1. IDENTITY You Have Surely MISTAKEN

6.4K 93 0
                                    

1. IDENTITY You Have Surely MISTAKEN

Louise' Point Of View

After Four Years of waiting, finally, nakuha ko na ang katarungang matagal ko nang hinihintay. Maaayos na rin ang buhay ko, ngayong natapos ko na silang lahat. Oo, lahat. Hindi lang ang limang 'yun ang pinatay ko. Ako din ang tumapos sa mga magulang ko, at sa mga taong nakapaligid sa Baryo Caridad. Mahirap ba akong intindihin? Mahirap ba akong mahalin? Mahirap ba akong pakiusapan? Hindi naman diba? Dahil na rin siguro sa kabaliwan ko nung nawala si Ate Jess na syang nakakaintindi sa akin kaya ko nagawa iyon. Kaya nakahinga na ako ng maluwag, ngayong tapos na ang mga paghihirap ko.

Lumakad na ako palabas ng kwarto ng Ate Jess ko. Oo, nandun sya. Payapang nakahiga sa kama nya, at maganda pa din kahit naaagnas na ang buong katawan nya. Nakakamangha nga't hindi naging kalansay ang katawan nya kahit apat na taon na syang patay. Paano nangyaring napunta sya dito? At kung bakit at paano ko isa-isang tinapos ang buhay ng mga tao sa Baryo namin? Simple lang..

F L A S H B A C K

Ilang araw na akong tulala. Natrauma siguro ako. Ikaw ba namang makakita ng isang nakakadiring pangyayari. At malapit pa sa buhay mo 'yung ginawan nun. Edi malamang, matotrauma ka nga.

Naisipan kong balikan ang lugar kung saan inilibing ang Ate. Hinukay ko ito ng hinukay gamit lamang ang aking mga kamay hanggang sa maalis ang mga lupang nakabaon sa katawan nya. Niyakap ko sya ng mahigpit kahit na masangsang na ang amoy nito. Nag-iiiyak ako dun na tanging hagulgol at paghikbi lang ang maririnig sa buong lugar. Nang mahimasamasan na ako'y bumalik na ako ng baryo dala-dala ang aking Ate. Nais ko sanang ipaalam na sa kanila ang nangyari dahil alam kong hanggang ngayon ay nagtataka pa rin sila.

Pero hindi pala iyon ang mangyayari. Pinaghinalaan nilang ako ang pumatay sa aking Ate dahil daw inggit na inggit ako dito. Oo nga't naiinggit ako sa kanya, pero hindi ko magagawang patayin sya lalo na't sya lamang ang nakakaintindi sa akin. Marami pa silang sinabing masasakit na salita pero pinabayaan ko na lang. Inisip ko na lang na wag silang patulan dahil hindi naman nila alam ang mga nangyari.

Ngunit pagpasok ko sa mansyon, mas masakit pa pala sa inaasahan ko ang mangyayari. Makaraang makita nilang buhat ko ang bangkay ni Ate, sinugod agad ako ng aking stepmom at pinagsasampal, sinabunutan. Hindi pa sya nakuntento at nagsumbong pa sa asawa nya. Sinabi nyang ikulong daw ako sa basement at pabayaan na lang dun hanggang sa mamatay daw ako. Pumayag ito at kinaladkad ako papunta doon.

Napasakit sa pakiramdam na pinagdududahan ka sa bagay na wala ka namang kinalaman, sa bagay na hindi ka naman sangkot. Napahagulgol na lamang ako nun dahil hindi ko na makimkim ang kirot sa puso ko. Bigla tuloy pumasok sa isip ko na patayin silang lahat. Sirang-sira na naman ang imahe ko sa kanila e kaya kahit anong gawin kong kabutihan, pangit parin ang tingin nila. Ayoko narin namang ipagsiksikan ang sarili ko. Saka antagal ko ng nagtitimpi sa kanila. Kating-kati na 'yung kamay ko na gawin 'yun. Tinahak ko ang daan palabas sa basement na iyon---na tanging ako lang ang nakakaalam. Napakatatanga din nila e. Dito pa nila ako kinulong e saulong-saulo ko na ang kwartong 'to.

Bago ko sinimulan ang karumal-dumal kong plano, nagawa ko pang ipagdasal ang gagawin ko. "Patawarin nyo po sana ako sa gagawin ko. Hindi ko na po talaga kaya. Kating-kati na po ang aking kamay. Para rin naman po ito sa paghihiganti ko sa kanya. Para sa hustisya ni Ate Jessica." Inuna ko munang inubos mga mabababa, bago ang matataas. Ibig sabihin, inuna ko ang mga walang kwentang residente ng Baryo Caridad. Tandang-tanda ko. Lagi nila akong tinatawag at kinukutya na 'ampon'. Na peste lang daw ako sa pamilya ng Gomez. Puwes, magdasal-dasal na sila't ngayon na matatapos ang pinakamasasaya nilang araw sa mundo.

GAME OVER (Mystery/Thriller)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon