Chapter 5

6.6K 150 10
                                    

"Joshua's POV"

Oo, isa rin ako sa mga naligaw. Di ko nanga alam kung saan pupunta. Kanina pa ako nag lalakad. Ang laki kasi ng School nato. Hindi ko alam kung namilik mata lang ba kami sa nakita namin kanina na babaeng duguan ang mukha.

Maya maya,, habang nag lalakad ako, may narinig ako na sumigaw. Familiar ang boses nya kaya naman tumakbo agad ako para sundan kung saan nanggagaling ang boses nayon. Biglang may nakabanggaan ako. At napa tumba kaming dalawa.

Si Catrinne!

Umiiyak sya at sumisigaw! Sinasaktan nya ako at tinutulak. Paulit ulit nyang sinasabi na "Tigilan moko! Tigilan moko! Lumayo ka sakin!" Sinasabi nya yon habang naka pikit sya.

Sinusubukan ko syang pigilan. Hinawakan ko ang mukha nya at sinubukang pakalmahin sya.

"Catrinne, ssshhhh... nandito na ako. Sssshhhh... kumalma ka." Sabi ko

Umiiyak parin sya kaya niyakap ko sya at paulit ulit na sinabi sa kanya na "wag kang mag alala. Nandito na ako."

Patuloy parin syang umiiyak. Maya maya ay dumilat na sya. At nagulat sya sakin.

"J-joshua?" Sabi nya habang umiiyak.

"Oo ako to Catrinne. Kumalma kana.. nandito na ako."

Lalo syang umiyak. Ano bang nangyari sa kanya? Bakit ba sya nag kakaganyan?

"J-joshua,, panu moko nahanap??" Sabi nya habang umiiyak.

"Catrinne,wala nang mas lalakas pa sa sigaw mo."

Bigla nya akong hinila papalayo sa pinanggalingan nya.

"Catrinne, ano bang nangyayari? Bakit moko hinihila?" Alanganin kong sagot.

"Umalis na tayo dito!" Mabilis nyang sinabi habang hinihingal.

Wala na talaga akong maintindihan kay Cattrine. Ano nabang nangyayari sa kanya?

Maya maya ay naka layo na kami sa tinakbuhan namin. At hinihingal sya pero ako hinde dahil sanay na ako sa Athletics. Maya maya ay natulala sya.

Hinawakan ko ang mga balikat nya.

"Catrinne, ano bang nangyari?" Tanong ko sa kanya.

Umiyak nanaman sya. Kaya niyakap ko ulit sya.

"S-s-ssssi Ms. Villarosa." Bulol bulol sya dahil sa pag iyak nya. Teka, si Ms. Villarosa? Bakit? Anong ginawa nya kay Catrinne? Pinagalitan kaya? E itsura palang ni Catrinne ay parang hina hunting sya eh.

"Ang Principal natin? Bakit? Anong ginawa nya?"

Umiyak nanaman sya. At parang hindi makapag salita ng maayos dahil mukha syang tinakot.

Habang nag lalakad kami.

"Pasensya na kung tinulak kita kanina at pinag papapalo." Mahinang sinabi ni Catrinne

"Wala yon. Alam kong wala ka sa sarili mo kanina kaya niyakap kita." Sabi ko

Nanahimik sya at nag tanong ako.

"Catrinne, ano bang nangyari sayo? Bakit ka nag wawala kanina? Anong ginawa sayo ni Ms. Villarosa?" Tanong ko.

Akala ko iiyak nanaman sya pero buti nalang ay hindi na.

"Joshua, mahabang kwento pero sasabihin kona kaagad sayo." Sabi ni Catrinne

"Ano yon?"

"Nalaglag ako kanina mula sa Second pinaka mataas na floor. Hindi na kasi matibay ang sahig kaya nalag laga ako. Tapos,, may gumising sakin na babaeng bata. Chesca daw ang pangalan. Tapos sya ang nag turo sakin kung saan ang old Principal's room."

"Old Principal's room?"

"Oo Joshua. Old Principal's room. Marami pa tayong hindi alam sa School nato."

Anong ibig nyang sabihin?

"Catrinne anong hindi pa natin alam?"

"Joshua, marami nang namatay dito. Hundred Years ago."

Nagulat ako sa sinabi ni Catrinne.

"Sigurado kaba diyan?"

"Oo Joshua. Hindi ako nag bibiro. Nabasa ko sa lumang  Diyaryo dun sa Kwarto nayon. Tapos bago ko yon makita, tinignan ko muna ang Photo album na katabi ng Diyaryo. At nakita ko ang Picture don ni Ms. Villarosa at Ms. Arriela sa Picture ng 2006. Joshua, patay na sila!"

Biglang lumakas ang kutob ng puso ko at kinabahan ako.

"Baka naman namimilik mata kalang Catrinne."

"Joshua, akala ko rin namimilik mata ako pero hinde! Totoo ang nakita ko! Dati pa silang nandito. At naka sabi sa diaryo na hinayaan lang ang mga bangkay nila dito sa Iskwelahang ito. Nag tataka din ako kung bakit may diyaryo don sa Hidden room nayon. Sino kayang nag lagay don?!"

"E bakit ka naman tumakbo at sumigaw kanina?"

"Kasi habang binabasa ko ang diyaryo ay may tumawag ng pangalan ko sa likod ko. Si Ms. Villarosa!" Sabi ni Catrinne

Lalo akong kinabahan sa sinabi ni Catrinne.

"Joshua, ayoko na dito. Umalis na tayo dito please." Nag makaawa si Catrinne saakin at umiyak nanaman sya.

"Catrinne, gustuhin man natin pero hindi pwede. Ikaw na mismo ang nag sabi na multo sila kaya naka bantay sila kahit saan man tayo pumunta. Kailangan muna nating mahanap sila Brian."

"Buti nalang,nag kita tayo. Siguro, kung hindi moko naka salubong, baka bangkay nalang ang makikita nyo sakin."

Kahit papaano pala ay mabait din si Catrinne. Akala ko puro nalang kayabangan ang umiiral sa kanya. Malambot din pala ang puso nya. Alam kong kailangan nya ako sa tabi nya kaya pinakalma ko sya habang mag kasama kami.

"Catrinne, hindi kita iiwan kahit na gaano kapa ka suplada." Sabi ko habang naka ngiti ako sa kanya.

Ngumiti rin sya.

"Oh shut up!" Pambibiro nya habang naka ngiti sakin.

"Oh. Ayan ka nanaman. Nagiging suplada ka nanaman. Nag E english ka nanaman diyan. Pwede bang mag tagalog ka nalang?"

Tumawa sya.

"Okay Fine. :')"





Abangan sa chapter 6 ang pag hahanap nila Sean kina Catrinne at Joanna.

The Haunted SchoolWhere stories live. Discover now