Special Update-1

18.1K 246 33
                                    

"I hate you!" - sigaw ni Maria saakin!

"Baby naman.." 

"Umalis ka na! Dadalhin ko si Michael kay Errol!" - sigaw niya!

"Fck! H'wag na h'wag ka pupunta kay Errol baby!" - sigaw ko! Palagi nalang niya pinantatakot saakin si Errol sa tuwing makakalimutan ko yung mga pinapabili niya!

"Ayoko! Buti pa si Errol lahat ng gusto ko binibigay niya!" - napasabunot ako sa buhok ko! Binibigay ko naman lahat ng gusto niya ah! Simula ng ipagbuntis niya yung pangalawa naming anak ang sungit sungit na niya! Sabi naman ni Mario ganyan daw si Samantha sakanya nung buntis si Samantha kay Sabrina.

8 months ng buntis si Maria at 8 months na rin siyang masungit! Namimiss ko na siya!

"Baby.." - hinila ko siya sa bewang niya at hinalikan ko siya labi! Napangiti ako ng tugunin niya ang halik ko, medyo nahihirapan akong halikan siya dahil nakaharang sa pagitan namin ang namimilog niyang tiyan.

Humiwalay siya saakin at sinampal ako ng malakas!

“Aray! Baby! Masakit yun ha!” – sigaw ko sakanya!

“Ibili mo na kasi ako ng French fries!” – nakapout na sabi niya.

“Baby gabi na..kung gusto mo magpadeliver nalang tayo??” – sabi ko, tutal naman meron namang 24 hours delivery diba?.. Pero mas lalo yata siyang nainis saakin dahil kumunot ng sobra sobra ang noo niya!!

“Amina yung cellphone mo!!” – sigaw niya! Napangiti ako sa pag aakalang tatawag siya para magpadeliver, pero nagtaka ako ng magtype siya ng sobrang habang number.

Tumalikod siya saakin, at nagpantig ang tenga ko ng marinig kong magi yak iyakan siya sa kausap niya sa kabilang linya!

“Errol! *sob!* si..Akie..*sob!* Ayaw niya kasi ak—“ – mabilis kong inagaw ang cellphone ko sakanya at pinatay ang tawag! Hinarap ko siya saakin!

“Fine! Ibibili na kita baby! But please, itigil mo na ang pag contact sa Errol na yan!” – palagi siyang nagsusumbong sa gagong lalaki na yon.

TLHS - Special UpdateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon