Waiting with You

426 10 2
                                    

(A Passenger’s Anecdote)

            Ang paghihintay sa pagdating ng pag-ibig ay parang paghihintay sa paparahing jeep. Ilan daan man ang dumaan sa harap mo, siguradong isa lang ang sasakyan mo. Minsan pa nga, kahit anong pagpara ang gawin mo, hindi ka pa din hihintuan nito, (baka kasi siksikan na ang mga pasahero sa loob, o baka naman hindi mo lang napansin na ibang lugar pala ang nakasulat sa sign board).

Gayunpaman, hindi ka pa rin titigil sa pagpara ng jeep hanggang sa makasakay ka. Kasi, meron mang mga jeep na hindi nakalaaan sayo, wag kang mag-alala dahil bago matapos ang araw, siguradong darating din ang jeep na magpapasakay sayo.

---

Ayos ba ang analogy ko?

Nakakatawa; dahil sa sobrang tagal ng paghihintay ko, kung anu-ano na naman ang nagsusulputan sa utak ko. Buti na lang may huminto din na jeep sa harapan ko.

            Pagkaupong-pagkaupo ko, hinanap ko kagad ang coin purse ko at tsaka inabot ang dose-pesos kong bayad. Tsinek ko din ang cellphone ko na walang ibang laman kundi mga gm (general message) ng mga kaklase ko na kung hindi tungkol sa pag-ibig, ay puro idc (I  don’t care) text messages lang ang sinasabi.

            Hindi pa man malayo ang naiandar ng jeep ay nainip na naman ako kaya’t inilibot ko ang mga mata ko para humanap ng ibang mapagkakaabalahan.

            Noon ko lang naisip na masaya palang panuorin ang iba’t ibang ginagawa ng mga pasahero. Merong isang babae na parang luka-luka na tumatawa pero patuloy ang pagtulo ng luha habang may cellphone na Jurassic sa tenga (sa totoo lang, iniisip ko kung may kausap ba talaga siya☺). Meron din namang mag boyfriend sa tabi ko na bulungan ng bulungan; yun nga lang ang lakas lakas naman nila mag-usap, nakakainis lang pakinggan. Tapos sa tabi ko mayroong magkaibigan; yung isa todo kwento samantalang yung isa naman halatang-halata na inaantok na sa mga kwento ng kaibigan niya.

            Kung tutuusin, pwede ko ng gawan ng istorya ang bawat isa sa kanila. Iba- iba man ang itsura, mannerisms at buhay nila, may isang bagay naman na common sa kanila.

Pag-ibig.

            Isang simple mang salita ang ‘pag-ibig’, hassle naman bago mo makuha ito. Mayroong mga tao na easy to get at easy get lang ang pag-ibig. May iba namang halos ibuwis na ang buhay mahalin lang. Meron di namang halos mabaliw na at lahat, hindi pa rin napapansin dahil sa sobrang manhid ng taong minamahal nila. Gayunpaman, mabaliw-baliw ka man at pumuti man ang buhok mo dahil sa konsumisyon, hindi ka pa rin titigil sa pagmamahal. Bakit?

---Hindi ko din alam.

Basta ang alam ko, every one deserves to be loved.

*Lihim na pag-ibig

Mayroong mga tao na willing saktan ang sarili nila para lang mapasaya ang minamahal nila, kahit na ang ibig sabihin pa nito ay ang habang buhay na pagdurusa. Kung baga, sila yung tinatawag na masokista na parang mas natutuwa pa pag nasasaktan. Ewan; hindi ko sila maintindihan. Tulad na lang ng babaeng ito na may kausap sa cellphone, dito sa dulo ng jeep.

Samson:         Ikakasal na ko!

Delilah:           Talaga? Masaya ko para sa’yo. (masaya daw pero tumutulo naman ang luha)

Samson:         Aasahan kita sa kasal ko ha.

Delilah:           Sure. I’ll be there. Promise, ako pa ang early bird sa kasal mo.

Samson:         ...

Delilah:           Ah, sige huh? Malapit na ma-empty batt ‘tong phone ko. Tawag na lang ulit ako sa’yo… BEST FRIEND.

Waiting with YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon