Chapter 1

3 1 0
                                    


Mikey

"Ano Mikey? Hindi ka pa din ba tapos dyan?" Parang naiinis ng tanong ulit sakin ni kuya. Ay! Hindi pala parang. Talagang naiinis na sya.

"Ito na nga. Napakamainipin naman." Reklamo ko kunyare. "Mainipin pa ba yung may dalawang oras na ata kitang binabalik-balikan dito sa kwarto mo?" Natawa ko sa sinabi nya. Ang OA kasi. Dalawang oras daw e halos isang oras lang naman.

Bumaba na kami at nagpaalam kay mommy. Tapos sumakay na kami sa kotse ni kuya. Habang nasa byahe kami. Kinuha ko ang maliit na salamin sa bag ko para tingnan kung magandang maganda na ba ko. Maya maya narinig ko si kuyang napa "tsk! Tsk!" Kaya nilingon ko sya. "Oh ano na namang ginawa ko?" Pinangliitan ko sya ng mata at naiiling lang sya. "Obsessed na obsessed sa sarili. " Inirapan ko lang sya kahit hindi naman nya nakita.

"May pupuntahan ako mamaya kaya hindi kita maisasabay." Inirapan ko lang sya at nag make face habang naglalakad na ko para iwanan sya. "If I know. Makikipag date ka lang!" Bulong ko pa sa sarili ko.

"Hi Mikey!"

"Hello ate Mikey!"

"Ang ganda naman ng babaeng to."

"Oy chicks!"

Mga bati sakin ng ilang mga ka-schoolmate ko. I don't know why, pero medyo sikat ako sa buong university pati na rin sa labas. And ang dami kong likers and followers sa lahat ng account ko sa social media. Siguro ganun talaga kapag maganda! Hahahaha jk!

"Finally! The late Mikey Styles!" Sigaw agad ni Kendra pagkadating na pagkadating ko sa loob ng room namin. Tapos nagtawanan sila. "Class!!! Quiet! And you Ms. Styles, what's your reason again this time? Hmm?"

Patay! Nakatingin lang sakin si ma'am pati yung mga blockmates ko. Napangiti ako ng labas lahat ng ngipin ko, taas at baba. Napailing na lang si ma'am at pinapasok na rin ako.

**

"Makinig ka kaya?" Pairap na nilingon ko si Kendra sa tabi ko. Nginisian lang nya ko. "Pamiste ka talaga sa love life ko nu?" Bulong ko pa sa kanya. "Aral muna kasi bago love life. Late ka na ngang pumasok e." Sagot naman nya. "K. Fine." Inirapan ko ulit sya at saka humarap na kay ma'am para makinig.

Nung mag ring na ang bell, dinismissed na kami ng last prof namin for morning class. "Tara na guys! I'm hungry." Yaya samin ni Kendra sabay tayo na sa upuan nya. "Lagi ka namang gutom!" Asar ko sa kanya. "Ikaw naman laging late. Kala mong sa laguna pa nanggagaling. Hahahaha!" Nakitawa na din sila Phoebe. "Gago." Sabi ko lang sa kanya tapos tumawa na naman sila.

"Bahala na nga kayo dyan." Sabay tayo ko at lakad papunta sa pinto ng room. Pero pag swineswerte ka nga naman. Nakasabay ko pang palabas ng pinto si TJ. Nagkatingin lang ako sa kanya nung bigla syang lumingon sakin. Nginitian ko sya at laking tuwa ko nung ngitian din nya ko pabalik.

"Hoy! Mikey!" Nilingon ko sa likod ko sila Kendra na mga nakangisi sakin. Naku! Mga panira talaga to ng moment! Nilingon ko ulit si TJ at nakalayo na sya. "Ayun na yun e!" Kunyareng naiinis na sabi ko sa kanila.

**

Kahihiwalay lang namin nila Kendra at naglalakad na ko palabas ng school. Nang may makita ako sa di kalayuan. Si TJ, nauuna lang sya sakin ng may sampung hakbang siguro. Nagmadali akong naglakad para masabayan ko syang maglakad. Nung nasa likod na talaga nya ko. Lumingon sya sakin at nagtama ang paningin namin. Biglang kumabog ang dibdib ko. "Hi. Pauwi ka na?" Tanong ko sa kanya. Ngayon magkasabay na kaming naglalakad. "Oo. Sige una na ko." Tapos binilisan na nya ang paglalakad papunta sa motor nya at sumakay dun. Napahinto ako sa paglalakad at sinundan lang sya ng tingin hanggang sa makaalis sya. "Hindi halatang ayaw nya kong kausap ha!" Naiinis na bulong ko sa sarili ko.

