Chapter 2: The Messages

1.6K 29 28
                                    

Nakaupo si Patricia sa bar ng restaurant, umiinom. Sarado na ang Cafe Ortiz, Siya na lang ang natitira sa loob at mga iilang empleyado na naglilinis. Kakatawag lang ng mommy niya at nagtalo silang dalawa sa telepono. As expected, nagagalit ang mommy niya sa iskandalong nangyayari. Sa pagkadawit ng pangalan ng Cafe Ortiz sa pagpaslang kay Stella.

Pero ano nga ba naman ang magagawa niya? Kahit ano naman ang gawin ni Patricia, laging may nakikitang mali ang ina. Lagi siyang palpak sa paningin nito. All these years, nothing has changed.

" Mam, " sambit ng bartender nitong si Gabriel na nasa kabilang side ng bar counter. " Okay lang po ba kayo? "

Inangat ni Patricia ang ulo at tumingin kay Gabriel. " Yes, I'm okay. " ani nito.

" Si Mam Soledad na naman po ba mam? " tanong ng binata. Hindi lingid sa kaalaman ng mga empleyado niya na hindi maganda ang relasyon nito sa ina.

" Well, what do you expect from my mother Gabriel? " sagot ni Patricia. " I always try to please her and meet her standards. But she always thinks I'm a liability sa pamilya namin. "

" Naiintindihan ko po ang sitwasyon nyo mam. Mahirap po talaga ang maging anino lang ng ibang tao, " ani ni Gabriel habang pinagpapatuloy ang pagpupunas ng mga kakahugas lang na mga baso. " Pero ako mam. Ni kailan, hindi ko ginawang dahilan yan para mawalan ng lakas ng loob. Kasi ako, pag may pangarap akong abutin, o bagay na gustong gawin, di ako tumitigil hangga't hindi ko nagagawa ang mga ito. "

Tiningnan ni Patricia si Gabriel. Mabait itong empleyado at pinagkakatiwalaan niya. Pero wala siya ngayon sa mood para pag-usapan ang mga problema niya sa ina.

" Well, " sabi ni Patricia na tinutulak palayo ang basong iniinuman at dinampot ang bag. " I'm sorry but I had enough drama for one day Gabriel, " sabi niya habang tumatayo mula sa pagkakaupo sa bar stool. " Mauuna na akong umuwi sa inyo. Kayo na ang bahalang magsara ng restaurant, okay? "

" Opo mam, wala pong problema, " sagot ng bartender.

Naglakad palabas ng restaurant si Patricia. Napansin niyang wala sa puwesto ang naka duty na guard. Naisip niya na baka nag roroving ito. Sinabihan niya kasi ang lahat ng mga guwardiya na icheck muna ang buong paligid ng restaurant tuwing bago sila magsasara mula ng nangyari ang krimen kagabi.

Patuloy si Patricia sa paglalakad papuntang parking lot kung saan nakaparada ang kotse niya. Nag-iba ang pakiramdam niya. Parang nakakatakot isipin na doon mismo sa lugar na iyon napatay ang kaibigang si Stella. Mag aalas dose na ng gabi kaya madilim at tahimik na ang parking lot. Mga mahihinang busina lang ng ibang mga sasakyan sa may di kalayuan ang maririnig.

Pagdating niya sa kotse niya, may napansin siyang isang maliit na puting envelope na nakaipit sa wiper ng sasakyan. Nagtaka ang dalaga kung paano at kung sino ang nag-iwan nito doon. Lumingon lingon muna si Patricia sa paligid para tingnan kung may iba bang tao at saka kinuha ang envelope. Binuksan niya ito.

Parang dinadaluyan ng kuryente ang buong katawan ng dalaga ng mabasa niya ang nakasulat sa isang parang litratong nakatalikod.

INUNA KO NA ANG MAHAL MO. NAGHIHINTAY NA SIYA SA'YO SA IMPIYERNO

Lalo pang nanghilakbot si Patricia sa nakita ng baligtarin ang larawan.

Kuha ito ni Stella ng gabing pinatay siya. Duguan at wala ng buhay sa loob ng kotse.

••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

" Com'n babe, let's go to bed already, " bulong ni Troy kay Clarisse habang minamasahe nito ang balikat ng dalaga. During the weekends ay sa bahay ni Clarisse natutulog si Troy. Nasa loob sila ngayon ng home office ng kasintahan at hinihikayat na niya itong umakyat sa kuwarto.

Shhh... Wag Kang SisigawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon