Chapter Two ~ AMOABH

49 2 0
                                    

“Beb! Punta tayo ng park ha!. Antayin kita dun okey?”

Tsaka pinatay na ni Travies yung tawag. Loko talaga yun. Di manlang nag-iloveyou sakin.

Humarap ako sa salamin para ayusin ang sarili ko. Simpleng White Mustache T-shirt lang ang suot ko at faded jeans. Naalala ko yung sinabi ni Mommy kahapon.

“Your boyfriend? You better broke up with him as soon as possible.”

Kaya ko ba? Nagkita na pala kami at nagkakilala ni Matthew Evans na yun. Gwapo naman sya. Well-built. Perfect smile and perfect set of teeth. Matalino. Kung sa iba ito ipapakasal for sure, walang tatanggi. Mala-artista kase si Matthew. Pero, mas lamang padin dun yung Travies ko. Kahit may pagka isip-bata yun Mahal na mahal ko siya. Umupo ako sa harap ng salamin. Anong sasabihin ko kay Travies? Panu ako magpapaliwanag? Kaya ko bang iwan sya? Umiiyak na naman ako. Hindi dapat ito nangyayari sa amin. Tumunog yung cellphone ko. Pinunasan ko muna yung luha ko bago tinignan kung sino nagtext.

“Beb, asan ka na? Matagal ka pa ba?”

I smiled and cried as well. Im going to Miss Him :’(

“Im sorry beb kase, nangyayari satin to. Mahal na mahal kita.”

I said to myself. Tsaka lumabas na ko ng kwarto. I hurried to my car and dumiretso sa park. Pagdating ko, nakita ko syang nakaupo sa damuhan. Medyo madilim na nun kase 5pm na. I walked towards him tsaka tinakpan yung mata nya. He giggled and kissed my hands. Umupo ako sa tabi nya. hawak-hawak nya padin yung kamay ko. I will miss this scene :(

“Tagal mo beb. Tunaw na Buko Shake natin. Tsk”

Inabot nya sakin yung Buko Shake at Popcorn.

“Beb? Bakit may Popcorn? Manunuod ba tayo ng Movie?”

He just stared at me and smiled.

“Oo beb. Humingi kase ako ng replays kay God. Tignan mo sa taas, papanuorin natin kung panu tayo nagsimula.”

Tsaka,tumingin sya sa langit.

“Ayun beb oh! Nakita mo yun kung panu mo ko titigan dati? Nakakatakot. Para kang galit. Hahaha”

Mamimiss ko yung kakulitan nya. Pano na ko pag wala si Travies. Magagawa ba to ni Matthew? Ayoko syang iwan Lord. Sana, may time Machine. Sana di nalang ipinanganak yung Matthew nayun. Sana magbago isip nila Mom and Dad at hayaan nalang ako kung kanino ko gustong ikasal. Pero, kelangan to mangyari. Kahit mahirap. Kahit Masakit. Mas madali kapag mas maaga naming tatapusin to kesa tumagal pa at lalong mas mahihirapan at masasaktan kaming dalawa T_T

“Beb, just like the other movies, we also have an Ending.”

Malungkot kong sambit sa kanya pero parang wala lang yun kay Travies. Nakatingin padin sya sa langit at nakangiti.

“Wag mong isipin yan beb. Sabi ko kay God, ibahin yung movie natin. Yung tipong walang Ending.”

Then he put his arm on my shoulder tsaka inilapit pa ako sa kanya.

“What if, hindi ganun ang mangyari beb? Panu kung talagang kelangan na nating maghiwalay ngayon?”

Lumayo sya sakin. Tsaka tinignan ako ng nakakunot ang noo.

“Bakit mo ba pinagsasabi yan Beb? Bakit pa kelangang maghiwalay tayo? May kasalanan ba ako sayo? Sorry na beb. Wag ka ng magalit. Hindi ko kayang iwan mo ko”

Hinawakan nya yung kamay ko ng mahigpit.Ako din naman beb eh, hindi ko kaya. Pero kelangan :’( Yumuko ako. He shouldn’t see me crying.

“Kelangan kase Travies eh. Mahirap ipaliwanag. Hindi ko alam kung paano. Sana lang wag mong isipin na may iba ako. Mahal na mahal kita Travies. Kaya lang kelangan nating maghiwalay para wag na tayong mahirapan pa.”

I was crying while saying those words. Di ako makatingin sa kanya kase, nagi-guilty ako. Binitawan nya yung kamay ko tsaka tumayo.

“Sige, ikaw ang bahala. Sana, di mo nalang ako sinagot para di ako umasa. Sana di nalang kita nakilala.”

At tuluyan na syang umalis. Mabilis yung pagtakbo ng Motor nya. Sana Lord, walang mangyaring masama sa kanya. Galit sya sakin. Di ko sya masisisi. Kung alam nya lang sana na nahihirapan din ako. Pumasok ako sa kotse ko at doon umiyak ng todo. Ang sakit. Ang sakit-sakit. Sobrang Sakit TT__TT

“Hoyyyy!! Nika! Tulaley ka na naman dyan.”

Si Ashley yun. Nasa Park kami ngayon. Kung saan kami naghiwalay ni Travies. Nakaupo kami ngayon sa bench at kumakain ng pizza. I mean, si Ashley lang yung kumakain ng Pizza.

“Huh?”

“Huh ka dyan! Huhmpasin kita eh. Ano na naman ba iniisip mo?”

“Ah-eh, wala ash.”

Tsaka yumuko ako. Tears again. Ang hirap talaga magmove-on. Isang taon akong nagpapakaEMO sa sitwasyon ko. Grabe lang talaga.

“Wala daw. Bat ka umiiyak. Naalala mo na naman si Travies ano?”

Hindi ako sumagot. Suminghot lang ako. I was crying so hard TT__TT

“Oh eto Friend, panyo. Iiyak mo lang yan. Naiintindihan kita.”

Then she hugged me. I even cried so hard. Nasasaktan padin ako.

“K-k-kamusta n-n-na k-k-kaya s-s-sya A-a-ash?”

I said between my tears. I miss him so much.

“Sana, okey lang sya Ash noh? I cant bare to hear na may masamang nangyayari sa kanya. I miss him so much. Sana, di na sya galit sakin Ash.”

I calmed myself. Medyo okay na din yung pakiramdam ko.

“Okay ka na?”

I nodded and wiped my tears. I tried to smile kaso hinampas ako ni Ashley.

“Ouch !! What was that? Ang sakit ha!”

“Dont try to fake a smile Nika. Hindi bagay. Halatang pilit eh.”

That got me. I am used to smile. Especially with Travies. Puro kalokohan lang kase alam nun eh. He never fails to make me smile. And I miss it so much.

“Oh, anu na naman iniisip mo dian?”

I heaved a sigh.

“Tingin mo Ash, Galit pa sakin yun?”

“Ewan? Bakit di mo nalang kase ipinaliwanag yung dahilan Nika? Im sure he’ll understand naman.”

I looked away and looked at the sky.

“God knows how much i wanted to tell him but i just cant. Ayokong isipin nya na hindi ko sya kayang ipaglaban. Na ipinagpalit ko lang sya sa iba.”

“So kelan mo sasabihin? Pag kasal na kayo ni Matt? That would be extra painful for him.”

“I dont know Ash.”

“Speaking of Matt. He’ll be coming tomorrow diba?”

“Yeah. We will pick him at the Airport. Sama ka? Im bringing my car.”

“Sure.”

Then she smiled. I love this girl. Sya lang yung hinihingahan ko ng lahat ng problema ko. Sya lang yung tanging nakakaintindi sa akin. Please dont take her away from me dear Lord. Ikakamatay ko na yun.

Si Matthew pala, dadating bukas. Bakasyon kase ngayon. One more year and were getting married. Saklap >.< Napagkasunduan na tuwing bakasyon we’ll be together. Sa bahay sya titira and worst, iisang kwarto kami. Acting as Husband and Wife na daw kami para masanay. Ang awkward lang talaga. Wala naman akong choice kundi ang pumayag T_T

A Memory Of A Broken HeartWo Geschichten leben. Entdecke jetzt