Pagkauwi ko sa bahay dumiretso agad ako sa kwarto ko. At nahiga sa kama ko kahit hindi pa nakakapagpalit ng damit pangbahay. "Hmmp! Nakakainis ka talaga TJ! Sa ganda kong to?! Walang epekto sayo?! Ano ka? Bulag?" At ako? Baliw? Kinakausap ang sarili.

Nakakainis kasi. Lagi na lang syang ganun sakin. Parang laging iniiwasan nya ko. Parang ayaw nya kong kausap o kasama. Pero pag yung ibang babae naman sa school hindi sya ganun. Eni-entertain pa nya. Samantalang ako ano? Nganga! Halos ma-late ako araw araw sa pagpapaganda para mapansin na nya ko. Pero ano? Wala pa ring effect sa kanya.

Ang dami namang sanang nagkakagusto sakin pero bakit sa kanya pa ko nagkagusto? Kung kanino pang walang pakielam sakin. Hay buhay talaga! Unfair!

Maya maya narinig kong nagriring ang phone ko kaya kinuha ko agad sa bag ko yun. At sinagot. "Oh?" Pabalang na sagot ko kay Kendra. "Hello din! May sasabihin pa naman sana ko sayo about TJ. But nevermind. I changed my mind." Tuloy tuloy na sabi nya sabay baba ng tawag. Nagmamadali akong tinawagan sya at pinaabot pa talaga ng five rings bago nya sagutin. Talagang nambwibwisit pa. Alam na ngang excited ako. Marinig ko lang yung pangalan ni TJ.

"Oh?" Natawa ko sa sinagot nya. Talagang ginaya pa ko. "Ano ba yung sasabihin mo?"

"What are you talking about?"

"Sasapakin kita Kendra ha!" Bigla syang natawa sa sinabi ko. "Nandito si TJ sa court ng village namin. Naglalaro ng basketball kasama yung mga kabarkada nya. Tara na nandito kami nila Phoebe." Pagkatapos nyang magsalita pinatayan ko na agad sya ng phone at nagmamadaling nagpalit ng panglakad. Nagretouch din ako tapos nagpaalam ako saglit kay mommy. And sumakay na ko ng taxi papunta kila Kendra.

Nasa taxi pa lang ako. Nakikita ko na sila Kendra na nakaupo sa may bench sa gilid ng court. At sila TJ  na naglalaro nga ng bola.

"Manong dito na lang po. Thank you." Bumaba na ko pagkaabot ko ng bayad.

Naglakad ako palapit kila Kendra. Nalingon sila sakin nung malapit na ko.

"Daig mo pa si The flash sa bilis mo ha?" Pang aasar sakin ni Phoebe.

Nag-flip lang ako ng buhok na parang sinasabing "Ako pa ba?" Natawa lang sila at tumabi na ko sa kanila.

"Baka malusaw." Sabi sabin ni Kendra at pinadaanan pa ng daliri nya yung ilong ko. Sinamaan ko lang sya ng tingin. At nanuod na ulit kay TJ. Sya lang talaga sinusundan ko ng tingin kahit ang dami nilang naglalaro.

Pagkatapos nilang maglaro nagpuntahan sila sa katabi naming bench dahil nandun pala ang mga gamit nila.

Titig na titig lang ako kay TJ habang umiinom sya ng tubig sa bote. Grabe, ang gwapo nya talaga. At ang hot hot pa nyang tingnan habang umiinom ng tubig at tumatagaktak ang pawis sa katawan.

Maya maya bigla syang napatingin sakin at nginitian ko sya. Natapos na syang uminom at tinaasan lang ako ng dalawang kilay tapos lumingon na sa iba at nagpunas ng pawis.

"Yun na yun?" Bulong sakin ni Kendra.

"Atleast pinansin ako." Sabi ko na lang.

❤❤

Call Me BabyWhere stories live. Discover now