Forget to Remember

31 2 0
                                    

"Nathalie ayos ka lang ba? Parang kanina ka pa ata hindi mapakali dyan"

Tanong sakin ng matalik kong kaibigan na si Tiffany. Kanina pa kasi akong tulala at parang wala sa sarili.

Hindi ko rin kasi maintindihan kung ano nga bang nararamdam ko ngayon.

"H'wag na lang kaya akong um-attend" Ang tangi kong nasabi pero agad naman nya akong binatukan

"Aray! Masakit yun ah" pagrereklamo ko sabay hilot sa noo ko. Medyo nanakit na rin kasi ang ulo marahil dulot na rin ng kakulangan ko sa tulog. Ilang araw na rin akong laging puyat dahil sa requirements sa para sa practicum, graduating na kami ngayon. Six hundred hours ang required para sa on-the-job training sa Psychology, hinati ito sa tatlo ( 200hrs para sa Clinical, 150 hrs. sa Educational and 250 hrs para sa Industrial). Natapos ko na ang Clinical kung san sa isang Psyhiatric ward ako napunta pati na rin ang Educational sa isang Elementary school malapit samin ako nag-apply at nag-train sa Guidance. Pang-huli ko na ang Industrial o para sa Human Resource, iniisip ko pa rin kung sang company ako mag-a-apply. Ganito sa Univ.namin, hinahayaan na ang mga estudyante ang kusang maghanap ng gusto nilang applyan para sa training. Mahirap sa una pero masaya na rin kasi mukha ka na talagang naghahanap ng trabaho.

"Baliw ka pala eh! Alam mo namang ikaw yung Maid of Honor dito at alam mo rin naman na sobrang importante sa kanilang dalawa tong araw na to" agad nawala ang pag-iisip ko sa praticum nang nagsalita si Tiffany

"Ehhh..kasi... ano... "

Hindi ko alam kung pano ko ba sasabihin sa kanya..

Sa totoo lang, gusto ko naman talaga ma-witness yung very special moment na to lalo pa't super close kami ng pinsan kong si Vince. Kaya lang, alam nyo ba yung feeling na....

"Naiilang ka kasi PARTNER mo ang EX mo na sobrang BITTER sayo"

Nabigla ko sa sinabi ni Tiffany pero Tama naman talaga sya..

Kaya siguro kanina pa akong di mapakali dito kasi naiisip ko yung pwedeng mangyari..

Pano ko nga ba sya kakaharapin?

Pano ko sya titingnan

At titingnan din ba nya ako pag nagkataon?

Kakausapin din kaya nya ako pag binati ko sya ng "hi" o "hello" man lang

Tss.. Bakit ko nga ba iniisip ang mga ito.

Ako naman may kasalanan nito.

Ako naman may gustong mangyari to.

Ako naman yung bumitaw...

"The Wedding is about to start, so yung Maid of Honor at Best Man... Proceed na muna dito may kelangan lang akong i-discuss" sabi nung organizer

Shete! Yan na nga ba sinasabi ko.Magkikita na ulit kami.

Okay! Nathalie. Relax ka lang! Act normally! Kaya mo yan!!!

Pumunta na ako dun sa pwesto na malapit dun sa organizer. Nakakapagtaka wala pa rin sya pero mabuti na rin ito, kailangan ko munang pakalmahin ang sarili ko. Masyado pang sariwa sa utak ko ang mga nangyari.

Nagpalinga-linga ako sa sandali,

Baka sakaling makita ko sya at ilang minuto lang ay nagpakita na sakin ang lalaking kanina ko pa hinihintay. Ganun pa rin ang hitsura nya, matipuno at gwapo pa rin pero batid ko rin ang itim sa ilalim ng kanyang mga mata. Palagi na rin siguro syang nagpupuyat. Nabalitaan ko rin kasi na madalas daw syang nasa club at kasama nung mga bago nyang kabarkada. May nakakarating pa sakin na iba-iba daw babae ang dini-date nito. Hindi ko alam kung totoo pero wala na naman akong magagawa, wala na akong karapatan na magreklamo at hindi ko rin naman sya masisisi kung bakit nagbago sya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 24, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Forget to RememberWhere stories live. Discover now