Chapter 1: The First Kill

Magsimula sa umpisa
                                    

" O sige. Magpapaiwan muna ako dito. Marami pa akong tatapusing trabaho, " sagot ni Tess.

" O sige na. Kita na lang uli tayo bukas. Bye!, " paalam ni Stella kay Tess habang palabas ng opisina nila. Nakita nyang pasara na yung elevator at tinangka nya itong habulin. " Teka sandali! " Pero di na nya ito naabutan dahil tuluyan na itong nagsara.

" Naman o, " inis na sabi niya. Tumungo siya sa kabilang elevator para sumakay. Walang ibang sakay ang elevator. Pumasok ito sa loob at pinindot ang basement floor kung saan nakaparada ang kotse niya. Nasa top floor ng isang 25 storey building sa Makati yung opisina nila kaya medyo malayo layo rin.

Chineck ni Stella yung sarili sa salamin ng elevator. Tiningnan kung maayos ba yung buhok niya at make-up. Siyempre gusto nyang maging maganda sa date niya ngayon. Nang biglang tumigil ang elevator. Napahawak sa Stella sa handle ng elevator dahil muntik na itong matumba sa biglang pagkahinto nito. " Shit! ", sambit ng dalaga. Lalo pa itong natakot ng biglang nagpatay sindi ang ilaw sa loob ng elevator.

" Shit shit shit!, " natatakot na sabi nito habang paulit ulit na pinipindot ang open button. Tumingin ito sa taas at nakita niyang nasa gitna siya ng 11th at 10th floor. Pinindot niya uli ng paulit ulit ang lahat ng elevator buttons sa nerbyos. Nahimasmasan siya ng biglang bumalik sa normal ang ilaw at naramdaman niyang gumagalaw na uli pababa yung elevator.

" Letseng elevator to ah!, " sabi niya sa sarili. " Palibhasa luma na tong building na 'to. Di man lang maipaayos ng may-ari. " Sa isip isip niya pinamamadali niya yung elevator na makarating sa basement sa takot na baka matrap siya sa loob. Tuluyang pumanatag ang loob ng dalaga ng marinig nyang tumunog ang elevator, hudyat na nakarating na siya sa basement. " Hay salamat. " Dali dali siyang lumabas ng elevator.

Tahimik ang basement. Palibhasa sabado ngayon. Halos lahat ng opisina ay half-day lang nagbubukas. IIlang opisina lang ang nagbubukas ng whole day pag sabado sa building na ito, kasama na ang opisina nila Stella. Kokonti lang ang mga nakaparadang sasakyan sa parking lot ng basement. Naglakad si Stella papunta sa kotse niya. Dahil tahimik ang lugar, tunog lang ng high heels niya ang naririnig niya. Malapit na siya sa kotse ng biglang may narinig siyang kaluskos at ingay sa may likuran niya.

" Sino yan? " tanong niya. " May tao ba dyan? "

Walang sumasagot. Nakakabinging katahimikan. Halos lumukso ang puso ni Stella ng biglang tumunog ang cellphone niya na ikinagulat niya.

" Shit, " sambit nito sabay halukay sa cellphone nito sa loob ng bag. Binasa ng dalaga ang dumating na text habang naglalakad papalapit sa kotse niya. In the restaurant now. See you in 15 minutes - Michael.

Napangiti si Stella. Alas 6 ang dinner date nila ng kausap niya at quarter to 6 na. Tamang tama dahil malapit lang sa building nila ang napag-usapan nilang bagong bukas na restaurant. Papasok na sana ang dalaga ng biglang may humablot sa kanya galing sa kanyang likuran at idiniin siya sa may pintuan ng sariling sasakyan. Naramdaman na lang nya na may matulis na bagay na dumampi sa may gawing likod niya. Isang patalim. " Wag kang kikilos ng masama miss. Holdap 'to. " sabi ng isang boses lalake.

Sinubukan ng dalaga na tumingin sa side mirror ng sasakyan para makita ang itsura ng lalake. " Hep, wag ka ng kumilos, " sabi ng lalake. " Wag na matigas ang ulo kundi lalagyan ko ng gripo itong tagiliran mo. Akin na yang cellphone at bag mo! "

Nanginginig ang kamay na inabot ni Stella ang hawak hawak na cellphone sa holdaper. Di siya makapagsalita sa takot. " Pati yang bag mo, akin na. Bilis! "

Bibitawan na sana ni Stella ang mahigpit na pagkakahawak sa bag ng may mga biglang dumating na guards sa building. " Hoy ano yan ha?! " sigaw ng isang guard na may kasama pang dalawa.

Shhh... Wag Kang SisigawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon