Chapter 8: Cara Villarosa

5.9K 144 21
                                    

Sean's POV

"Gutom nako guys.." sabi ni Eman.

"Gutom kana? Sa tingin mo,may makakain tayo dito? Isipin mo muna kung papaano tayo makaka alis dito hindi puro ka pagkain." Sabi ni Nicka kay Eman

"Alright. Thats it! Mamatay na tayo dito sa gutom at sa takot!" Sabi ni Eman.

Hindi ako makapaniwalang mangyayari sakin to. Di kopa kasi na experience ang mapunta sa gantong lugar na nakakatakot. Napa tingin ako sa bintana. Nakakita ako ng babae sa may likod ng School na parang simentaryo. May dala syang bulaklak at parang may binibisita sya. Nagandahan ako sa kanya.

Habang nag uusap sila Eman,Brian,Abram,Nicka at ang Quandos ay umalis muna ako para sundan ang babae. Na cu curious kasi ako sa kanya kung bakit sya nandun. Siguro may alam sya tungkol sa School nato.

Bumaba ako at nag tago sa likod ng dingding na malapit sa kanya. Napaka ganda nya talaga. Ngayon lang ako naka kita ng gantong babae. Pero sinundan ko sya dahil gusto kolang maka kuha ng impormasyon tungkol sa School nato.

Maya maya ay umalis na sya at hinila ko sya. Kaya napa yakap sya saakin.

"What the...." napatingin sya saakin mas maganda pala sya pag malapit sya. Medyo kamukha nya si Ms. Villarosa ng konti.

"A-am... excuse me.." sabi ko

"Bakit moko hinila?" Sabi nya

"Pasensya na. Hindi ko sinasadya. Kailangan lang kasi namin ng tulong mo."

"Tulong ko?"

"Oo. Nakita kasi kita kanina sa may simenteryo sa likod ng School namin."

"School nyo?"

Napatingin sya sa School namin.

"Nag aaral ka dito??" Sabi ng babae na parang hindi sya makapaniwala.

"Oo. Bakit?"

Sya naman ang humila saakin papalayo sa School nayon.

"Teka. Saan moko dadalhin?" Sabi ko

"Anong ginagawa mo sa School nayon?" Sabi nya

"Dun ako nag aaral."

"Ha? Papaano nangyari yon? E matagal nang walang nag aaral diyan. At abandunado na yan!" Sabi nya

"Kaya kita hinila kasi kailangan namin ng tulong mo. Nag kanda walaan ang iba naming kaklase sa Loob sa sobrang laki. Pwede moba kaming matulungan?" Sabi ko

Pumasok kami sa loob ng School at pumunta kami kina Eman. Kasama ko ang babae

"Sean!" Sabay silang lahat.

At niyakap nila ako.

"Sean! Saan kaba nanggaling ha? Di ka nag papaalam saamin! Buti nalang nakita ka namin." Sabi ni Brian

"Sorry kung hindi ako nakapag paalam. Humingi lang ako ng tulong." Sabi ko

Tumingin kaming lahat sa babaeng dinala ko. Hanggang ngayon,hindi ko pari alam ang pangalan nya.

Agad na lumapit si Luis,Julius at Jp sa babaeng dinala ko.

"Hi. My name is Julius Faulkerson." Sabi ni Julius sa babae habang inaayos ang buhok at nag papa cute.

"Ako naman si Luis Gonzales." Singit ni Luis sa usapan.

"Ako naman si John Paul Tiamson Jp for short." Sabi ni Jp sa babae.

Hay nako naman! Dinedeskartehan nanaman nila ang babae.

"Ako si Cara." Matipid na sagot nya.

Cara pala ang pangalan nya. Bagay na bagay sa itsura nya na napaka ganda. Tulala lang sila Luis kay Cara habang si Cara ay tumitingin sa paligid ng School.

The Haunted SchoolWhere stories live. Discover now