ang Ina sa sofa at nag-uusisang tinitigan ito.

"Anong balak mo mother dear?" tanong ulit ni Voice.

"Hinatid ka ba ni Gig?"

"Huh? Nag-taxi ako pauwi."

"Ay sayang. Hinintay pa naman kita para makita ko kung hinatid ka niya."

Nanlaki ang mata ni Voice at marahang pinalo ang Ina sa braso. "Tigilan niyo na nga ako Nay. Never na magiging kami! Never! Itaga niyo yan sa bato."

"Weh? As if? Sinungaling!" sabay belat ng Ina ni Voice.

"Bakit ba pinagpipilitan niyo kasi ako sa kanya? Teka! Let me change my statement. Bakit ba atat kayo na makasal ako?" tsaka nagpameywang si Voice.

"Dahil mahirap ang mag-isa." seryosong sagot ng nakakatandang Kreiss. Ilang beses siyang bumuntong hininga at tila naalala ang sariling paghihirap sa pagpapalaki ng

mga anak mag-isa. "Mahirap ang maging matatag kung mag-isa ka anak. Ilang beses akong nawalan ng pag-asa nung pinapalaki ko kayo. Yung nangyari sa ate mo? Yung

nangyari sa pamilyang ito? Sa tingin mo ba ay hindi ako nahirapan?"

"Nay?"

"Kung ano man ang kinikimkim mo diyan sa puso mo anak ay hindi yan makakatulong sa iyo. Sabi nga nila move on! Wala na akong pake kong si Gig man yan o iba pang lalake

basta makahanap ka lang ng matinong lalake eh masaya na ako." hinimas himas pa nito ang braso ni Voice.

"Gusto niyong bigyan ko ng second chance si Gig?" kumunot ang noo ni Voice.

"Ang desisyon ay nasa iyo. O baka naman may iba ng nagpapatibok ng puso mo?"

"Po? Huh? Sinong tinutukoy niyo? Si H?" iskandalosong tanong ni Voice.

"Pwede rin yung isa pa. Aba lahi tayo ng mga habulin kaya hindi na ako magtataka." pagmamayabang ng Ina ni Voice.

"Sabagay."

"Basta anak. Be open lang. It's your time to shine." tsaka hinawakan nito ang baba ni Voice.

"It is my time to shine?"

Tumango ang Ina niya.

"Really?"

Tumango ulit ito.

"As in Oo? Yes? Super? Ama-" hindi na naituloy ni Voice ang sasabihin dahil nabatukan na siya ng Ina.

"Ang dami mong sinasabi!" nandidiring maktol ng Ina niya. "Umayos ka Voice at baka kung ano ang magawa ko sa iyo."

"Gusto ko lang naman makarinig ng encouragement na it is my time to shine na nga talaga." sumimangot si Voice.

"Anong gusto mo? Kumuha ako ng flashlight at ilawan ka pa? Baliw!" sabay tawa ng Ina at tumawa na rin si Voice bago nagyakapan ang mag-ina.

"Baliw nga talaga tayong dalawa mother dear! We are the perfect tandem."

"Crazy beautiful!" sang-ayon ng Ina.

***

Sa bahay nila Gig,

"Kumusta?" tanong ni Bitz na daig pa ang isang magnanakaw kung makapasok sa kuwarto ni Gig. Ni hindi narinig ni Gig ang pagbukas ng pintuan dahil abala ang binata sa

pag-aayos ng mga gamit.

"May nangyari bang maganda sa pinuntahan mo?" dagdag na tanong ni Bitz. Tahimik lang si Gig bago napaupo ito sa gilid ng kama tsaka naman umupo si Bitz sa harapan ng

Love Calculationजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें