Shot 4 ~ Shut Up ~

61K 1.1K 40
                                    

MARVEIGE'S POV

(PRESENT)

Nilingon ko si Kate na mahimbing na natutulog. Nasa isa sa mga bench kami dito sa The CAMP, ayaw niya daw sa bahay at dito niya naisipang matulog. Pinagtitinginan na kami ng dumadaan pero wala akong pakielam.

Kate can always do what she wants. Kahit ano pa iyon walang problema sakin...basta wag niya lang akong iiwan.

That's the exemption.

Hindi ko alam kung nasaan ang anak namin. Ang alam ko lang naglalaro na naman yon kasama sila Hermes o kaya ay nasa bahay siya nila Warren para kulitin si Dawniella na kahit maliit pa lang ay mukhang extreme na ang inis kay Triton.

"O, bakit dito natulog si Kate?"

Si Wynter. Napangiti ako. Karga-karga niya si Freezale na bored na bored na nakatingin sa kawalan. Sa likod niya ay nandoon si Snow na nakasakay sa likod ni Phoenix at kasabay nila si Thunder na tahimik lang.

"Trip. Where's Rain?"

"HQ. Pupuntahan nga namin eh..baka nakakalimutan na niyang may mga makukulit na chiiting siya at super gorgeous na asawa."

"Impossible."

Tumawa siya.

Imposible naman talaga na makalimutan siya ni Rain. Saksi ako sa buhay pag-ibig niya..at ganoon din naman siya sakin. Kung tutuusin siya pa ang tumulong sakin para magkasundo kami ni Kate.

Masuyong tinignan ko si Kate na tulog na tulog habang inaalala ko ang araw kung saan nag 'date' kami ni Wynter.

MARIIN na pumikit ako ng masilaw ang mga mata ko sa sinag ng araw. I burried my face on the pillow pero naramdaman kong may sumipa sa kama ko. Idinilat ko lang ang isang mata ko at nakita ko si Kuya Craige na nakatayo sa paanan ng kama.

"Wake up, idiot."-craige

"Not an Idiot."

"Yes you are. Una naglasing ka ng sobra and you are way behind your limit. Pangalawa naghamon ka ng away sa isa sa guest dito sa The CAMP. At pangatlo pinahirapan mo kami ni Andreige na buhatin ka papunta dito sa villa mo na parang pinamamahayan na ng iba't ibang elemento."

The Camp: He's A Secret Agent Waiter and I'm His Boss (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon