Chapter 1: The First Kill

Start from the beginning
                                    

" 'Tang ina! " sabi ng holdaper sabay bitaw sa dalaga para tumakbo, tangay tangay ang cellphone nito. Di na niya nakuha ang bag ni Stella sa pagmamadali. Nakita ni Stella na hinabol ng dalawang guwardiya yung lalake habang yung isa naman inalalayan siya.

" Mam okay lang ho ba kayo mam? Di po ba kayo nasaktan? " tanong ng guard sa kanya.

" O-okay lang ako, " nangangatog ang boses na sagot ni Stella.

" Baka gusto nyo pong magpunta sa mga pulis, sasamahan ko na po kayo mam, " dagdag ng guwardiya.

" H-hindi. Okay lang a-ako, " ninenerbyos pa rin na sagot ng dalaga. Dali dali itong pumasok ng kotse at mabilis na pinaharurot ang sasakyan. Naiwan ang guwardiya sa parking na nagkakamot ng ulo.

Makalipas ang sampung minuto ay nakarating ang dalaga sa restaurant na pinag-usapan nila ng ka-date niya. Dali dali itong naghanap ng bakanteng slot sa parking nito. Dahil nga sabado, puno ang restaurant at puno rin ang parking area kahit pa na may kalakihan ito. Ilang ikot rin ang ginawa ni Stella bago ito nakahanap ng bakante.

Nakakita ito ng space sa may pinakagawing likuran ng parking. Medyo malayo layo kung saan ang entrance ng establishment pero yun lang ang nakita niyang bakante. Mabilis niyang pinarada ang kotse sa isip na baka maunahan pa siya ng iba.

Ilang minuto ring nakaupo si Stella sa driver's seat. Nanginginig pa rin ang mga kamay na nakahawak sa manobela dahil sa nerbyos sa nangyari kanina. Naalala niya ang ka-date niya. Hinagilap ang cellphone para matext ito pero naalala niya na natangay nga pala iyun ng holdaper. " Shit! "

Tiningnan niya ang sarili sa salamin ng kotse. Nagulo na ang dating maayos na buhok. Smeared na rin yung mascara nya dahil napaiyak siya sa takot kanina. Hindi pwedeng makita siya ng date niya na ganun ang itsura. Dali dali niyang hinagilap ang bag para kumuha ng gamit sa pag-aayos. Nakita niya ang bag sa sahig ng kotse. Marahil nahulog ito sa bilis ng pagpapatakbo niya ng sasakyan kanina. Tinanggal ni Stella ang suot na seatbelt at yumuko para maabot ang bag na nasa sahig. Di niya namalayan ang isang anino na dahan dahang kumikilos sa backseat ng sasakyan.

Dinampot niya ang bag at umayos uli sa pagkakaupo ng biglang may humablot sa buhok niya galing sa likuran at hinampas ang ulo niya sa manobela. Mabilis ang mga pangyayari na ikinagulat ng dalaga. Naramdaman na lng ni Stella na may dugong umaagos galing sa noo niya. Mahilo-hilong inangat niya ang ulo at pinilit na tiningnan sa salamin ang taong umatake sa kanya. Umiikot ang paningin dahil sa pagkahilo sa pagkahampas, hindi makita ni Stella ang itsura ng tao na nasa likuran. Masyado ring madilim sa loob ng kotse dahil medyo madilim din ang parte ng parking kung saan siya nakaparada.

Ganun pa man, pinilit pa rin ni Stella na maaninag ang taong iyun. Nanlaki ang mata ng dalaga ng makita na lng niya ang dalawang pares ng kamay na nakaitim na leather gloves na may hawak hawak na patalim. Bago pa man ito nakagawang sumigaw, tinakpan ng taong yun ng kaliwang kamay ang bibig niya at ang kabilang kamay ay hawak hawak ang patalim na nakatutok sa leeg niya.

Malamig ang pakiramdam ng patalim sa balat niya. Nanlalamig rin ang buong katawan ni Stella. Nang mga sandaling iyun, may dumaan na isa pang sasakyan sa harapan niya. Maliwanag ang ilaw ng sasakyan. Sapat para makita niya ang itsura ng tao sa likod mula sa salamin ng kotse. Lalong nanlaki ang mata ni Stella ng makita niya ito. Sabay gilit ng attacker sa leeg ng dalaga.

••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

Napabalikwas mula sa pagkakahiga si Bea. Pinagpapawisan ito ng malamig. Pumanatag ang loob ng marealized nyang panaginip lang pala ang lahat. Hinihingal nitong inabot ang switch ng lamp shade na nasa gawing kaliwa niya. Bahagyang lumiwanag ang loob ng kuwarto niya. Tahimik ang paligid. Tanging tunog lang ng orasan ang naririnig ng dalaga. Tiningnan niya ang oras. 5:30 na ng umaga. Ilang minuto na lang magsisimula ng lumiwanag sa labas.

Shhh... Wag Kang SisigawWhere stories live. Discover now