Hindi na ako nakapagpigil pa at hinanap ang mga ungol na 'yon pero mukang nasabuyan ako ng malamig na tubig dahil una kong napansin ang mala abo niyang buhok.


Mapaglaro talaga ang tadhana.


Pasimple kong tinignan ang katalik niya, siya rin yung babae na nakabunggo ko kanina sa hallway. Ewan ko ba, parang bumalik ulit ang pagkairita ko. Pero bago ko pa mabawi ang tingin ko sa kanila ay nagtama ang tingin namin. Sa pangalawang pagkakataon, natitigan ko ulit ang mala abo niyang mata. Agad na akong nag iwas ng tingin.


"Here's your order madame."


"Salamat."


Sinimulan ko ng lantakan ang pagkain ko. At kanina ko pa ramdam ang mga matatalim noyang titig. Hindi tuloy ako makakain ng ayos. Oh di kaya praning lang ako at nag eexpect lang na ako yung tinititigan niya? Muntik tuloy akong mabilaukan sa mga iniisip ko.


"Madame here's your choco mint smoothè." Napakunot noo ako.


"Teka miss, 'di ako nag order nito."


"May nagpapabigay po sa inyo." Mas lalo tuloy ako nagtaka. Nagpalinga linga pa ako pero hindi ko naman ka close yung mga tao dito sa loob ng coffee shop.


"Sino?"


"Mauna na ho ako." Nginitian niya lang ako saka umalis na. Tignan mo 'to, tinatanong ko ng maayos pero ngiti lang naisagot. 'Di kaya may galit rin siya sa 'kin at gusto niya akong lasunin? Ipinilig ko ang ulo ko. Praning mode ulit ang utak ko.


"Hey babe. Kiss me."


"The way you kiss sucks."


"W-what?"


"Leave."


"W-why? I did french kiss when I was 9! Don't you dare tell me that I su--"


"Just fcking leave. I don't need your nonsense speech."


Harsh.


Parang feel ko si ate. Bigla nalang nanuyo lalamunan ko kaya sumipsip ako 'don sa choco mint. Bahala na kung may lason.


"Please Ash..." Ash? Ash ang pangalan niya? Saglit akong natigilan.


*Bell rings*


"AY SHET!" Mag ta-time na! Maraming nakatitig sa akin ngayon dahil sa pagsigaw ko. Tama yan Aaliyah, sigaw pa.


"Sorry.." Mabilis akong umalis. Pagdating ko sa room, nakalock na ang pinto. Napatampal nalang ako sa aking noo. Late na talaga ako!

Carrying the Vampire's Heir (PUBLISHED UNDER PSICOM)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें