Shot 5 ~ Electrifying ~

69K 1.1K 46
                                    

KATELINE'S POV

(PRESENT)

Nagising ako ng maramdaman kong may marahang humahaplos sa pisngi ko. Nagmulat ako ng mga mata at napangiti ng makita kong nakadukwang si Marveige sa akin at nakangiting tinititigan ang mukha ko.

Nagpalingon-lingon ako. Matagal-tagal narin pala akong nakatulog dito dahil mukhang pagabi na. Nag-iinat na umupo ako. 

Sinundan ko ng tingin ang kambal na Ice at Wynd na naghaharutang dumaan sa tapat namin. Napapitlag sila at muntik pang tumumba ng makita ako.

"What?"-me

"Mamatay ako ng maaga sayo! Omg!"-ice

"Oo nga, so super duper Omg!"-wynd

Napakamot na lang ako sa magulo kong buhok. Ang sagwa sa kanilang mag 'Omg'. Ang lalaki ng katawan nila at ang ga-gwapo pero kung maka-omg, wagas.

"Mga duwag-"-marveige

"May ahas sa likod mo!"-wynd

"NASAN?!"

Isa pa tong asawa ko na kasalukuyang nagpapagulong-gulong sa damuhan na akala mo naman mapapatay niya ang ahas kung sakali mang meron talaga. Tinawanan lang siya ng kambal at binelatan pagkatapos ay tumakbo paalis.

See that?

Parang mga bata lang. Buti na lang mga gwapo sila kaya imbis na nakakaturn off parang turn on pa para sa sambayanan ng mga kababaihan ang kakulitan nila.

"That twins!"-marveige

"Mapagpaniwala ka kase. Nasan nga pala si Triton?"

"Ayun nangugulit parin kaila Warren. I swear tatanda ng maaga si baby Dawn sa kakakulit ni Triton. Last time she threw her feeding bottle at him ng makita niya ang mukha ni Triton."

Natatawang napailing ako. Kilala naming lahat si baby Dawniella sa pagiging masungit kahit maliit pa lang siya. Bihira lang talaga siyang ngumiti. Pero hindi nakakabawas yon ng cuteness niya...bagay sa kaniya yung name niya...her face shine like a dawn kahit na sumimangot pa siya.

The Camp: He's A Secret Agent Waiter and I'm His Boss (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon