"Hoy buksan iyo na daw yung pinto nandyan na si Amo"

Yosh! Nangangati na kamay ko sa pagsuntok sa mukha ng mga kulugo na ito.

Naramdaman ko ang pagluwag ng tali sa kamay ko. Napangiti ako. Bumigay na rin siguro dahil kanina ko pa ginagalaw at iniikot-ikot ang kamay ko.

Dali-daling itinulak pataas ang steel door. Pumasok ang isang itim na big bike.

Bakas sa motor niyang may ibubuga sa buhay ang lalakeng ito o baka naman nakaw niya lang iyan? Hindi ko alam at lalong wala akong pakialam.

Bumaba ang isang matangkad at makisig na lalake, tansya ko mga anim na pulgada ang taas niya.

Hindi ko pa man nakikita ang mukha niya iba na ang pakiramdam ko sa kanya. Mayroon siyang aura na mahirap maipaliwanag.

Maangas.

Kaagad niyang tinanggal ang helmet niya at napamura ako ng matindi sa utak ko.

Hanep!!! Hindi ko makita ang mukha niya, against the light kasi siya, kung mamalasin ka nga naman tanging silhouette lang ang nakikita sa kanya pero kumikinang ang Cross niyang hikaw sa magkabilang tainga.

"Amo kanina----"

"Where?" Ang lalim ng boses niya. Iyong tipong lalakeng-lalake ang datingan. One word and all of them get agitated.

"N-Nandoon po siya Amo sa-----" He walks straight to me without even listening to his subordinate.

Every sound of his footsteps matches my heart beat. I can feel the chill of excitement in me. We stared at each other; I guess, di ko naman maaninag ang mukha niya dahil madilim basta ang alam ko lang nakaharap siya sa akin ngayon. I don't understand this feeling as if there is something inside my stomach that wants to come out. Tatkte hindi naman siguro dahil naparami ang kain ko? Sh*t huwag naman sana akong magkalat dyahe naman oh!

"What the fvcking hell is this?" malumanay niyang tanong sa mga kasama niya habang nakaturo ang isang kamay niya sa akin.

Napahinga ako ng malalim sa sobrang pagkainis. Nararamdaman ko na sa reaksyon palang niya. Nakakairita talaga.

"Iyong babaeng pinapahanap niyo---"

"Fvcktard!" sigaw niya dito. " Are you stupid or what? Can't you see the difference? It's just a simple job yet---Hssh! That wasn't her!" napahinga siya ng malalim. "Useless dummies you're wasting my fvckin time here!"

Naging gloomy ang atmosphere dahil sa pagsigaw niya. Para bang dumagundong ang abandonandong building na ito sa lakas ng boses niya.

"Clean this fvckin' mess!"

"Opo Amo!!"

Muli niya akong tinapunan ng nakakanginig balahibong tingin at napailing, he wears his helmet and get on his bike then leave.

Damn! Bakit pakiramdam ko rejected ako? Ano maling kuha pakibalik kasi damage? Ganun-ganon nalang iyon? Lokong iyon! Pero mas loko itong mga hinayupak na ito.

Imbis na nagpapatrol ako ngayon ito ako nangangalay kakaupo dito at sumasakit ang kamay dahil sa pagkakamali?

Nag-iinit ang ulo at kumukulo ang dugo ko. Ayaw ko pa naman sa lahat yung nasasayang ang oras ko.

Palapit na yung siyam sa akin at talagang nakahilera pa sila.

"Ano na ang gagawin natin sa babaeng iyan?" Busangot ang mukha niya at napapakamot ng ulo.

Napataas ang kilay ko sa tono ng boses niya. Ano kasalanan ko pang mali-mali kayo?

Tiningnan nila ako. Naningkit ang mata ko ng makita kong kakaiba ang titig nila sa akin.

The Gangster's Princess (Edited Version)Where stories live. Discover now