Tumaas ang kilay ko ng marinig ko silang nagbubulungan. Hindi ko sila nilingon at kunwariy busy na busy ako sa binabasa kong libro.

"Gagaya ka po daddy ako dapat po maglalaba para kay mama."-triton

"Bata ka pa para maglaba at isa pa pinaglalaba din naman ako minsan ng mama mo ah."

"Tinatakasan mo naman po eh."

Pinigilan kong mapatawa. May point si Triton. Lagi akong tinatakasan ni Marveige kapag siya ang gusto kong maglaba at tinatamad akong magpalaundry.

"Hindi kaya."-marveige

"Basta po ako nauna."

"Ako."

"Ako po."

"Ako."

"Ako po."

Pumito ako ng malakas. Napadiretso ng upo yung mag-ama at napapapalatak na tumayo ako at nilapitan ko sila. Halo sabay silang napangiwi at napakamot sa batok nila.

Magtatay nga.

Hindi ko maiwasang hindi mamangha sa mga similarities nila hindi lang sa itsura kundi maging sa mga kilos nila. Pareho pang chicboy though pagdating kay Triton may contribution din ako doon.

Anyways...

"Umamin nga kayo. May kailangan ba kayong dalawa?"-me

Sunod-sunod na umiling silang dalawa. Nameywang ako at tinaasan ko sila ng kilay. Pinigilan kong matawa ng halos sabay silang lumapit sakin at yumakap.

"Disneyland tayo mama!"

"Baby, let's have a second honeymoon."

Sabay na napatigil ang mag-ama at nagtitigan ng masama. Nang walang nag back out, nagpapaawa na tumingin sila sa akin.

The Camp: He's A Secret Agent Waiter and I'm His Boss (Short Story)Where stories live. Discover now