Nakita ko ang bahagyang pamumula niya. Shit! Why guys are so cute when they're blushing?!

Napaiwas siya ng tingin at napahawak sa batok niya. Ako naman ay tumawa sa reaksyon niya.

"I'll get going." Sabi niya.

Tumango ako at ngumiti. "Ingat ka. Magpapakasal pa tayo." Sabi ko at tinalikuran na siya.

Kahit sa sarili kong salita, kinikilig ako! What the hell, Kylie!

Sa buong araw na yun ay tinrain nga ako ni Ms. Rose. Hindi naman ako gaanong nahirapan dahil napagaralan ko naman 'to.

Mababait naman ang mga empleyado. Nakikita mong well trained sila. Mayron din akong makulit na katrabaho na si James. Alam nila na anak ako ng may ari ng kompanyang pinagt-trabuhan nila. Sinabihan ko sila na itrato ako gaya ng pagtrato nila sa isa't isa. Ayokong may special treatment!

"Lunch na tayo! Gutom na ako e." Yaya ni Elise, katrabaho ko.

"Sa panty tayo kumain!" Aya ni James kaya kumunot ang noo ko. Panty?

"Siraulo ka talaga! Pantry kasi! Mahiya ka nga sa anak ni Sir." Umiiling na sabi ni Ms. Rose. "Pagpasenysahan mo na 'yan, Kylie, ah? Ganiyan talaga 'yan. Puro kalokohan ang alam." Sabi niya habang tumatawa.

Tumawa na din ako. "Okay lang po. May mga kaibigan din akong ganiyan." Sabi ko at tumayo.

Naglakad na kami patungo sa pantry. Hindi talaga maiiwasan sa isang trabaho na may kaniya kaniyang ding grupo. Parang sa eskwela lang. Si Elise ay bumaba sa caf para bumili ng makakain niya. Hindi siya nagbaon hindi katulad namin na may baon.

Nasa kalagitnaan kami ng tawanan habang kumakain ng biglang may nagsalita mula sa likuran ko.

"How's your day, bunso?"

Napatingin ang lahat sa likuran ko. It's my Dad!

"Goodafternoon, Sir." Bati nila James kay Daddy.

"Goodafternoon din."

Lumingon ako kay Dad at nakita ko siya na nakangiti.

"Dad! Uh, I'm fine. Ang saya nga po nila kasama." Sabi ko kay Daddy.

Lalong lumawak ang ngiti ni Daddy ng marinig niya iyon galing sakin.

"Good to hear. Tama ka. Sa lahat ng empleyado ko dito, ang mga taga events ang talagang mababait at masayang kasama. I can include James." Sabi ni Dad at tumawa.

Pagkatapos naming kumain kasama si Dad ay nagsibalikan na din kami sa opisina. Hindi pinagbabawalan ni Daddy si James sa mga kalokohang lumalabas sa bibig. Pero halata kay James na may limitations siyang ginagawa.

Napatingin ako sa cellphone ko ng magvibrate ito bigla. Oh my god, I forgot about Blake! At pangalan ni Blake ang isinisigaw ng screen ko.

"Hello?" Bungad ko sakaniya.

May naririnig ako sa background na parang may nagsasalita. Hindi ko lang marinig ng ayos dahil sa biglaang pagsalita ni Blake.

[Hindi mo ako tinext. Kumain kana ba?]

Ngayon naiimagine ko ang mukha ni Blake na nakanguso habang nagsasalita.

"Sorry po. Natuwa ako sa mga kasama ko e. Yes po, kumain na po ako. Ikaw?" Sabi ko habang binabasa ang isang email galing sa supplier sa darating na event.

[Tapos na din. I'm getting bored here. Kung sana kasama na lang kita ngayon.]

Kumunot ang noo ko doon. "Why? Nasaan kaba?"

[Nasa meeting. I'm with Dad and the others.]

Humilig ako sa swivel chair. Medyo sumakit ang mata ko dahil kanina pa ako nags-search.

Campus QueenWhere stories live. Discover now