CHAPTER 8: WULIBULLY

18.3K 512 61
                                    

Sorry for the late update.

CHAPTER 8: WULIBULLY

MONDAY MORNING...

AOME'S POINT OF VIEW

''Goodmorning.'' bati sa akin ni Yahiro. Ang aga niyang pumunta sa bahay nina Abcde, speaking of Abcde maaga rin siyang umalis dahil may mga unfinished documents pa itong tatapusin. Kung hindi ako nag kakamali para yun sa school fair na para lang sa Section A,B at C. Tama kayo, yung tatlong section lang ang kasali dahil kaming nasa section D parang palamuti lang.

''Matanong nga kita Yahiro, Japanese kaba? Bakit ganyan pangalan mo??'' ngumiti ito bago sumagot.

''Hindi ako Japanese, yan lang ang napiling pangalan ng mom ko. Pure Filipino ako, tsaka gwapo daw sa pandinig yung YAHIRO.'' Pero mukha itong hindi Pinoy, parang may mixed siya. Pero malamang kaya ganyan itsura niya kase asian siya. Stupid me.

(# - ___ - )

''Ahh ganun ba? O sige Yahiro.. papasok na ako.'' paalam ko dito, hindi kase ito papasok ngayon dahil may kailangan siyang asikasuhin. Tutulungan niya si Dionne to be exact.

Pagkalabas ko ng bahay nila, hinabol ako ni Dionne. May towel pa ito sa ulo, halatang katatapos niya lang maligo.

''Aome, nakalimutan ni Kuya 'to. Pwedeng paki abot nalang sakanya? Aalis kase ako e. Important papers ‘to, kaya please pasuyo naman. Okay?'' pagkatapos nun bumeso na si Dionne sa akin.

''Thank you Aome!'' bumalik na siya sa loob ng bahay.

''Pero infairness mabigat.'' binasa ko yung nakasulat sa may side, 'Limited?' tss, panigurado limited edition tong laptop na 'to.

Maka alis na nga.

***

Sa school, napansin kong pinag titingan ako ng mga estudyante. Hindi ko alam kung bakit, pero hinayaan ko nalang sila at dumeretso ako sa office ni Sir pa VIP Abcde. Dahil kailangan ko pang mag review, baka mamaya mag tanim nanaman ako ng kamote sa test paper ko.

Pumasok na ako sa office niya at iniwan yung laptop dun sa desk niya. Nag tungo na ako sa classroom, dahil may quiz daw kami sa Physics ngayon.

Ka oopen ko palang ng notes ko sa physics ng may bigla biglang pumasok sa classroom namin.

''Gravitational pu---'' natigilan ako sa pag babasa ng may taong naka tayo sa harapan ko. Inangat ko ang tingin ko, laking gulat ko ng makita ko si Abcde. Salubong ang kilay nito, ano nanaman kayang tinira niya?

A.Kidlat Katol

B.Medyas

C.Kili-kili

o D.All of the above

''Anong ginagawa mo dit--''

''Bakit nag uusap sila??''

''Swerte naman ni Aome, makaka luwag luwag na siya sa buhay.'' anak ng tinapa, tama bang pag tsismisan ako?! Tsaka kinausap lang maka luwag luwag na??

SECTION ABCD [COMPLETE]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt