Chapter Eleven

1.4K 80 14
                                    

AUTHOR'S NOTE

Sorry sa delay. May mga inasikaso akong importante. 

BTW, aminado ako na kulang sa detalye ang lugar na naka-feature sa Chapter na ito. Aayusin ko ito pagdating sa eBook version dahil I have enough time to improve that.

Next time na lang po ang mga ibang bagay. ^_^

MARAMING SALAMAT PO!

MAY MGA TYPO'S AND PROBABLY GRAMMAR ERROR ITO. 'DI KO PA NA-EEDIT DAHIL MEDYO BUSY PO AKO. SA BOOK VERSION (SOON IN BUQO), NANDOON PO ANG EDITED VERSION AND BETTER VERSION. (May mga bonus clip and scenes din po akong balak idagdag doon so kung gusto niyo pong mabasa, I suggest you get a copy po once na available na.)

======================================================

BY: White_Pal

FB: https://www.facebook.com/gabriel.montenegro.35
TWITTER: https://twitter.com/gabby_whitepal
BLOG: https://gabbysreroute.wordpress.com


CHAPTER ELEVEN

RAY:  

Nakita ko siyang nakangiti sa akin habang nakahawak ang dalawa niyang kamay sa strap ng pulang backpack. Anong nginingiti-ngiti ni loko? Tsk! Patuloy akong naglakad.

"For the first time late ka ah." Sabi ni Rome sabay kindat nang makalapit ako.

"I'm not late. Wala tayong sinusunod na oras."

"Wow! So it means matagal-tagal kitang ma-sosolo?" sabay ngisi.

"Asa. Oh siya, maglakad ka na palabas nang umusad na ang tour na ito." Sabi ko sabay muwestra sa kanyang maglakad palabas ng entrance ng hotel na gawa sa salamin.

Tahimik. Naalala ko ang mga bulaklak na dumating kaninang umaga sa kwarto ko, ito ang dahilan kung bakit naalintana ang pagbaba ko. For five straight days may nagpapadala ng bouquet sa akin! Gusto kong itanong sa kanya kung siya ba nagpapadala ng mga ito, pero ayoko namang isipin niya na assuming ako. Bwisit! Bakit kasi di na lang magpakilala kung sino man iyon!

Bumukas ang pinto ng hotel, sumalubong sa amin ang malamig at malinis na simoy ng hangin ng Osaka. Inhale, exhale. Ang sarap! Kahit langhapin mo ng paulit-ulit ang hangin dito sa Japan ay, siguradong hindi mapapaaga ang pagkamatay mo dahil napakalinis ng hangin, unlike sa pinas.

"Sweet naman natin parehas pa tayo ng kulay ng backpack." Sabi niya sabay tapik sa backpack ko. Umikot ang mga mata ko. Lakas ng trip nito ngayong araw ah.

"Sweet ka 'dyan."

"Oo. Tapos parehas din tayong naka-blue na shirt." Sabi niya sabay kindat. "We're like a couple." Bumakat sa mukha niya ang malalim na dimple.

"Ewan ko sa iyo. Tawagan mo na nga taxi para makarating na tayo sa train." Sabi ko sabay abot ng cellphone sa kanya.

"Ha!? Wala bang bus or private vehicle."

"Wala. Sabi ni Mr. Kyou na since educational trip mo ito, magandang maranasan mong mag commute sa Japan."

Tumango siya. "Mas pabor sa akin iyan. Adventurous kasi ako, at mukha namang ganoon ka rin."

"Yes I am."

"Ayun! Perfect match talaga tayo!" masaya niyang sabi. Tiningnan ko siya, abot tenga ang ngiti ni loko. Ang lakas ng tama niya ngayong araw, napaka-hyper. Namumuro na ito ah! Gustuhin kong mainis sa mga 'di nakakatuwang banat niya pero di ko na lang pinansin. Mahaba pa ang araw na ito at ayokong masira iyon.

Dear Stranger (Pinoy BoyxBoy)Where stories live. Discover now