Chapter Five

55.8K 917 77
                                    

The Intended Wife - Chapter Five

"Van, gising na," tinapik tapik ko siya upang gisingin.

"Inaantok pa 'ko."

Madaling araw na kasi siya nakauwi. Kaya ayan, antok na antok pa. Ayaw na atang bumangon sa kama. Gusto ko sana siyang pagpahingahin pero kailangan talaga namin pumunta sa anniversary nina Mommy. At saka baka magtaka pa sila kung bakit hindi ko kasama si Van kapag ako lang mag isa ang pumunta.

"Male-late na tayo, bumangon ka na. Baka hinahanap na nila tayo roon," sabi ko sa kanya.

Dumilat na siya at bumangon. Agad niyang kinuha ang cellphone at may tinignan.

"Shit!"

"Bakit?" tanong ko sa kanya.

"Kailangan ko pa pala sunduin si Yna. Ngayon nga pala 'yong event na pupuntahan niya," aniya at nagmamadaling pumunta sa banyo.

Pinigil ko naman siya, "Pero kailangan kita. Hindi pwedeng mag isa lang ako pumunta."

"Susunod na lang ako. Sabihin mo may inasikaso lang," sagot niya at tuluyan nang pumasok sa banyo.

Napabuntong hininga na lang ako at nag ayos na. Sinuot ko 'yong damit na dinala ni Samantha. Simple lang iyon ngunit maganda. Light make up lang din upang bumagay sa suot ko. Pagkatapos ay kinuha ko na ang bag at kinatok si Van sa banyo.

"Van, una na 'ko, ha. Sumunod ka na lang do'n."

Hindi na siya sumagot. Napailing na lamang ako at bumaba na. Ginamit ko ang kotse ko para makapunta sa bahay nina Mommy. Bihira ko naman magamit 'to dahil bihira rin akong lumabas.

Nang makarating ako sa bahay ng magulang ko ay ayos na ang lahat. May ilang bisita na rin doon. Mayamaya pa naman ang simula ng party. Sadyang may mga maaga lang na pumupunta. Pumasok na ako sa loob at nakita ko si Mommy. Nilapitan ko siya upang batiin.

"Mommy..."

"Anak, buti nakarating ka," sinalubong niya ako ng yakap.

"Syempre naman po. Kailan ba ako hindi sumipot?"

"Chastine, sinasaktan ka ba ni Van?" tanong niya sa akin.

Napahiwalay ako sa kanya dahil sa tanong na 'yon. Hinawakan niya ang braso ko at itinuro sa akin 'yong sugat do'n.

"Hindi niya po ako sinasaktan."

"Eh saan galing 'yan? At saka 'yang nasa mukha mo, kahit lagyan mo ng concealer ay may bakas pa rin," aniya at itinuro ang nasa mukha ko.

Dahil 'to sa sampal ni Van. May nagawa na naman kasi akong hindi niya nagustuhan. 'Yong sugat ko naman sa braso ay dahil doon sa bubog. Hindi pa kasi tuluyang nawawala.

Pilit akong ngumiti at hinawakan ang kamay niya, "Hindi niya po ako sinasaktan. Si Mommy naman, parang hindi kilala si Van. Alam mo namang hindi niya ako kayang saktan."

"Mabuti naman kung gano'n. Nag iisa ka naming anak at ayokong nasasaktan ka."

Napangiti ako sa sinabi ni Mommy. Siya ang iniidolo ko sa pagiging asawa at ina. Mapagmahal siya at maalaga. Lahat ng ginagawa niya'y hinahangaan ko. Gusto ko 'yong paraan ng pagsisilbi niya kay Daddy.

Nag kwentuhan lang kami ni Mommy. Napatigil kami nang dumating na si Van kasama ang magulang niya. Tumayo ako at tumabi sa kanya. Inakbayan naman niya ako at ngumiti sa magulang ko.

"Happy Anniversary po Ma, Pa," bati niya.

"Salamat, hijo," sagot ni Mommy. Pagkatapos ay nag usap na ang magulang namin.

The Intended Wife (Completed) [Published on Dreame]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon