"Aga!!! Oh my god, I missed you so much!"

Niyakap ko siya ng mahigpit. Narinig ko naman siyang tumawa at niyakap niya ako pabalik. I looked at him, ang lawak ng ngiti ko dahil ang tagal ko siyang di nakita.

"Hi, Agnes." We both laughed. I slapped his arms playfully at hinila ko siya paupo sa tabi ko.

"Grabe, ang tagal mong nawala, Jerry! May iba na ba?" Pagbibiro ko. Ngumiti naman siya at tumingin saakin. He shook his head.

"Wala. Faithful ako sa'yo, Babes." Kinindatan niya ako. Namula tuloy 'yung pisngi ko. Ay lande. Pero seryoso, crush ko 'tong si Aga. Hehehehe.

"Sus!" I rolled my eyes. "Nakita ko nga meron kang kasamang babae eh."

"Haha! Ini-stalk mo ako, ha, babes?" Pinisil niya ang kaliwang pisngi ko. Napangiti tuloy ulit ako.

"Ang kapal mo ha. Hindi kaya kita ini-stalk."

Tumagal pa ang usapan namin. Hindi na nga namin namalayan na tapos na 'yung wedding. Bigla din nawala sa isipan ko na kasama ko pala si Bamboo. But it's okay, I know he'll understand. Alam naman niyang... Nevermind.

8:00 PM na ng napagpasyahan na naming umuwi ni Bamboo. Tahimik lang siya habang nagd-drive. Saktong traffic kaya nakatigil kami. Dun nalang ako kumuha ng tiyempo para tanungin kung bakit nagiba ang mood niya ngayon. Ang seryoso kasi niya. Alam kong may problema siya, ayaw nga lang magsalita. Tsk.

"Bamboo? Why so tahimik?" I pout my lips, nagpapacute. Baka sakaling bumalik na 'yung mood niya kanina. Pero mali ako, tumingin siya saakin pero ang lungkot ng mata niya at halatang walang gana.

"Ha? Wala, wala lang ako masabi." He said and smiled. Nagiwas tingin agad siya pagkatapos niyang sabihin 'yun. I let out a sigh. Hinawakan ko ang kamay niya.

"Alam kong meron eh. Bakit ka ganiyan?" Pagtatanong ko ulit. Narinig ko ang mahinang pagbuntong hininga niya bago niya ako harapin. Halos di gumagalaw ang mga kotse sa harapan namin sa sobrang traffic. He cupped my face and kissed the tip of my nose.

"Wala nga po, okay? Pagod lang ako." Ginulo niya ang buhok ko na parang bata. Yumakap nalang ako sakaniya ng saglit. Maybe I'm just paranoid. Siguro nga pagod lang siya. I kissed him smack. After 1 and a half hour nakarating narin kami sa condo ni Bamboo.

Lea Salonga: Bwahahahahahahaha!!! Alam mo 'yan, babes. Mahal kita. Aga Muhlach.

Aga Muhlach: Alam mo din 'yan, babes. Mahal din kita. Haha!

Halos kami lang ang magkausap sa isang post ni Aga. We're talking about SMM. Nanonood kasi ako ngayon sa TV, Sana Maulit Muli. 'Yung na-restore na. Makahinga si Bamboo sa lap ko, nanonood din siya pero blanko lang expression niya.

"Hey. Are you okay?" Pinisil ko ang ilong niya. Tumingin siya saakin at ngumiti.

"You really love Aga, 'no?"

Ewan ko, pero ramdam ko ang kalungkutan sa boses niya ng sinabi niya 'yun. Di ko tuloy maiwasan ang maguilty, kasi alam naman niya simula palang na si Aga na ang mahal ko.

Yes, he's my ex boyfriend. Hindi ko lang sinasabi at patuloy kong dini-deny kapag may nagtatanong. It's just that, ayoko lang balikan ang nakaraan. Na-explain ko 'yun kay Bamboo bago namin ito pinasok. And he's fine with it. Naiintindihan niya.

"Bambs? Alam mo naman, diba?" I bit my lower lip ng mas lalong lumungkot ang mata niya at ngiti niya. Tumango naman siya.

"Masaya ka sakaniya?" Tanong niya.

LeBoo One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon