First day of classes. like what the hell. stress na ako sa kakahanap ng classroom ko.
"Chris!"
pagtingin ko sa likod ay si bestfriend pala.
"Rezzy!" tawag ko sakanya habang tumatakbo. Bigla ko siyang hinug kasi sobrang namiss ko siya. wala kasi siya dito nung summer.
"ay, wow bongga naman ng grand entrance ko" sabi ni Rezzy habang tumatawa.
"gaga" sabi ko habang tumatawa rin.
"asan ang section 2 na classroom sa fourth year? kanina ko pa hinahanap." sabi ko
"shunga, hindi mo pa ba nakikita? ayan na sa likod natin." sabi ni Rezzy.
"sorry naman." pumasok kami at umupo ako sa may hulihan at si Rezzy umupo sa unahan ko. ang hirap naman pakisamahan ang mga kaklase ko parang antaray.
ako si Christer Vega ang magandang babae sa buong mundo, joke hahaha. 16 years old na ako at ang bestfriend ko si Rezzy Lopez. Maniniwala ka ba saakin kung sinabi kong ayaw ko magkaroon ng rationship with boys?Hindi rin ako naniniwala sa happy endings. Ang mommy ko ay nasa states ang daddy ko ay nasa Bulacan kasi inaasikaso niya ang business niya.
pumasok na si sir namin at inintroduce niya ang sarili niya.
"ok, class this is your new classmate." sabi ni sir
"My name is Dominic Reyes" sabi ng lalaki in a cold tone. ang gwapo niya. chris, wag ganyan.
"you can now find your own chair "sabi ni sir
ang gwapo niya talaga. may pierce siya! whaaaa! kilig ako!
umupo siya sa tabi ko at linagay ang backpack niya sa likod niya.
"hi, bakit dito ka umupo sa tabi ko?" may pagka fc rin ako minsan noh?
"Gusto ko." sabi ni dominic. ano ba naman yan ang cold niya.
"ano nga? pleasee" pagmamakaawa ko sakanya.
"ok fine, ang ganda mo kasi"
ano daw? maganda ako? sh*t mamamatay na ako sa kilig.
"sigurado ka?" tanong ko ulit sakanya.
"Joke ko lang yun. wag ka masyadong maniwala." sabi ni dominic.
nawala tuloy ang pagkakilig ko dahil sakanya
"Andami mo atang nakain na yelo. ang cold mo kasi eh." habang natatawa king sinabi.
hindi siya umimik
"ayy grabe ang maldito."
hindi parin siya sumagot sa sinabi ko. pagkatapos ni sir mag explain ng classroom rules ay nag ring na yung bell wich means recess na. half day kami ngayon kasi first day of school pero the next day ay whole day na.
"Chris!"
"Ano ba Rezzy nakakagulat kanaman."
"eh kasi nga nakatulala ka na jan, recess na talaga kanina pa."
"ayy talaga?" sabi ko habang tumatayo sa upuan ko.
"halika na." yaya ko kay Rezzy.
lumabas kami ng classroom at dumiretso sa canteen namin.
"Chris, lakad lakad tayo mamaya."
"Try ko Rezz kasi wala naman tayong pasok mamaya."
"oy btw, bagay kayo ni Dominic." sabi ni Rezzy saakin habang naka smile, sa karami-rami ng lalaki sa mundo si Dominic talaga ang pinili niyang ibagay sakin.
"si Dominic? Bagay sakin? yucks. hindi ako mafafall sa lalaking walang respeto."
"pero deep inside, kinikilig siya, ayiee." sabi ni Rezzy sakin habang tumatawa habang kumakain ng Fries niya.
"ayoko sakanya. ayokong magka boyfriend and ayokong magkacrush."sabi ko
"Hindi natin maiwasan na hindi magka boyfriend at magka crush. gets mo? bakit? anong ayaw mo sakanya, gwapo na nga inaayawan mo pa."
" eh basta ayaw ko sakanya."
aaminin ko nagwagwapuhan lang ako sakanya but it doesn't mean na crush ko siya.
ESTÁS LEYENDO
Default Title - Write Your Own
FanfictionChrister Vega is a 4th year high school student that doesn't believe in happy endings, suddenly Dominic Reyes appeared. An arrogant guy,Christer find out that Dominic has an ex from the past that he still loves, will the love story between christer...
