Chapter 55:Maling Akala

4.2K 91 0
                                    

Sora's POV:

"Miss, dala mo na ba yung pina-Laundry ko na damit?" Hindi ko pinansin ang tanong niya dahil abala ako sa pagtingin sa kabuuan niya.

Maganda siya, matangkad, maputi at pang model ang katawan.

Anong panama ko sa tulad niya?

Halatang ganito ang tipo niyang babae.

"Miss, are you ok?Why are you crying?" Natauhan ako sa sinabi niyang iyon. Kaya pinunasan ko ang mata ko.

Umiling ako at pilit na ngumiti.

"I'm sorry. Nagkamali lang siguro ako ng pinasukang unit." Pagdadahilan ko kahit na alam kong ito naman talaga iyon.

Pinipigilan ko ang luha ko para hindi niya mahalatang naiiyak na ako.

"Aahh.." Tumingin kaming pareho ng babae sa boses na narinig namin.

Si Richard Collin iyon na humihikab at nasa may pinto. . .

Nang Nakaboxer lang.

ouch.

Ang sakit.

May nangyari na ata sa kanila.

Alam kong napansin niya ako at ang babae na nasa harap din niya.

"Sora?" Tawag niya sa akin na may pagkabigla. Papalit palit ang tingin niya sa amin ng babae at parang naguguluhan.

Tinignan niya ang sarili niya at ang babaeng nakatapis.

Hindi ko na kaya ang nakikita ko ngayon. Tumalikod ako at dali daling lumabas ng lugar.

Narinig ko pang tinawag niya ako pero ayoko ng lumingon.

Nang makasakay ng elevator ay doon ko binuhos lahat ng luha ko. Mabuti nalang at wala akong kasabay sa loob.

Bakit siya ganun?

Ang sakit sakit.

Para akong sinaksak sa dibdib sa sobrang sakit.

Ganto ba talaga kapag nagmamahal ka?

Ganto na ba talaga kalalim ng nararamdaman ko para sa kanya?

Chard's POV:

Nagising ako ng masakit ang ulo. Madami akong nainom at ganto ang naidulot nito. Parang binabasag ang bungo ko sa sakit.

Wala din akong maalala sa nangyari. Ang alam ko lang ay umiinom ako ng alak sa bar habang may babae na kumakausap sa akin.

Hindi ko din matandaan kung paano ako nakapunta dito sa Condo ko.

"Ahhh.."Humihikab ako habang papalabas ng pinto ng kwarto ko.

May napansin akong babae na nakatapis at si Sora.

Teka ?!

"Sora?" Bigkas ko habang nakatingin sa kanya na medyo basa ang mata sa luha.

Palipat lipat ang tingin ko kay Sora at sa Babae na nakatapis at ngayon ko lang din napagtantong naka boxer lang ako.

wa...wait?!

Ma..may nangyari ba sa amin ng babaeng ito?

At ang mga sumunod na nangyari, tumakbo siya papalayo sa akin. Tinawag ko siya pero hindi man lang siya lumingon.

Hindi ko na siya sinundan at tinignan ng masama ang babae na nasa harap ko.

Nilapitan ko sya at hinawakan ng mahigpit saagkabilang braso.

"Sabihin mo, may nangyari ba sa atin?!" Galit kong sabi. Wala akong maalala kung anong nangyari kagabi.

"Ouch! Richard!Let me go! Nasasaktan ako." Hindi ko pinansin ang sinabi niya at patuloy padin ako sa paghawak sa magkabilang braso niya.

"Answer me! May nangyari ba sa atin? Ano?!"

"Ano ba! Syempre Wala!Kaya bitawan mo ako!" Matapos niyang sabihin iyon ay binitawan ko siya.

Nakaramdam ako ng ginhawa sa sinabi niyang iyon.

Pero, Bakit ganto ang suot ko at yung sa kanya?

"Bakit naka boxer nalang ako at nakatapis ka naman?" Inirapan niya ako bago siya sumagot.

"Sinukahan mo ako kagabi habang hinahatid kita dito sa condo mo. Wala akong choice kaya ginamit ko ang damit mo at pina laundry ko ang damit ko. At ngayon ay nakigamit ako ng shower mo dahil nalalagkitan ako." Bigla namang may kumatok sa pinto. Sya na ang nagbukas nun at dala na niya yung pinalaba niyang damit.

"at kung tatanungin mo ako kung bakit ka naka boxer ay hindi ko alam. Simula nung pumasok ka sa kwarto mo ay hindi na kita pinake alaman. Dito nga ako sa sala natulog oh." Hindi na niya ako hinantay sumagot dahil nagtungo na siya sa c.r. para magbihis.

Ilang minuto lang ay lumabas na siya na suot ang damit niya.

"Mukhang na maling akala ang girlfriend mo. Paki sabi Sorry. Anyway, I have to go. " Hindi na ako sumagot kaya umalis na din siya.

Paano ko ieexplain sa kanya ang nakita niya?

Paniniwalaan niya kaya ako?

My Probinsyana Girl(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon