Chapter 1: The First Kill

7.5K 71 28
                                    

This is a full chapter 1 of the author's debut mystery story for preview. It's the author's first time to write in Wattpad so please do support. Don't forget to leave comments. Enjoy and thank you!

DISCLAIMER: All characters appearing in this work are fictitious. Any resemblance to real persons, living or dead, is purely coincidental.

••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

" I'll see you later gorgeous, " nakangiti si Stella habang binabasa ang chat message sa monitor ng computer niya sa opisina. " Text me mamaya. Heto number ko, 09276329078, " sagot niya sa kachat.

" Hay naku, may iba na namang ka eyeball si Stella, " sambit ng kaopisina nyang si Tess habang nakatayo sa likod niya at nakasilip sa monitor. " Di ka na nadala. Yung huling ka eyeball mo na kasing gwapo nga ni Jake Cuenca, eh ikaw naman pinagbayad ng buong date. " Ibinaling ni Tess ang tingin sa iba pa nilang mga kaopisina. " Di pa nakuntento at gusto pang magpahatid sa kotse ni Stella kasi daw kulang yung dalang pera nya pangtaxi. "

" Ay sus! Inggit ka lang kay Stella Tess kasi ikaw walang ka-date lagi, " tukso ng isa nilang kaopisinang lalake.

" Excuse me noh. Di bale nang walang date, di naman ako pareho ni Stella na desparadang magkaboyfriend at tumatambay na lang sa chatroom, " pabirong sabi nito at humarap kay Stella. " At ikaw naman. Diyos ko! Sa ganda mong yan eh nagpapaniwala ka sa mga chat chat at mga eyeball eyeball na yan! "

Napatawa si Stella sa tinuring ng kaibigan. Totoong maganda si Stella. Maganda ang kutis at hugis ng katawan. Seksi din kung magdamit. Kung hindi lang dahil sa itsura niya, baka di siya natanggap sa pinagtatrabahuan niyang kompanya bilang isang executive assistant. Graduate siya ng college pero di siya gaanong matalino. Di rin siya gaanong magaling mag english. Kaya sinuwerte lang siya na medyo mahilig sa magaganda at seksing empleyado ang boss nila. Mga 3 years na rin siyang nagtatrabaho sa kompanyang pinapasukan niya hanggang sa nabigyan siya ng sariling kotse ng kompanya last year.

" Ano ka ba naman friend. Hayaan mo na ako, " sagot niya kay Tess habang naglalagay ng red lipstick. " Alam mo namang ito lang libangan ko. Malay mo makita ko si Mr. Right dito sa chatroom. "

" Bahala ka. But don't tell me I didn't warn you ha, " sagot naman ni Tess.

" Iba tong kachat ko ngayon friend. Iba feeling ko dito. Parang eto na yata, " kinikilig na sabi ni Stella habang binabalik ang lipstick sa loob ng make-up kit niya. " Professional tong isang ito. Architect. At take note, gwapo ha. "

" Weee? Di nga? ", tanong ni Tess na parang ayaw maniwala. " Sige nga patingin. "

May pinindot si Stella sa computer at lumabas ang larawan ng isang gwapong lalake sa monitor niya. " Presenting Architect Michael de Guzman. "

" Ay gwapo nga friend! " sambit ni Tess.

" O, sabi ko sa'yo eh, " sagot naman ni Stella.

" Baka yan na nga ang swerte mo friend, " tukso ng kaibigan. " Pero ingat ka pa rin ha. Madami pa ring manloloko ngayon sa chat. Kailan daw kayo magkikita? "

" Ngayon pagkatapos ng trabaho natin. Magdidinner daw kami dyan sa bagong restaurant dito malapit sa opisina. "

" Stella, Tess, mauna na ako sa inyo ha, " sabi ng isa nilang kaopisinang babae.

" O sige sige, " tango ni Tess.

" Ay ako rin mauuna na rin ako sa'yo, " sabi naman ni Stella habang nakikitang nagsisilabasan na ang iba nilang mga kaopisina. Silang dalawa na lang ni Tess ang natitira sa loob. " Ayokong pag-antayin yung date ko. Alam mo na first impression, " dagdag niya habang inaayos ang ibang gamit sa loob ng bag niya.

Shhh... Wag Kang SisigawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon