"Talaga? Sinagot ka na niya? Hahaha! Tol, pustahan basted si Aries. Hahaha."

"Pag ako makaganti, humanda kayo. Mga bwisit. Boypren ko na siya. Di niya pa alam, bawal eh! Mga gago kayo. Tatalunin ko kayo sa dota!" Sigaw ko.

"Oh dali, libre pag natalo ka!"

"Omaygawd. Mamaya na pala! Online na si boypren! Shit. Babawi ako next time. Kinabahan ako kainis. Lakas ng epekto mo Virgo. I lab yu talaga." Tinawanan nila ulit ako kesyo baliw na daw ako sa nililigawan ko. Che. Ako ang niligawan niya sa dreamland. Kapal ah.

Agad kong binuksan ang chatbox namin ang nagchat.

Me: Hi!

Seen 10:23 pm.

Putspa seen! Kainis! Kung di lang ako mahiyain, kanina ko pa inamin na kami na! Na crush na crush ko siya! Pero syempre, pademure muna. Hihi.

Typing...

Virgo: -_-

Uy, ang pabebe mo Virgo! Pucha. Sus, if I know kinikilig lang siya kaya ganyan lang nireply.

Me: Ano ginagawa mo?

Virgo: Chatting obviously.

Me: Sino si Obviously? Girlfriend mo?

Putek. Akala ko ako girlfriend mo!

Virgo: Srsly?

Me: Ano nga? Wag ka ngang mahiya.

Virgo: Huh?

Me: Okay lang naman sa akin.

Virgo: wtf

Me: Ba't ang cold mo?

Virgo: Yan lang talaga ako. Di ka pa matutulog? Antagal mo atang online? Ano ginagawa mo?

GRABE! Kinikilig ako! Ang haba ng tinype niya! Waah. Ano ba naman ito! Halatang halata na boypren ko ah.

Me: bakit? Curious ka? ;)

This message failed to send. Click to send again.

Putspa! Ano ito?!

"Huy mga gago, umalis na nga kayo! Ang lag! Di masend message ko! Baka maghintay boypren ko!" Sabi ko sa mga nagdodota.

Aba langya, di nakinig. Ganun na lang iyon? Doon lang chat namin?! DI MAARI!

Me: bakit? Curious ka? ;)

This message failed to send. Click to send again.

Me: pakyuuu!

This message failed to send. Click to send again.

Virgo: Nandyan ka pa?

Seen 10:36 pm

Me: Kainis kang net! Waaahhhh! Oo nandito pa ako!!

This message failed to send. Click to send again.

Me: Waag mo kong iwaan!

This message failed to send. Click to send again.

Virgo: Natulog ka na? -_-

Seen 10: 43pm

Me: Hindi pa!!

This message failed to send. Click to send again.

Turtle net! (One Shot)Where stories live. Discover now