Habang sinusuot ko ang sapatos ko ay may narinig akong nagdoorbell.

"Manika, Xyriel, buksan niyo yung pinto. May nagdoorbell!!!!!" sigaw ko. Sapat na para marinig ng dalawang maaarteng babae.

Ang ganda ng tandem nilang dalawa, eh.

Pag nagsama sila... parang puputok na ang tenga mo sa kaingayan.

"No way, kuya! I'm watching pa."
"Masakit puson ko, huhuhuhu."

At dahil ayaw nila, ako na ang magbubukas. Pagkabukas ko ng pinto ay nakita ko si Sam na may hawak na bulaklak at nakangiti. Aish, pangiti-ngiti pa 'tong ulol na 'to.

"Brader, si Kathryn?" tanong niya sa akin.

"Sorry, brader pero sarado na ang ligawan. Bukas ulit. Paalam." sagot ko kay Sam at sasaraduhin ko na sana ang pinto pero naharangan niya ito gamit ang kamay niya.

Binatukan niya ako at sinabing, "Malala ka na, p're. Hindi ikaw ang liligawan ko. Geh, geh. Salamat pala sa pagbukas ah."

"Lul."

(Kathryn)

Masakit. Sobrang sakit ng puson ko. Ahuhuhuhu. Super duper awkward ang feeling ko. Tapos si Daniel, pinagtripan pa ako kanina. I don't know pero nairita ako sa kanya kaya nasigawan ko siya. Hmp, freak siya!!! Ganto yata talaga kapag meron.

*knock knock*

"Open." sagot ko.

Emegesh! Si Sam pala. Hindi niya akong pwedeng makitang ganito. Dali-dali akong nagtago sa ilalim ng comforter. Ahuhuhuhu, baby Xyriel, help!!!

Naramdaman kong may umupo sa kama. Omo, omo! "Kathryn..." mahinang sabi ni Sam. Dahan-dahan niyang binaba yung comforter at nakita ko siya. Ang gwapo talaga ni Sam at mabait hindi katulad ni Daniel na gwapo nga suplado naman.

Hmm... bad pala magcompare. Hihihi.

"Bakit ka nagtatago?" tanong ni Sam sa akin.

Umiling lang ako at ngumiti sa kanya. "Wala lang... ma-masakit puson ko. Hihihihi." Ngumiti naman si Sam at kinurot ang ilong ko.

"Patawa-tawa ka pa, masakit na nga puson mo." sabi ni Sam.

"Alangan namang umiyak ako." sabi ko sa kanya.

Tinitigan lang ako sa mata ni Sam. Omo! Ayaw ko ng titigan session. Nao-awkward ako. Help me, someone! Mas lalong sumasakit ang puson ko. 

"Hoy, hoy, hoy! Anong kalandian 'yan?" Omo! Saved by Daniel. Wahihihihihi, hindi na ako galit sa kanya kasi sinave niya ako sa awkward na titigan namin ni Sam. "Eto, Kathryn, inumin mo para mawala 'yang sakit ng puson mo." sabi ni Daniel sabay bato ng gamot ata.

"Inumin mo na 'yan, Kathryn tapos date tayo mamaya kapag okay ka na." nakangiting sabi sa akin ni Sam. Agad naman siyang binatukan ni Daniel.

"Lul, lumabas ka na nga!" sigaw ni Daniel kay Sam.

''Hintayin kita sa labas." pabulong na Sabi ni Sam habang kinakaladkad siya ni Daniel. Nagiging tatay naman si Daniel. Hihihihihihihihi. But I love it.

Sa limang buwan ng pagtira ko sa planet earth, marami na ang nangyari. Katulad nalang ng panliligaw ni Sam. Noong una nga hindi ko alam ang gagawin ko. Hihihihi. Hindi ko kasi alam kung anong gagawin kapag liligawan ka. Tapos marami na ring nagbibigay sa akin ng bulaklak pero hindi naman nanliligaw. Kaya friends ko lang sila. Kaibigan ko na rin si Daniel pero moody siya minsan. At hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam ang mission ko.

Namimiss ko rin naman mga kaibigan ko sa Barbie World.

*sighs* Hmmm, kailangan ko na atang magtoothbrush.

Hihihihihihihihihi ^____________________^

Ininom ko na ang gamot na binigay sa akin ni Daniel at naligo na. Ang lagkit kasi ng feeling kapag meron. Err, kaya dapat palaging fresh! Wahihihihi. Pagkatapos kong maligo ay nagsuot ako ng dress na mahaba at flats. Kinuha ko na ang bag ko at nagpaalam kay baby Xyriel na naglalaro sa laptop niya. Pagbaba ko, nandun na si Sam, si Daniel... at si Mich.

"Hello, Mich." Hindi naman ako super bitch kaya binati ko pa rin siya.

As usual, inirapan lang niya ako. Pero okay lang! Hihihihihihi.

"Okay na ako, Sam. Thanks, Daniel sa gamot. Let's go na!" masaya kong wika at ayon sa peripheral vision ko ay inirapan na naman ako ni Mich.

Ngumiti si Sam at inalalayan ako pero bago pa man kami makalabas ay sumigaw na naman si tatay Daniel. Tumatatay na naman. ^_____________^

"SASAMA KAMI SA DATE NIYO!!!"

Double date? Ahihihihi, cool ba yun?

END OF CHAPTER NINE
GOD BLESS!
Join our group!! <3 (External link :))

Barbie GirlHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin