CHAPTER 13

4.3K 36 1
                                    

  "Anak mahabang kwento. Nalaman kasi ng nanay mo na may anak ako sa iba bago pa noong ikaw ay isinilang. Hindi matanggap ng iyong nanay na may nauna na pala sa kaniya. Akala niya siya ang una kong minahal kaya't pinalayas niya ako sa bahay natin. Pero anak alam mo ba, walang araw na di ako pumupunta sa bahay niyo. Tinitignan kita habang ng lalaro kayo ni bantay sa may gate. Gusto kitang malapitan pero natatakot ako. NADUWAG ako anak eh. Sana patawarin mo si tatay." sabi ni tatay

"Pero bakit ka naduwag diba mahal mo naman kami ni Nanay, dapat ipinaglaban mo kami Tay" sabi ko naman.

"Minsan kasi Anak, may mga pagkakataong hahayaan mo nalang na ikaw ang masaktan kesa makita ang iyong mga minamahal na nasasaktan. Lahat ng pasakit at mga paghihinagpis ng kalungkutan na di kayo kasama ay aking tiniis para lang sa inyo anak," Napaluhang sagot ni tatay.

"Pero anak ito ang palagi mong iisipin na mahal na mahal kita kahit na ano pang mangyari sa iyo . Lagi mong isipin na naririto lang ako sa puso mo at di ko hahayaang masaktan kapang muli. Yan ang palagi mong tandaan anak ha."

Bakit parang iba ang tuno ng pananalita ni tatay sa akin. Parang may mga kahulugan?

"Tay? ano po ang ibig yung sabihin? bakit ko pa po iisipin yun eh kung nandito naman ako na kasama mo. Magkasama na tayo tay."

"Anak marami ka pang dapat na maintindihan sa mundo. Marami ka pang bagay na dapat malaman." Sabi niya.

"Itay, si Nanay wala na siya. Pinatay ko si Nanay Tay." Humagolgol akong muli.

"Tao ka lang at nagkakamali. Katulad ko, katulad ng Nanay mo at ng iba pang mga tao. Humingi ka lang ng kapatawaran Anak. Alam kong hindi ka niya tatalikuran."

"Paano kung kinamuhian na ako ng Diyos Itay? Paano pa ako makakasigurong hindi niya ako tatalikuran? Paano kung hindi na niya ako mahal? Sa dami ng kasalanang nagawa ko Itay, hindi ko na alam kung pakikinggan pa ako ng Panginoon."

"Matalino ang Diyos Anak. Alam niya ang kanyang gagawin. Basta Andrea, tandaan mo MAHAL NA MAHAL KA NI TATAY HA."

Bumitaw na siya sa pagkakaakap sa akin.
Tumayo siyang muli at sa hindi maipaliwanag na kadahilanan isang liwanag ang biglang lumikop sa buong kapaligiran. At mula sa liwanag na iyon, doon unti unting nawawala ang imahe ni Itay.

"TAAAYYY! HUWAG NIYO 'KONG IWAN!" pagsusumamo ko.

Kasabay ng pagkawala ng liwanag na iyon, ay unti-unti ko ring naimumulat ang aking mga mata. Sa aking paggising sariwa pa ang luhang dumadaloy sa aking mga mata. Ngunit, sa kabila ng lahat, ng aking mga pinagdaanan alam kong may plano ang diyos kung bakit nangyari ang mga bagay na yun, 10 years ago. Bumabalik pa rin sa aking panaginip ang masalimuot na nakaraan sa buhay ko. Pero sa lahat ng mga nagawa ko noon, alam kung kahit kailan hindi ako pinabayaan ng Diyos.

Alam kong may mga bagay na alam nating mga tao pero di natin pinaniniwalaan. Minsan nagbibingibingihan at nagbubulagbulagan tayo sa mga gawa ng Diyos sa ating mga buhay. Minsan di natin alam na ibinigay niya na pala ang matagal nating inaasam, minsan nahuhuli pero alam niya kung kilan at papaano niya ito maibibigay.

Minsan nga binibigyan niya tayo ng mga pagsubok para malaman niya kung karapatdapat ba tayo sa ating hiningi sa kaniya. Minsan 'di na tayo humingi sa kanya kasi ang akala natin pianabayaan na niya tayo. Pero alam mo bang maswerte parin tayo ngayon? Kasi buhay pa tayo. May pagkakataon pa tayong bumalik muli sa tawag ng Diyos sa atin.

W-A-K-A-S !  

AndreaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon