amin si Irwin saka ngumiti. Tumayo sya mula sa kinauupuan pero si Levi nanatili don. "That was slow, Mr. Mc."
"Shut up," sagot sakanya ni Sevanne and he just scoffed. Bumaling ang tingin nya sa amin, and he smiled. Yung nakakakainis na ngiti.
KAMU SEDANG MEMBACA
The Last Soyokaze
FantasiShe is just a typical girl. People judge and bully her dahil sa isang kakaiba sakanya. Preposterous! Ang hindi nila alam, there is a reason kung bakit sya kakaiba. And the reason is, she is the Last Soyokaze. "Being different is not a case. You, yo...
