KABANATA XXXIII - Moon River

Start from the beginning
                                    

Pero yung straw kasi... Nakapasak ilong niya! Bwakanang yan, laftrip!
Kaya pala nahiya sa camera!

"Sino yun?! Sinong lapastangan ang tinatawanan ako?!" Sigaw nito, pero ang boses nya ay parang may sipon.

Lalong lumakas ang pagpipigil ng tawa. Nawala lalo na yung seryosong mood ng silid. Halos dumugo na labi ko kakakagat dito sa pagpigil. Di ako makatingin sa kanya baka lumabas sipon ko katatawa.

Pati yung matatanda di ligtas. Poker faced sila pero pumipitik yung kilay nila at gilid ng mga labi.

Tapos biglang may nautot.

Rinig na rinig namin lahat.

Nakita ko yung ibang sinusuntok na yung muka nila o yung sahig para lang di makatawa. Kinagat pa ng iba yung braso nila.

Nakakunot na yung mukha ko. Namimilipit nako sa pagpipigil. Pakiramdam ko mauutot din ako sa sakit ng tyan ko. Tuluyan na atang dumugo ang labi ko. Sa lahat ng panganib na sinuong ko, ang palagay ko dun na ako tuluyang mamamatay sa hirap.

Patawarin nyo po ako Bathala sa mga kasalanan ko.

"Sino yung umutot sa presenya ko? Walang modo! Sasaksakan ko rin ng straw sa tumbong yang bastos na yan! Bat di kayo magsalita?!" Nanggagalaiting sabi ng dyosa. Pero wala na, nalimutan na namin yung takot namin eh. Pati si BJ muntik na namin malimutan.

Buti nalang nandun si Makie.

Sa gitna ng eksena kalmado lang syang naglakad tungo sa tabi ni Mayari. Wala reaksyon ang mukha nyang hinawakan sa balikat ng dyosa. Tumingin naman ito sa kanya.

Tapos bigla nyang hinatak yung straw sa ilong ni Mayari. Napatakip ng ilong ang diyosa sa sakit. May sinabi si Makie sa kanya na mahina pero dahil medyo lumapit ako ng kaunti narinig ko.

"Wag ka maginarte ninang, ibaba mo na sya. Kundi ibabalik ko ito sa ilong mo."

Hindi sya inismidan nya si Makie at umirap palayo. Tumaas ang kilay ng diwata at itinapat sa mukha nito ang straw na balot ng pinaghalong mik-mik at sagradong sipon. Nahintakutan nang pailing iling ang dyosa hanggang sa pasukong bumuntong hininga ito.

Kumalabog ang katawan ni BJ sa lupa, humihigop sya ng hangin na parang hingal kabayo(kahit di ko alam kung paano humingal ang kabayo). Naglilikot ang kanyang mata na parang di makapaniwala kung nasaan sya. Takot na takot syang gumapang.

Sa paanan ni Mayari.

"Napili. Naway natutunan mo na kung saan ka nagkamali. Hindi lahat ng bagay ay nadadaan sa yabang at dahas. Pasalamat ka at isa akong mabait dyosa at di kita tinuluyan. Lumayas ka sa harapan ko." Sabay ngiti nito.

Takot na tumayo si BJ at lumingon sa paligid. Humihikbi ito dumadaloy ang luha at sipon(na hindi sagrado) sa mukha. Nagulat sya nang nakita nyang lahat ay sa kanya nakatingin. Sa huli bigla nalang siyang tumakbo papalabas ng silid, marahil sa hiya. Nakaramdam ako ng hiwa sa loob ko. Masakit makita ang dating Punong Cabeza na nagkaganun. Kahit kaaway ko pa sya.

Naisip ko tuloy, alam kaya ni Makie na mangyayari ito? Ngayong gabi, iiyak ka ng dalawang beses. Isa ba itong sumpa ng diwata ng Makiling? Parang ayokong malaman.

Napansin kong lumabas si Ines kasunod ni BJ.

"Wag kang mag-alala sa batang yun, ang asawa ko na ang bahala sa kanya." Sabi ni Lam-ang sakin. "Alam niya kung anong gagawin sa ganyang sitwasyon."

Tumango ako. Batid kong tama sya run. Ang aura ni nilalabas ni Ines ay isang maarugang ina. At yun ang kailangan ni BJ.

"Pero ibang klase rin talaga ang binibini. Nakuha nyang kumbisihin ang dyosa ng ganun kadali." Paghanga nya.

Si Milo at ang Kwaderno (Book 1 Now Available for Pre-order)Where stories live. Discover now