CHAPTER 2

9.3K 60 0
                                    

  Hindi na ako nakapagtapos ng pag aaral. Pinatigil ako ni Inay dahil gastos lang daw yun. Dapat sana'y gradweyt na 'ko sa High School. Kaya nga lang 1st year pa lang ako hindi na niya tinustusan ang pag aaral ko.

Wala rin akong mga kaibigan. Kahit pa rito sa lugar namin walang may gustong kumaibigan sa'kin. Kasi daw anak ako ng malandi. Anak ng adik at anak ng babaeng walang inaatupag kundi ang manlalaki. Pinagtatawanan ako ng mga tao sa tuwing naglalakad ako papuntang tindahan o sa palengke man.

Hindi na lang ako umiimik at ang ginagawa ko tinatakpan ko na lang a ng tenga ko para kunwari'y wala akong naririnig.

ANAK NG MALANDI!

ANAK NG ADIK!

Paulit-ulit nilang sabi.

"Tumigil na nga kayo! Hindi niyo ba alam nakakasakit na kayo. Para namang wala kayong pinag aralan sa mga inaasta niyong 'yan eh!" Isang estrangherong lalaki ang bigla na lamang pumagitna sa panunukso nga mga taong iyon. Dahil sa tapang niya sa pagsuway sa mga ito, agad na nagsi alisan ang mga tao na parang walang nangyari.

"Bakit mo ginawa 'yun?" Tanung ko sa kanya. Lumapit ang lalaki sa'kin. Matangkad siya at gwapo.

"Ikaw, ba't mo hinahayaang gawin nila sa'yo yun?"

"Sanay na ako do'n at sa tingin ko totoo naman lahat ng mga pinagsasabi nila. Kung may magagawa man ako, yun ay ang manahimik na lang." Sabi ko sa kanya.

"Kahit na. Wala pa rin silang karapatang gawin sa'yo ang pangbubulling iyon. Dapat di ka magpatalo sa kanila."

"Hayaan muna!" Sabay sa pagbuntong ko nang hininga.

"By the way ako nga pala si Ryu. Ryu Dellano." Sabay abot ng kanyang kamay.

"Andrea." Mahina kung tugon.

"Oh siya alis na'ko Andrea ha. Napadaan lang naman ako rito sa lugar niyo eh." Kumaway siya saka umalis.

Umuwi ako ng bahay na bitbit ang ngiti sa aking mga labi. May mga tao pa palang katulad ni Ryu. Nawala saglit ang pag iisip ko ng biglang sumakit ang puson ko. Narating ko ang bungad ng pintuan ng bahay namin ng bigla akong magulat sa sumunod na nangyari.

Bigla akong hinila ni Diego sa braso at ipinasok sa silid. Amoy alak siya at amoy sigarilyong matapang din.

"T-tito? Anong ginagawa mo sa'kin?" Natatakot kong tanung. Wala si Inay. Sino ang hihingan ko ng tulong ngayon? Pinaghahalikan ako ni Diego sa buhok habang tinatali ako sa upuan.

Bigla na lang tumulo ang mga luha ko sa mata. Mga luhang puti na nagdadala ng hinagpis at pagtitimpi.

Nagulat ako sa ginawa ni Diego sa'kin. Inulit ng katauhan niya ang pangbababoy sa pagkababae ko. Hindi ako pumayag sa gusto niyang mangyari kaya bigla na lang niya akong sinuntok sa tagiliran. Sinadya niyang lakasan iyon upang mawalan ako ng malay.

Matapos mapagtagumpayan ni Diego ang panghahalay sa'kin, para lang akong basahan na dinuraan niya. Nakatulala ako habang nakaupo sa sahig. Nandidiri na ako sa sarili ko. Bakit ba hindi ko magawang ipagtanggol ang sarili ko? Hindi nga ba talaga kaya ng lakas ko ang lakas nila? Ang tangi ko na lang nagawa sa mga oras na 'to ay ang humagolgol sa iyak habang hawak hawak ang puson ko.

Mayamaya, nakita kong paparating si Inay. Dali dali kong inayos ang sarili ko at nag kunwaring walang nangyari.
Pumasok siya ng bahay at pansin kong matalim ang pagkatitig niya sa'kin.

"N-nay andiyan na pala kayo. K-kakain na po ba kayo? Ipaghahanda kita." Tumalikod ako at pumunta ng kusina.

Lumabas naman si Diego sa banyo at halatang bagong ligo siya.

"Babe, andito ka na pala. Kamusta ang laro?" Tanung ni Diego sabay halik sa labi ng Inay.

"Hoy babae ka halika nga rito." Asik niya.

"B-bakit po nay?"

"Ano 'tong nababalitaan ko diyan sa labasan na may kinakausap kang lalaki? Ano, naglalandi ka na? Eh kung mabuntis ka anong ipapakain mo sa magiging anak mo? Lupa? Oling? Papel? Gaga ka talaga!"

"Aba'y baka nga natututo nang lumandi yang anak mo. Kanina nga balak pa akong pasukin sa banyo habang naliligo ako. Tapus, tama bang akitin ako sa pamamagitan ng pagbukaka ng mga hita niya sa harapan ko!" Pagsisinungaling ni Diego.

"N-nay huwag po kayong maniniwala kay Tiyo Diego. Hindi ko po magagawa yun." Namuo na naman ang luha sa mga mata ko.

"At ako pa ang sinungaling ngayon ha?" akma sana akong sasampalin ni Diego pero pinigil siya ni Inay. Laking pasasalamat ko dahil sa ginawa niya. Ngunit nagkamali ako. Pinigil pala niya si Diego dahil siya mismo ang sasakit sa'kin..  

AndreaWhere stories live. Discover now