[ I L ] Eksolusyon Park

Mulai dari awal
                                    





Grabe iba talaga tong si Ms. Im Bhurnal. Wala na ko masabi. Nakuha naman ng atensyon ko ang selpon kong nagvibrate. Kahit di ko pa natitingnan kung sino ang nagtext ay alam ko na kaagad. 


Tiningnan ko na at hindi nga ako nagkakamali, si Sehun.


From: Breadstix

Mamaya, sa Park. Don't forget.



To: Breadstix

Oo na. Kumalma ka.





Paano ba naman kase, simula kanina pang umaga text ng text tong si Sehun. Pinapaala niya sakin yung usapan namin. Hindi naman halatang masyado siyang excited no? Paulit-ulit eh. Akala mo naman mawawala ako at pupuntang ibang planeta. 





Umalis muna si Ms. Im Bhurnal dahil may nalimutan daw siyang dalhin. "Nakakunot na naman ang noo mo Luhaen" Napalingon ako kay Dyo. "Si Sehun kase ang kulit-kulit" 



Ngiting wagas naman si Dyo at Shomen sakin. Yung tipong abot tenga na ang ngiti nila. Ang creepy. Ilayo niyo na ako sa kanila please.




"Wag kayong ganyan may usapan lang kami mamaya na magkikita sa Park" inayos ko na ang mga gamit ko para diretso alis na mamaya dahil malapit na rin naman matapos ang klase.





"May date kayo?"





"Ulul hindi yun date. Sa rule namin yon"





"Well ganun na rin yun" Humalakhak sila. "Goodluck mamaya friend" Tinapik nila ang balikat ko at sinamaan ko lang sila ng tingin. 



---


Naglalakad kami ngayon sa Eksolusyon Park kung saan maraming nagkalat na kung anu-anong mga pagkain. Street foods kumbaga. May playground din at malalaki ang mga puno dito na siyang nakatulong sa masarap na simoy ng hangin. Magandang magmuni muni dito lalo na kapag gusto mong makapagisip isip sa mga bagay. 




Pero hindi iyon ang pinunta namin dito. Remember nung natalo na naman ako kay Sehun dahil sa pagmumura? So eto na yun at kailangan ko na nga siyang ilibre ng paborito namin. 

Indubitable Love [HunHan FF]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang