Mahal...nga ba?

7 0 0
                                    

Mahal kita,
Dinig ko pa aking sinta,
Kay tamis tulad ng alak sa aking kopita...

Mahal kita,
Kay daling sambitin, di nga ba?
Pero asan na ang pangakong hanggang dambana,
Parang basang papel at kumalat na tinta...

Mahal mo ako,
Yan ang salitang iyong ipinangako,
Na paninindigan hanggang dulo,
Ngunit asan ngayon? Di makita ni anino...

Mahal...
Salitang hanap ng pusong pasal...
Ngunit ngayon baka sa'yo ay maipangsampal...
Sa butas ng buhay mo, ako lang ay ipinangtapal...

Sabihin man ng lahat ako ay sawi...
Makikita mo bukas-makalawa ako'y babangon at babawi...

Ngayon man sa buhay ko'y di mo magawang manatili,
Sisiguraduhin kong pag nagkita tayong muli...
Ikaw naman ang di mapapakali,
Lumuha ka man ng dugo di mo na makakapiling pang uli...

Strings of heartbreaksWhere stories live. Discover now