Chapter 7

1 0 0
                                    

Kinabukasan, nagiimpake na ako ng gamit ko para sa dorm ko. "Mag-ingat ka Erika, baka sabihin ng ate mo sa akin eh! Pinabayaan kita haha! Hatid na kita sa gate, alam ko naman may susundo sa iyo. Ingat ka labyu cousin." Ngiting sabi ni ate sa akin. Hinatid na nya ako sa gate at laking gulat ko na andun si Chandler haha! Bakit lalo syang gumagwapo? Aish! Ano ba yang pinagsasabi ko?! Magkaiba kami ng school ni Chandler. At magkaklase kami ni Kian. (Si Khym ay lumipat na ng school kasi pinalipat sya ng parents nya. At dito nyo malalaman kung paano magiging special someone ni Erika si Chandler/ Jc)

"Woah! Bakulaw bigla kang pumogi ah!" Amazed kong sabi sa kanya. "Asus! Ang ibig mong sabihin crush mo ko haha! Halika na nga malalate ka pa sa klase mo!" Natatawa na umiiling si Chandler sa akin. "ASA! yabang mo talaga lumakas tuloy ang hangin dito brrrr~~~~!" Natatawang sabi ko sa kanya sabay yakap sa katawan ko. "Grabe ka naman haha! Halika na nga Tanda!" Natatawang sabi nya sa akin.

"Musta na pala ang pinsan mo Bakulaw?" Tanong ko kay Chandler/ Jc. "Medyo okay naman sya, eto na tayo tanda." Sabi nya sa akin. "Kaya ko ba ito? Ayoko pa syang makita, ayoko pa syang harapin pero kailangan ko syang kausapin bakulaw." Nanghihinang sabi ko sa kanya. "Kaya mo yan tanda! Sige na baba ka na. May susundo ba sa iyo mamaya?" Sabi nya at tanong nya sa akin.


"Meron na si Kian." Sabi ko sa kanya sabay yakap sa kanya. "Buhbye! Text mo ko kapag nasa school ka na ah!" Nakangiti kong sabi sa kanya. "Sige bye!" Sabi nya sa akin. Pagkababa ko sumalubong na sa akin sila Blessie. "Erika! okay ka na ba?!" Sigaw na tanong ni Blessie papunta sa akin. "Medyo Blessie." Pilit na ngiti ko sa kanya. "Makakayanin mo din yan Erika!" Sabi naman ni Elaine. "Thanks guys, sayang wala na dito si Khym." Sabi ko sa kanila.

"Oo nga eh, andito naman kami." Ngiting sabi ni Blessie. "Erika" tawag sa akin ni Ken na nanigas ako sa kinatatayuan ko. "Blessie and Elaine una na kayo, may paguusapan pa kami." Sabi ko kayla Blessie. "Uhh.. Sure hintay ka namin sa room." Alangin na sabi ni Elaine.


Nagpunta kami ni Ken sa court, tahimik lng kami habang naglalakad papuntang court. "Erika, ano ba problema?" Nagtatakang tanong nya sa akin, halata sa mga mata nya na nagaalala sya sa akin. "Are you cheating on me?" Matigas kong tanong sa kanya. "What?! No! simula ng makilala kita nabago mo na ang pagkatao ko Erika. Bakit mo naitanong sa akin yan?" Nagtatakang tanong sa akin ni Ken. "Look at it, sino yang yumakap sa iyo? Nakita ka ng pinsan ko na may kayakap kang babae." Sabi ko sa kanya at pinakita sa kanya ang picture na sinend sa akin ni ate. "Kanino nanggaling ito? Kambal ko ito Erika." Tanong nya at sabi nya sa akin.

"Kay ate Miracle na ex mo dati Ken, sinabi nasa akin lahat ni ate ng pinsan ko kung ano nangyari sa inyo dati, really? kambal mo yang yumakap sa iyo? I don't know kung maniniwala pa ako sa iyo Ken." Matigas kong sabi sa kanya. "Please, maniwala ka sa akin, ano bang dapat kong gawin para paniwalaan mo ko?" Nanghihinang sabi at tanong nya sa akin habang pilit nya ako niyayakap.


"Lets cool off muna Ken." Sabi ko sa kanya na may nagbabadyang tumulo ang mga luha ko. No way! Wag kang tutulo! Pinahid ko ang luha ko. "No! Wag mo sabihin yan Erika, mahal kita mahal mo pa ba ako?" Garalgal nyang sabi sa akin. "Bitawan mo si Erika Pare!" Sigaw ni Kian kay Ken.

*BOOGSHH* "sino ka para sabihan akong layuan ko ang girfriend ko?!" Singhal na tanong ni Ken kay Kian at sinuntok nya din ito. *BOOGSHH* "ako?! ako lng naman ang kaibigan ng sinaktan mo pare!" Galit na sabi ni Kian kay Ken.

"TAMA NA! TAMA NA!" Sigaw ko sa kanila sabay takip sa dalawang tenga ko. Ayoko makakarinig ng may nagaaway, dahil bumabalik lng ang nakaraan ko, ang matagal ko ng kinalimutan, at di ko maalala ang mga yun! unti-unti bumabalik ang mga alala na kinalimutan ko na!

"Akin lng si Erika!" Singhal ni Z kay J. "Di mo sya pagaari dahil lagi mo lng siya sinasaktan! Di ka na naawa sa kanya!" Galit na sabi ni J kay Z. Nagsuntukan na silang dalawa sa harap mismo ni Erika. Nagaway ang magkapatid ng dahil sa kanya.

"Tama na! Zian at Jian! Tigilan nyo na yan! Pwede ba!" Sigaw ni Erika ng ikinatigil nilang dalawa.

"Mahal mo pa ba ako Erika?" Garalgal na tanong ni Z kay Erika. "I am sorry Zian i am sorry." Hagulgol na sabi ni Erika kay Zian. At umiiyak na ito patakbo. "Babawiin kita Erika!!!" Huling sigaw ni Zian kay Erika.

Sino si Zian at Jian? Ugh! Biglang sumakit ang ulo ko. Sino sila sa buhay ko?! "TAMA NA! TAMA NA!" Sigaw ko habang nakatakip sa dalawang tenga ko. "Erika, are you okay? Im here now." Pagaalo sa akin ni Kian. "Kian may naririnig ako." Iyak kong sabi sa kanya. "Shhh... Stop crying na." Sabi nya sa akin. "Erika mahal mo ba ako?" Nanghihinang tanong sa akin ni Ken.


"Im sorry Ken, im sorry wag muna ngayon." Umiiyak kong sabi sa kanya. Deja vu! Parang nangyari na ito ah! Inalalay ako ni Kian na makatayo tapos naglakad na kami palayo kay Ken. "Gagawin ko lahat para maniwala ka sa akin Erika!!!" Huling sigaw sa akin ni Ken. Deja vu again! Ano ba yan!

My Boyfriend is a Casanova  ~On Hold~Where stories live. Discover now