wanna read some short story?
classroom love?
read this.
THE BRIDGE
by:younanimousJ
1-MEETING
Heaven's POV
Sa araw-araw na linikha ng Dyos itong si Sabel ang lagi kong nakikita.
Haixt ? Pano ba naman ay kaklase ko sya, hindi lang yan seatmate ko pa. Ang saya di ba?
"hoy ! Pangit" sabe ko kay Sabel habang paupo ako.
Ayon, wala din lang, tiningnan ako tapos humarap na sa bandang kaliwa nya, opposite sa akin ang weird nya talaga.
"Good morning class. Ready na ba kayo sa next activity natin?"
Nagsiaayos naman kami ng upo nang marinig namin ang guro naming magsalita. Ah oo nga pala di pa ako nagpapakilala. Ako nga pala si Heaven, Heaven ang name ko kasi ang bait ko raw. Hahahaa. 15 years old pa lang ako, 3rd year high school at nag-aaral dito sa St. James Academy.
"Gusto kong kilalanin nyo ang buhay ng mga tao sa paligid nyo. Pero kikilalanin nyo lamang ang taong yun by observations. Halimbawa si micah, sya ay maganda at mabait lagi syang kumakain ng strawberry. Mga ganung bagay."
"kay liza ako ma'am." Girl1
"si eric sa akin ma'am. Mwahahahahaha." Girl2
Ayan na, kanya-kanya ng pili ang mga classmate ko. Hmp. Sino kaya sa akin?
"Quite class, hindi kayo ang pipili ng mga kikilalanin nyo, magbubunutan tayo. It's up to you kung sasabihin mo to doon sa tao or hinde. Okay? Maliwanag ba?"
"Yes ma'am" in chorus naming sagot kahit ang iba ay nakasimangot dahil din a nila mapipili ang mga gustong kikilalanin..
At isa-isa na nga kaming nagbunutan, nakita ko naman si sabel na patayo, sya na ata ang susunod na bubunot.
"hoy pangit, baka mangdaya ka huh,wag mo nang hanapin ang pangalan ko, asa ka nene." Sabay labas ng dila ko. Hahahaha.
Nagtawanan naman ang iba kong kakalaseng nakarinig. Habang sya ay dumiretso lamang sa unahan, pikon na naman ito.
Pagbalik nya ay ako naman itong tumayo at pumunta sa unahan sino kaya mabubunot ko? Wala pa naman akong napipili. Bahala na.
Pagkabunot ko ay ipinakita ko na kay ma'am at ibinulsa ang papel, mamaya ko na lang titingnan sa bahay para suspense. At saka ako bumalik sa upuan.
"pangit" no reaction
"hoy pangit!?" Waley
"hoy p-pangit.."
"ano?" Natigil ako sa pagsasalita nang bigla syang humarap. Matagal bago ako nakapagsalita. Talaga nga atang nagulat akodahil na-war shock ang diwa ko.
"a-ano ba yan pangit, wag ka ngang haharap bigla."
Tapos ayan na naman, tiningnan nya lang ako na para bang nagtatanong. Eyes speak better than lips ah. Yung mga mata nya kasi ang itim ng kabilugan at ang lalim parang puno ng misteryo, parang ang daming gustong sabihin..
"sino ba ang nabunot mo?" Pagtatanong ko dahil parang ang dami ko ng naiisip.
"tss."
Yan lang ang tanging tugon nya tapos tumalikod na sa akin at nagsalita.
"Asus, sige kausapin mo yan." Aba't talaga nga namang inisnob ako?
2-ASARAN
"pangit, yan na lang ba ang lagi mong kakausapin?" tanong ko kasi busy na naman sya sa kausap nya.
"ang boring naman nyan eh" tapos biglang tumngin sa akin. Naku nakakatakot naman nito.
"boring daw? Mas boring sya noh? Di ba?" sabel.
Ay? May ganyanan?
"hoy wala namang siraan oh!" sabe ko sa kanya.
Tapos tumingin ako doon sa kausap nya.
"wag kang maniwala ah, buang yan eh." Hahaha, ano ba to. Tapos nakita kong tumawa sya. Natigilan ako.
Ang ganda ng ngiti nya, umaabot hanggang mata yong saya nya eh. Tapos ang pula pa ng labi nya. Ang linis ng ngipin, ang puti.
"baka yan ang buang, tulala na oh." Sabel.
"h-hoy! hinde ah." Ako
"tss." Tapos humarap na naman sya sa kaliwa nya.
"talaga bang sya lang ang kakausapin mo maghapon?" tanong ko ng pabulong.
"bakit? Sinong gusto mong kausapin ko? IKAW?"
"w-wala akong sinabeng ganyan, sus! bahala ka nga dyan, edi kausapin mo yan maghapon. Tss"
"bro tara na uwian na, gimik tayo?" tawag sa akin ni nick. Kaibigan ko.
"ah, oo. Kasi baka mabaliw nga akong tuluyan dahil dito sa katabi ko." Sabay tingin kay sabel.
"hahahaha, grabe ka naman. Sabel, hayaan mo lang yan si heaven, crush ka kasi nyan!" nagtawanan naman ang mga ugok.
Nginitian naman sila ni pangit, asus. Asa naman to.
"ewan ko nga sainyo. Sunod na lang ako sa may gate, mauna na kayo."
"sige una na kame, good luck. Hahahahaha"
"ulol!"
Mga baliw to. Anong good luck? Hmp.
Sabel's POV
Buti na lang umalis na sya. Oo, tama kayo, si Heaven ang tinutukoy ko. Kasi naman lahat na lang ba ng gagawin ko may komento sya?
"paano ko ba gagawan ng komento ang tao na to kung sya ay may side comment lagi sa akin?"
"Haixt. Makauwi na nga ako. Babay na huh" tapos ayun iniwan ko na sya at naghiwalay na rin kame ng landas.
pumunta muna ako sa rooftop. doon kasi feeling ko safe ako lagi saka nailalabas ko lahat nang nararamdaman ko. malaya ako kapag nandito ako.
hmm. sarap ng ihip ng hangin.
umupo naman ako sa favorite spot ko, tanaw kasi lahat mula dito, tapos ayun nag simula na naman ako magsulat.
AN: continue po ba ?
pag maganda result, bukas ang next
