Now where am I gonna put my pants? It's bloody at kahit ako mismo ay nandidiri! Nilabhan 'ko saglit gamit ang safeguard yung bloody part, put it in the plastic at sinilid sa bag 'ko. Hehe, i'll throw my panty nalang sa ilog.


"Done?" He asked paglabas 'ko sa cubicle.


"Yup! Thanks pala ha." I smiled at him.


"Kaya pala ang moody mo, nireregla ka na pala." Sumimangot siya. "Are you craving for something? Wanna eat? Are you hungry?"


Napatitig ako kay Clarence. Bakit ang sweet niya? I admit nakakakilig yung ganyang gestures niya. Alam kong pafall siya at malandi. Pero wala paring nakakatalo sa care. That's the first thing for me. The way he flirts? Hindi nakakakilig. Pero yung caring side niya? Hay. My gosh. Hahahaha.


"H-hindi. Okay lang." I faked a smile. Shet. Sa kilig 'din ako nagsimula magkaroon ng feelings kay Bruce. Could it possibly happen to Clar? Nahh.


I should stop myself. Ngayon palang na nagsisimula na akong makaramdam.



We left the CR together at hinatid niya ako sa studio. Papaalisin ko na sana siya but he said..



"I'll talk to that lady." Aniya.



"Kanino? Kay Miss. Zanea?" At totohanin niya pala na kakausapin niya si Miss!



"Yup."



"Clar wag na. That's okay. I swear. Sige na. Akala ko ba maghahanap pa kayo ng music room around dito para di na kayo magpunta pa sa Parañaque para magpractice?"



"I'll just have to talk to her para 'di ka pagalitan. Let me do it, Marga. Okay?" Nagtaas siya ng kilay.



I rolled my eyes. Astang boyfriend talaga siya and he does it right! "Ewan ko sayo!" I said but deep inside I can't stop myself from smiling.



Kung marunong lang siya magseryoso, he'll be boyfriend material na talaga but.. Oh well, nothing's perfect. No one is.



Kinausap niya nga si Miss. Zanea before magstart yung workshop. Sa nakikita 'ko sa itsura ni Miss ay parang gwapong gwapo siya kay Clarence. Tulala lang siya at nakatitig sa nagsasalitang si Clarence. Wow. Effortless magpafall ng babae ang loko oh. Tsk tsk.



The workshop started. Anang Clar ay itetext niya nalang daw ako but he made sure na ihahatid niya ako sa bahay.


I wonder why he's doing this. Yung parang siya na yung tumatayong boyfriend at tatay 'ko. I don't know his intentions but whatever it is, i don't care. Ang akin lang ay ayokong umasa or mahulog ang loob 'ko sakanya. I couldn't bear one more heartbreak. Tama na yung kay Bruce. I've had enough for cheating and unfaithful men. Once is enough.


As usual ay nakakapagod ang workshop. Next week na ang photoshoop at ang shooting para sa teaser video. Kinakabahan ako. Kailangan daw make up kami and kailangan black, white or gold yung dress namin. Shet. Saan ako kukuha non?


Sinundo nga ako ni Clarence saktong 9pm. Nag dinner kami sa isang filipino restaurant. Aniya'y ayaw niya daw ang ako paglutuin kasi alam niyang pagod ako. Ang sweet. Kaasar! Hahaha.


"So ano, bukas after class ba tayo magpupunta sa raffles?" He asked. Tutal wala naman akong workshop kaya bukas nalang.


"Yup. Kailangan diba naka formal attire?" I asked at tumango naman siya.


"Are we gonna check in?" He smirked. Tinaasan 'ko siya ng kilay. Tss.


"What for?"


He shrugged, "Para sa'yo. Wala lang. At 'wag kang magalala, hindi nakaka-seduce 'yang katawan mo kaya hindi kita pagbabalakan ng masama." Atsaka siya humalakhak. "At may mens 'ka."


Ughhh! Nakakaasar siya! Bakit ko ba kasi ginawa iyon?!


"Pwede ba? Manyak ka talaga. Wala! Hindi tayo magche-check in." Kinakabahan ako sa kung anong pwedeng mangyari eh. I don't know why.


"No, seriously. If you want different rooms tayo." Sumeryoso siya.


"Why do we have to check in?" I asked.


"I want you to enjoy the hotel. Gusto kita itreat. Ano ba? Ayaw mo pa? Ikaw lang ang kaisa-isang babaeng umayaw sa akin mag-hotel. Ever." He pouted.


Naningkit ang mata 'ko. So he already brought alot of girls in hotel? Aba syempre, Margarette! Tss.


Pero teka.. Oo gusto ko din mag check in. Kaso ano namang ipapaalam ko kay Mama? Na magche-check in kami ni Clarence sa hotel? Asa naman na payagan ako nun! Baka mamaya ay katayin pa ako 'non.


"Oh eh ano ipapaalam ko kay Mama? Aber? Na magche-check in tayo? Edi lagot ako!" Sabi 'ko.


"Chill. Ako magpapaalam." Nag taas baba ang kilay niya habang nakangiti.


"Psh. Asa ka pa na papayag iyon." Naiimagine 'ko na ang malutong na 'NO' ni Mama.


"Wanna bet?" He smirked.


I'm certain na hindi papayag si Mama. "Sure! What's the deal?"



"Be my girlfriend when she says yes. If she says no, ikaw bahala kung anong balak mo sakin."


Wait... What? Be his girlfriend? Anong akala niya sa relasyon? Playtime? Tss.


"Your girlfriend? For how many days?" For sure trip niya lang ito kaya for sure bilang na araw lang.


"Lifetime, maybe?" He raised one eyebrow.


Nanigkit ang mata 'ko sakanya. Lifetime? Kami? Baliw ba siya?


"Seryoso ka ba?" I asked.



"Trip trip lang. Wag ka mafall sa akin ah?" He laughed. Tss. Sabi na nga ay trip lang niya talaga ako paglaruan.


"Sure." I rolled my eyes on him habang malaki ang ngiti niya sa akin. Finally got what he want kaya ganyan ang ngiti niya? Tss.


Wag mafall sakanya? That's not gonna be easy pero kailangan ko tulungan ang sarili ko kundi kawawa na naman ako. Masasaktan lang ulit.

Alluring I: Alluring the beautiful geekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon