Chapter 52: Comeback UD ni Ms. Otor. ^___^

Start from the beginning
                                    

(yung dalawa agad? Hindi man lang ako kinamusta) Sabi ni Miko na may halong tampo. Hindi niya pa malalamang nakaloudspeaker kung hindi sumigaw si Ashley ng…

“HOY MIKO! SABING TAKEN NA TONG BABAENG TO EH! WAG KA NGA!”

(Aish…Nakaloudspeaker pala, potek.) Rinig nilang bulong ni Miko. Nakaloudspeaker nga kasi. HAHA!

“Yeah right Miko. Dali magkwento ka na! We’re so curious like hell!” –Ashley

(Hindi ko alam kung matutuwa kayo sa ikukuwento ko eh)

“Basta ba all about FRETHAN noh!” –Monique

Sinimulan ng ikuwento ni Miko yung mga nangyari kila Fretzie. Kinuwento niya muna yung biglang kandong sa eroplano, pati yung pagtulog na magkapatong yung ulo na agad nagbigay ng kilig vibes sa tatlo. Pero agad na nagbago yung atmosphere nung ikinuwento niya yung nangyari kay Fretzie at Anya.

“WHAT THE! MIKO BAKIT MO HINAYAANG MANGYARI YUN? TOKWA KA NAMAN EH!” Nagwawalang sigaw ni Lexi. Namumula na siya sa galit. Sobrang protective niya kay Fretzie kaya hindi niya kinakayang marinig yung mga pangaapi ni Anya kay Fretzie. Kung nandun lang siya panigurado hindi siya magdadalawang isip lumpuhin si Anya.

(I know. Sorry. Wala rin naman ako nung nangyari yun eh.)

“Naiintindihan ka namin Miko. We are not blaming you” –Monique

(Pero Monique nandun din yung kuya mo. Mas nauna siyang dumating kesa sakin.)

“Good to hear that. Sinaktan niya ba si Anya? Sinigawan? I bet super hero lang ang peg ni Kuya kay Fretzie!”

(Kung pustahan Monique, umpisa pa lang talo ka na. Kinampihan ng kuya mo si Anya. T*ngna talaga pag naalala ko yun!)

“WHAT??!!!” Nakakabinging sigaw ng tatlo.

(Binaliktad ni Anya yung nangyari. Pinalabas niya na siya yung nakakawa. Imagine, pinadala pa kami ni Fretzie ng clinic sa ospital dahil kailangan tahiin yung sugat niya sa kamay. Grabe talaga! Samantalang si Anya first aid lang, pero kung makaarte sa kapatid mo, Haaaaay! Sayad talaga!)

Laking gulat na lang nila ng magbato si Lexi ng flower vase nila Monique. Akala ni Ashley magrereact si Monique, yung magpapanic at magtitili na ‘mahal yang vase na yan!’ ‘lagot ako kay mommy!’ Pero hindi yun ang ginawa ni Monique. Parang walang nangyari, tinawag niya lang yung mga katulong para alisin yung mga bubog sabay balik dun sa phone.

“Magkwento ka pa!” Utos niya kay Miko. Mahahalata mo rin sa boses niya yung inis at galit. Tinuloy naman ni Miko yung kwento niya, yung sagutan nila ni Ethan hanggang sa pagbawi ni Ethan kay Fretzie.

Clash of the Campus Royalties (CCR) - (PUBLISHED)Where stories live. Discover now