CHAPTER 6: COMMONER

Start from the beginning
                                    

''Buti aware ka na Barbie ka?'' sagot ko sakanya.

''Kase, maganda ako.'' umiling iling ako ng sabihin niya yun. Ang hilig niya talagang mag buhat ng upuan. Walking barbie doll? Tss..

''Ahh, maganda ka? Siguro.. Pero kase kung hindi ako nag kakamali, ang barbie gawa sa plastic materials.''

''So you're saying na plastic ako ganun?''nag shrug lang ako. Slow din pala siya e.

''Ang kapal talaga ng mukha mo.'' nang gagalaiti na ito sa galit.

Sasagot pa sana ako, pero natigilan ako ng biglang dumating sina Dionne.

''Here oh! Try mo to.. Coffee Jelly.'' nakatingin lang sa akin si Nicoline. Pero nginingitian ko nalang ito. Hindi ko sisirain yung araw ko ng dahil sakanya.

15 minutes later, tahimik lang ako dahil hindi ko alam yung pinag uusapan nila. Tungkol sa mga gadgets at sasakyan topic nila.

''Aome, yung frappe mo.'' inabot yun sa akin ni Sarah.

''Thank you..'' ng aabutin ko na yun biglang nag salita si Nicoline.

''Next time nga pag nag coffee tayo, tayo-tayo lang. Huwag kayong mag sama ng P.A'' sabay tingin nilang lahat sa akin.

''Opps, sorry hindi naman ikaw ang tinutukoy ko Aome. Pero para sayo talaga yun.'' sabay tawa ni Nicoline. Napayuko nalang ako. Para kasing napipi ako bigla, pero gustong gusto kong sabunutan tong gawa sa plastic material na babaeng to.

''Nicoline, huwag ka ngang harsh.'' sabat naman ni Sarah.

''Totoo naman e, she's so mahirap. Hindi ko nga alam bat natitim-tim ni Dionne yang si Aome. Wake up Dee, hindi kayo mag ka level kaya dapat hindi mo siya sinasamahan baka mahawa ka lang. Tignan mo yang suot niya. Parang damit ng mgaa maids namin.'' Mag isa siyang tumawa samantalang yung iba nakatingin lang sakanya.

Dun sa sinabi niyang yun, aminado ako na nasaktan ako. Tuloy pa rin ito sa pag tawa. Sige lang, laitin mo pa ako.

''Hindi naman porket mahirap kami, di naman kailangan na ipamukha sa amin na dukha kami. Atleast kahit mahirap kami, alam namin yung salitang respeto, at may manners kami. Ikaw? Naturingan ka ngang mayaman, pero hindi mo alam yung salitang respeto. Aalis na ako, salamat nalang sa kape.'' Tumayo na ako at tuluyan na akong lumabas. Tinatawag nila ako pero hindi ko na sila liningon pa.

Para saan pa? Para laitin ulit ako ni Nicoline? Asar yung babaeng yun, akala mo kung sino! Pag ako yumaman, papagawa ako ng swimming pool na gawa sa kape! Papainom ko lahat nun, sakanya.

ABCDE

''Tignan mo kung anong ginawa mo!'' mainis-inis na sabi ni Dionne.

''E bakit totoo naman yung sinabi ko e, tsaka hello baka anong isipin ng mga family friends natin kung kasama natin yung dukhang yun. Yuck lang!''

SECTION ABCD [COMPLETE]Where stories live. Discover now